JERRY OLEA
Nakakagigil si Lianne Valentin bilang Stella, ang kabit ni Cesar, na ginagampanan ni Zoren Legaspi, sa Kapuso afternoon drama series na Apoy Sa Langit.
OK na ba si Lianne sa mga ganitong character role, iyong mapangahas na kontrabida?
"Ayoko lang po talaga yung maging stereotype lang na kontrabida. Yun din ang sabi ni Direk Laurice [Guillen] sa akin, e," pahayag ni Lianne sa recent tsikahan sa Robinson’s Magnolia.
"Ayaw niyang maging stereotype ako ng kontrabida. Gusto niya, may something na iba kay Stella. And yun nga, sabi ko, ‘Sige po, Direk, lagyan po natin ng flavor si Stella,’ sabi kong ganun sa kanya.
"Kung bibigyan ako ng next roles na kontrabida man, bida or comedy or ano mang genre ang ibigay sa akin, I will accept.
"I will take the opportunity, but I will make it my own din. Sabi ko, ayoko na pare-parehas.
"Kunwari, bigyan ako ng kontrabida next time, same pa rin, the way kay Stella? NO! Hindi ko po hahayaan na ganun.
"Kasi, gusto ko, may tatak yung karakter ko sa bawat tao. Yun yung role ko as an actress."
Mabusising direktor si Laurice Guillen. May oras ba na tahasan siyang pinuri nito?
Napangiti si Lianne, “Yes, merong eksena na one week kaming nag-prepare ni Kuya Zoren, yung scene na yun.
"Kasi binasa namin siya, OK, maraming eksena na sunud-sunod. Pero gusto namin na itong eksenang ito, it’s very emotional, e.
"Yun ang una, emotional na siya. Sabi ni Kuya Zoren, ‘Lagyan pa natin…’ ng more sa kanya. And kinausap namin si Direk Laurice dahil gusto naming lagyan ng mga personal takes namin.
"So, one week kaming nag-prepare. Even blocking, pinaghandaan namin ni Kuya Zoren—may permission ni Direk Laurice.
"And may mga ano rin siya, kung may hindi siya gusto, sinasabi niya. 'Tapos, nung natapos namin yung eksenang yun, bumaba si Direk Laurice mula sa OB van.
"Pumunta siya sa set. Niyakap niya ako. And she’s not very vocal, alam niyo naman po yun. Hindi siya vocal.
"So, sabi ko nga, nung niyakap niya ako at ginanun niya yung mukha ko, ang sabi niya, 'Ang galing mo!' 'Tapos, parang sabi niya sa akin, 'Ramdam ko yung emosyon mo dun sa eksena!'
"Hinawak-hawakan niya yung mukha ko pagkatapos niya akong yakapin.
"Sabi ko, hindi ko alam kung totoo ba ito o nananaginip lang ako?!”
Nasa cast din ng teledrama sina Maricel Laxa, Mikee Quintos, Patricia Ismael, Dave Bornea, Mariz Ricketts, at Carlitos Siguion-Reyna.
GORGY RULA
Noong unang linggo ng Apoy sa Langit ay hindi ito gaanong nag-click sa mga manonood. Pero nadi-develop ang kuwento, kaya tumaas nang tumaas, at minsan ito pa ang mas top rater sa ibang afternoon drama.
Napapansin na si Lianne dahil sa napaka-challenging na role na ipinagkatiwala sa kanya. Ang suwerte nga niya dahil nabigyan siya ng magandang break, at Direk Laurice Guillen pa ang direktor.
Ang hinihintay kung ano ang tatatak sa pagiging kontrabida ni Lianne. Kagaya rin kaya ng kay Claire Castro na nag-trending ang paglamutak ng cake sa mukha niya sa Nagbabagang Luha?
Sana, mabigyan ng magandang follow-up project ang mga nabibigyan ng break ng GMA-7.
Pagkatapos ng Nagbabagang Luha, hindi nasundan ng maganda pang project para lalong tumatak si Claire sa mga manonood. Sana, may magandang follow-up sa kanya, at ganundin sana ang gagawin kay Lianne.
NOEL FERRER
Lianne Valentin promises to be one of the more effective Kapuso actresses today. With a manager like Manny Valera guiding her, I’m sure mauungusan pa niya iyong nasa ibang factory ng talents.
Iba rin kasi ang pagtutok ng isang dedicated manager. That’s how it should be.
We wish Lianne all the best!
