Watch Now

Jane De Leon becomes target of #BoycottDarna tweet

by KC Cordero
Jul 23, 2022
Photo of Jane De Leon and the poster of her Darna series
Jane De Leon, who will soon fly as Darna, is the subject of a tweet that pushed the #BoycottDarna hashtag.

Nag-trending sa Twitter nitong July 23, 2022, ang #BoycottDarna.

Ito’y matapos mag-tweet ng netizen na may username na @YesYesyo13 ng (published as is): "Guys, let's give the Kakampwets a taste of their own cancel culture. PINK SI @Imjanedeleon. LET'S BOYCOTT DARNA!!”

Nilagyan niya ito ng hashtag na #BoycottDarna.

Screenshot of tweet to boycott Darna

Ang tinutukoy niya na “pink” ay ang aktres na si Jane De Leon, na gaganap sa seryeng Mars Ravelo’s Darna ng ABS-CBN, na eere na sa August 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Photo of Jane De Leon

Ang Mars Ravelo’s Darna ang ipapalit sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin na hanggang August 12 na lang matapos ang seven-year run.

Isa si Jane sa mga sumuporta sa kandidatura para sa pagkapangulo ni dating Vice President Leni Robredo nitong nakaraang eleksyon.

Natalo si Robredo sa May 9 elections na nagkamit lamang ng 15 million votes sa kabila ng malaking suporta ng mga celebrity at grupong humanga sa matapat na pamamahala nito at episyenteng COVID-19 response nung pagputok ng pandemya ng taong 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natalo si Robredo ni Ferdinand Marcos Jr. sa pagkapangulo. Ibinoto si Marcos ng mahigit 31 milyong Pilipino sa kabila ng pagkakaroon nito ng kaso ng hindi pagbabayad ng estate tax sa halagang PHP203 billion at pagiging bahagi ng pamilya na may kaso ng paglustay ng kaban ng bayan at pagiging anak ng dating diktador at Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos Sr.

Screenshot of the replies to the tweet to boycott Darna

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-react ang ibang netizens at may nagsabing parang asal-bata naman kung yun lang ang dahilan para hindi panoorin ang serye ni Jane.

Boycott Maid in Malacañang naman daw ang gagawin ng ibang pro-Leni.

Ang Maid in Malacañang ay ang pelikula tungkol sa huling 72 oras ng pamilya ni Pangulong Marcos sa Malacañang bago sila lumipad papuntang Hawaii noong kasagsagan ng 1986 People Power. Ito ay pinamahalaan ng kontrobersyal na direktor at Duterte supporter na si Darryl Yap.

Tampok sa pelikulang ito sina Cesar Montano bilang Ferdinand Marcos Sr., Ruffa Gutierrez bilang Imelda Marcos, Diego Loyzaga bilang Bongbong Marcos, at Cristine Reyes bilang Imee Marcos.

Kasama rin sa cast si Ella Cruz, na matatandaang nabatikos dahil sa pahayag na "History is like tsismis."

Reaksyon naman ng iba pang netizens, marami pa pala ang hindi nakaka-move on sa mga naganap noong nakaraang halalan, at hindi pa tapos ang away dahil lang sa pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tahimik lang si Jane sa isyu, at wala pa siyang anumang komento sa naturang tweet.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jane De Leon, who will soon fly as Darna, is the subject of a tweet that pushed the #BoycottDarna hashtag.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results