PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lianne Valentin on end of Apoy Sa Langit

But Lianne says she's still grateful for being part of the show.
by Rommel Gonzales
Published Aug 28, 2022
Lianne Valentin a kontrabida in Apoy Sa Langit
Lianne Valentin hopes their viewers will learn lessons about relationships and life from their characters in "Apoy Sa Langit."
PHOTO/S: @lianne.valentin on Instagram

Maituturing na breakthrough sa career ni Lianne Valentin ang pagkakasali niya sa Apoy Sa Langit bilang si Stella.

Patuloy na namamayagpag sa ratings ang nabanggit na Kapuso drama series. Isa rin ito sa most viewed drama program sa YouTube.

At si Lianne, sa papel niya bilang kabit ni Cesar, as portrayed by Zoren Legaspi, marami ang nanggagalaiti sa galit sa kanya.

Pero bilang aktres ay marami naman ang napapahanga ni Lianne sa husay niya bilang Stella.

“Wow, thank you po,” umpisang bulalas ni Lianne nang marinig ang papuri sa kanya bilang artista.

“Pero nung pumasok po ako sa Apoy Sa Langit to be honest hindi po talaga madali yung journey ko and this is my first role na masasabi kong very deep yung character and marami siyang requirements kumbaga.

“So actually nawala sa isip ko yung sana mapuri ako ng mga tao, yung mga ganyan, I just want to do my job well and ma-execute ko nang tama yung character ni Stella.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So hindi po talaga madali yung process of course during taping, during script-reading pa lang, talagang sabi ko din talaga sa sarili ko na sabi ko, 'Once na tumapak ako sa lock-in taping I really want to give my two hundred percent best para sa character na ‘to.'

“As in I want to commit and give everything. So iyon, I’m very happy and I’m very grateful na yung fruit naman nung paghihirap ko na yun is may bunga and very happy ako sa response din ng mga viewers ng Apoy Sa Langit.

“May mga naiinis, may mga natatawa, may mga natutuwa, meron ding mga naawa, so I really want din, it’s my goal din as Stella na kumbaga makita nila yung iba’t ibang shiftings ni Stella and iba’t ibang sides niya.

“And yun, I’m very happy na hindi lang inis yung naramdaman nila pero nakaramdam din sila ng kahit papaano’ng awa and pagmamahal din kay Stella. So sobrang saya ko po and hindi ko talaga ini-expect. Kaya ngayon sobrang happy ko talaga.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakausap si Lianne ng members ng media sa Zoom presscon ng Apoy Sa Langit nitong Lunes, August 22, para sa finale episode this week ng show. Eere ang huling episode nito sa September 3 sa GMA-7.

KABITS ARE HUMANS TOO

Pero sa kabila ng pagiging kontrabida at kabit si Stella, tao pa rin siya na nagmamahal at nasasaktan.

“Yes! Hindi naman siya yung tipong klase ng babae na, okey, ito lang yung makikita mo sa kanya, pagmamahal lang, as in super-duper pagmamahal lang para kay Cesar. Hindi.

“Makikita mo yung iba’t ibang sides niya, aspects niya bilang isang babae, bilang isang lover, iyon yung makikita sa kanya," paglalarawan pa ni Lianne sa kanyang Apoy Sa Langit role.

Ano ang nararamdaman ni Lianne sa nalalapit na pagtatapos sa ere ng Apoy Sa Langit? Ano ang nais niyang magmarka sa audience tungkol sa kanilang drama series?

“Siyempre nalulungkot din po kami, ako personally, na patapos na, last week na lang yung Apoy Sa Langit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually nung lumabas yung poster nalungkot talaga ako, na parang grabe ang bilis lang!

“And at the same time, very grateful ako sa journey ng Apoy Sa Langit kasi kahit ako, kahit alam ko na kung ano yung mangyayari, sumusubaybay pa rin talaga ako sa stream… very ano talaga ako, hooked din ako sa story.

“So ang masasabi ko lang sa mga viewers na sumubaybay sa Apoy Sa Langit, makikita naman, e. Na yung every character may kanya-kanyang journey nga na tinatahak.

“Na for example, si Mama Gemma [Maricel Laxa], it’s about grief and loss ng asawa niya.

“Kay Stella finding, you know, comfort.

“I mean makikita mo yung importance talaga ng characters and journey nila and I know na sa dami ng nanonood ng Apoy Sa Langit alam ko na kahit isa sa mga tao na nanonood is may ganun ding pinagdadaanan or nakaka-relate din dun sa istorya ng Apoy Sa Langit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So ang siyempre ang gusto naming maiwan sa kanila is of course, na at the end of the day or sa pag-end ng show is talagang ma-encourage sila and ma-enlighten.

"And magkaroon sila ng lakas ng loob, di ba, yun nga, sa lahat ng mga naabuso and you know, victim ng ganitong klaseng, alam mo yun, pagmamahal.

"Ma-enlighten talaga and ma-encourage sila na hindi pa huli and kaya nila ‘to, kaya nilang labanan yung ganito and they can, kumbaga, love yung sarili nila. Self-love talaga, and empowerment," sabi pa ni Lianne.

Bukod kina Lianne at Zoren ay nasa cast din ng Apoy Sa Langit sina Maricel Laxa bilang si Gemma, Mikee Quintos bilang si Ning, Mariz Ricketts bilang si Blessie, Carlos Siguion-Reyna bilang si Edong, Dave Bornea bilang si Tony, Coleen Paz bilang si Patring, Celine Fajardo as Iyah, Patricia Ismael as Lucy, at Mio Maranan bilang si Toto.

Ang Apoy Sa Langit ay sa direksyon ni Laurice Guillen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lianne Valentin hopes their viewers will learn lessons about relationships and life from their characters in "Apoy Sa Langit."
PHOTO/S: @lianne.valentin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results