Alexa Miro on Jane de Leon headlining Darna: "Very, very deserving"

by Rommel Gonzales
Sep 10, 2022
Alexa Miro on Jane De Leon as Darna
Alexa Miro is happy for Jane de Leon, the lead star of ABS-CBN's Darna: "...isa siyang patunay na kahit ilang pinto ang sumara sa iyo, it only means there is a much bigger door that is waiting for you, so I’m really, really proud of her.”
PHOTO/S: Rommel Gonzales (L)

Ano ang masasabi ni Alexa Miro sa pagiging Darna ni Jane de Leon, na talent din ng manager ni Alexa na si Tyronne James Escalante.

“Ay sobrang proud po ako kay Jane because nakilala ko po si Jane noong nagsisimula pa lang kaming dalawa.

“And I know what she’s been through.

"Although hindi po kami best friends, hindi kami palaging nakakapag-hang out dahil din sa mga projects, I know na noon pa man ay gusto na niya talagang mag-succeed.

“And di ba maraming doors na sinasara sa atin? Mga artista, napagdadaanan iyan, maraming doors na nagsasara.

“Pero isa siyang patunay na kahit ilang pinto ang sumara sa iyo, it only means there is a much bigger door that is waiting for you, so I’m really, really proud of her.”

Hindi ba nangarap noon si Alexa na lumipad din bilang si Darna onscreen?

“Actually, hindi ko po naisip,” at tumawa si Alexa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi po, siyempre pinangarap ko rin po nung bata ako na maging Darna.

"Pero hindi ko yata naabutan or narinig yung audition, so nakapag-audition na sila nung nalaman ko kaya hindi po ako nakapag-try.

“Pero our Darna today is very, very deserving of that role!”

WORKING WITH ARJO ATAYDE

Excited naman si Alexa sa kanyang upcoming project with Arjo Atayde, na kung tawagin niya ngayon ay "Cong."

Nagwaging congressman ng 1st District ng Quezon City si Arjo nitong nakaraang national elections na ginanap noong May 9, 2022.

Kuwento ni Alexa tungkol sa project, “It’s called Hey Joe po, with Tita Nova Villa, Arjo Atayde, marami pa pong esteemed actors. Shinoot po namin ito sa Baguio.

"It’s a story of mag-lola, si Arjo Atayde and si Tita Nova, na pinapakita yung, dini-depict yung story ng isang mabuting tao na kapag nalagay sa alanganin ang buhay ng kanyang pinakamamahal, which is Tita Nova, kung anong kaya niyang gawin para mailigtas yung buhay or para makatulong sa pamilya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malapit na raw itong ipalabas.

“Hopefully soon, I think na-busy po yata si Cong, and lalo na ngayon engaged na si Cong with Maine [Mendoza], di ba, so, congrats, Cong.

“Pero hopefully po soon lalabas na siya. I think Netflix po or theaters, iyon yung pinagpipilian nila.”

Leading lady ni Arjo si Alexa sa pelikula. Handa ba si Alexa na pagselosan at awayin siya ng mga fans nina Arjo at Maine?

Natawa muna si Alexa bago sumagot.

“Ready naman po ako sa kahit na ano kasi alam ko naman po kung gaano katatag ang relationship and yung trust and pagmamahal nila sa isa’t isa."

ON WINNING AN AWARD

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alexa sa mediacon ng Asia's Pinnacle Awards 2022 noong August 23, 2022.

Ginanap ang mediacon sa Limbaga 77 restaurant sa Scout Limbaga Street near Tomas Morato Avenue sa Quezon City.

Ang bagong tatag na Filipino award-giving body “aims to honor and recognize successful people in the business sector.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkakalooban si Alexa ng parangal bilang Rising Actress in the Entertainment Industry of the Year.

Kapwa awardee ni Alexa si Jane bilang Most Outstanding Female Actress of the Year at ang manager nilang si Tyronne bilang Most Exemplary Artist Management of the Year.

Ano ang nararamdaman ni Alexa sa kanyang tatanggaping award?

