JERRY OLEA
Minsan pa, kinabog ng FPJ’s Ang Probinsyano ang Lolong sa AGB Nielsen NUTAM Ratings.
Huling linggo ng maaksyong pakikipagsapalaran ni Cardo Dalisay (Coco Martin) noong Agosto 8-12.
Mula Lunes hanggang Huwebes last week ay wagi pa rin sa ratings ang Lolong ni Ruru Madrid.
Pero sa huling gabi ng FPJ’s Ang Probinsyano noong Agosto 12, Biyernes, ay nagtala ito ng 16.6% kumpara sa 14.8% ng Lolong.
Read: Ang Probinsyano opisyal nang nagwakas pagkatapos ng pitong taon
Dahil umabot ng 10 p.m. ang finale episode ng FPJ’s Ang Probinsyano ay nakasalpukan din nito ang sumunod sa Lolong na Bolera, na naka-10.6%.
Iyong 24 Oras ay naka-16.5% kumpara sa 4.3% ng TV Patrol, at 2.6% ng PBA Game 2.
Ang Bubble Gang ay naka-5.5%, kumpara sa 5.2% ng 2 Good 2 Be True.
At ang Show Window: The Queen’s House ay naka-3.2%, kumpara sa 2.6% ng A Family Affair.
Ang kapalit ng FPJ’s Ang Probinsyano umpisa ngayong Agosto 15, Lunes, ay ang Mars Ravelo’s Darna, kung saan ipapamana ni Leonor Custodio (Iza Calzado) sa anak na si Narda (Jane de Leon) ang mahiwagang bato.
Aabangan natin ang mahiwagang ratings ng Mars Ravelo’s Darna kumpara sa Lolong.
GORGY RULA
Sa loob ng pitong taon, hindi na matatawaran ang epekto sa taumbayan ng kuwento ni Cardo Dalisay sa FPJ’s Ang Probinsyano. Kaya halos lahat ay curious kung ano ang magiging ending ng naturang teleserye.
Hindi na ikasasama ng loob yun ng buong team ng Lolong, lalo na si Ruru Madrid na mataas ang paggalang at paghanga kay Coco Martin.
Pawang magaganda ang feedback na ipinaparating ng mga sumusubaybay sa Lolong, kaya abangan natin kung ano ang reaksiyon nila sa pagpasok ng mga bagong karakter sa pangalawang yugto nito.
May mga nagku-comment nga na dapat ay i-extend pa ang Lolong. Agree naman ako diyan, dahil ang dami pang puwedeng gawin sa kuwento nina Lolong at Dakila.
Read: Ruru Madrid, nagpasalamat sa mga nanood ng pilot episode ng Lolong
Sabi ko nga sa nakaraang mediacon nila, kesa naman yung mga kinopya sa mga K-drama, mas nakaka-proud pang nakakagawa ang GMA-7 ng isang original na kuwentong Pinoy na Pinoy.
Sabi ni Christopher de Leon, na gumaganap bilang si Armando sa Lolong, “This one is entirely different. We have a different story. We have a different background that deal with buwaya, atubaws.
“We deal with the environment, on how to protect the environment, and deal with a lot of stuff, heartaches, loved ones, love affairs, and viciousness, revenge and all that. Iba yung approach namin dito.”
Hindi pa masagot ng production staff ng Lolong kung pinag-uusapan ba ang extension.
Nai-tape na nila ang ending, pero marami pang puwedeng gawin para humaba pa ang kuwento nito.
“We cannot say anything right now,” pakli ng program manager na si Jaypril Jaring.
“Hindi natin alam what happens next. As of now, we’re working of what we have, hanggang diyan lang po muna ang sabihin natin sa ngayon.
“Kung ano man ang mangyari after, kung ano man ang natapos namin, we’ll see and babalitaan po namin kayo,” dagdag niyang pahayag.
NOEL FERRER
Record breaking number of viewers on TV and online, kasama natin si Cardo Dalisay at ang Team Probinsyano sa final episodes na talaga namang sinubaybayan ng sambayanang Pilipino.
Tama si Sir Boyet de Leon, “Iba naman ang story at lagay ng Lolong. Ibang aral naman ang dala nito!”
Samantala, papalo kaya sa ratings ang Darna ni Jane de Leon na lilipad na mamaya?
In fairness, inikot ni Jane lahat ng istasyon (maliban sa GMA) at nakapag-judge pa siya sa Binibining Pilipinas, at guest Patroller sa TV Patrol!!!
Bravo, Team Darna. Ngayon na huhusgahan ang Premiere ng Makabagong Darna!!!
Ilang training at pasakit ang pinagdaanan ni Jane dito, pero game pa rin siya! With her Ate/Soon-To-Be Mommy Iza Calzado (who will pass on the “bato”to her), and every member of the cast and crew trying to lift her spirits up, sana Darna soars to greater heights tonight sa kanyang premiere!
Aabangan natin iyan!!!