“Naniniwala ako na lahat ng bagay sa mundo ay may dahilan. So kung ibinigay sa akin ito ngayon, it serves a purpose that I may not know of but hindi ko po ito ibabalewala.

“I will treasure it and make sure that I will make the most out of this award.”

Gaganapin ang awards night sa October 8, 2022, 6:00 p.m. sa Grand Ballroom ng Okada Manila.

Tyronne James Escalante, Nico Faustino, Daiana Menezes, Dr. Ronnel Ybañez, Alexa Miro, Perry Escaño, and Dr. Alim Fatani

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang founder at President ng naturang award-giving body ay si Dr. Ronnel Ybañez.

Ang limang miyembro naman ng Board of Council for Business Excellence na nag-evaluate ng mga nominees at awardees ay sina Erarev "Anne” Bacho (Founder of Eralista), Asec. Vidal Villanueva (Assistant Secretary of Cooperative Development Authority), Charms Espina (PTV4 news anchor), Nico Faustino (Founder of Go Live Asia), at si Dr. Alim Fatani (National President of Ulama and Imam of the Philippines Association).

Sa Entertainment Category, head ng jury ang filmmaker at events director na si Perry Escaño.

Samantala, ang iba pang awardees ng kauna-unahang Asia's Pinnacle Awards 2022 ay sina:

  • MARVIN AGUSTIN (Sumo Sam and John and Yoko) -- Most Outstanding Chef and Entrepreneur of the Year
  • JOEL TORRE (JT Manukan) -- Most Outstanding Chicken Inasal Business Owner of the Year
  • ENCHONG DEE (Peri-Peri Charcoal Chicken) -- Most Dedicated and Outstanding Business Restaurant Owner of the Year
  • WENDELL RAMOS (IFuel Gasoline Station) -- Most Renowned Businessman in Fuel Business of the Year
  • ELISSE JOSON and MCCOY DE LEON (Felizia Jewelry) -- Most Outstanding and Trusted Jewelry Supplier of the Year
  • KARLA ESTRADA (Rustic Box) – Most Outstanding Entrepreneur in the Field of Food Industry
  • MATTEO GUIDICELLI (Da Gianni) -- Asia’s Most Renowned Filipino-Italian Entrepreneur of the Year
  • JC DE VERA (The Burgery) -- Asia’s Most Well-Known Businessman of the Year
  • ISABELLE DAZA (FRNK) – -- Asia’s Most Outstanding and Trusted Entrepreneur of the First Authentic Japanese Milk Bar of the Year
  • RICHARD YAP (Wang Fu Chinese Cafe) -- Asia’s Most Outstanding Entrepreneur of Delicious Singaporean Chinese Restaurant of the Year
  • JOSHUA GARCIA (Academy of Rock) -- Aspiring Business Collaboration in Music Academy
  • DAVID LICAUCO (Sobra Comfort Food) -- The Year’s Most Outstanding Entrepreneur for Flavorful Comfort Food
  • JENNIFER SEVILLA (Lynelle Hair Fashion) -- Most Outstanding Businesswoman and Hair Supplier of the Year
  • MAJA SALVADOR (Crown Artist Management) -- Asia’s Renowned Talent Manager of the Year
  • SHAMCEY SUPSUP (Pinoy Pop Chibog) -- Asia’s Most Dedicated and Outstanding Businesswoman of the Year
  • KARYLLE PADILLA-YUZON (Centerstage KTV) -- Most Outstanding Entrepreneur in the Field of Entertainment of the Year
  • JAMES REID (Careless Music) -- Most Creative and Efficient Talent Manager of the Year
  • DAINA MENEZES – Most Outstanding Television Host in the Showbiz Industry
  • MIMIYUUUH – Most Prominent Creator in Social Media Industry
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alexa Miro is happy for Jane de Leon, the lead star of ABS-CBN's Darna: "...isa siyang patunay na kahit ilang pinto ang sumara sa iyo, it only means there is a much bigger door that is waiting for you, so I’m really, really proud of her.”
PHOTO/S: Rommel Gonzales (L)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results