Jillian Ward watches live brain surgery for new GMA-7 series

by Rommel Gonzales
Sep 6, 2022
Jillian Ward on Abot Kamay Na Pangarap
Jillian Ward plays the role of Carmina Villarroel's genius daughter in GMA-7's newest afternoon drama series Abot Kamay Na Pangarap.

Mula sa matagumpay ng Book 1 and 2 ng Prima Donnas kung saan tatlo silang mga bidang teen stars nina Althea Ablan at Sofia Pablo, nag-iisa ngayon si Jillian Ward na bidang young actress sa Abot Kamay Na Pangarap.

Ang Abot Kamay Na Pangarap ang bagong afternoon drama series ng GMA-7 na nagsimulang umere noong Lunes, September 5, 2022.

Ano ang pakiramdam ni Jillian na "solo flight" siya ngayon?

Pahayag niya, "Una po sa lahat, super challenging po talaga ang role na ibinigay po sa akin, and sobrang saya ko po sa mga makaka-work ko po ngayon na puro veteran actors, lahat po magagaling.

"Sobrang saya ko po dahil binigyan ako ng ganitong opportunity po ng GMA, and sana po talaga magustuhan po ng mga tao.

"And sa totoo lang po kinabahan po ako dahil nga po tulad ng sabi po ni Direk LA Madridejos, di ba po, pag mga medical shows lagi pong napupuna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So minsan po, ako na po mismo ang nagsasabi, ‘Tama po ba ‘to?’

"Ganyan-ganyan, pinapaulit-ulit po so may kaba po pero super grateful po ako and super excited po ako."

Gumaganap bilang ina ni Jillian si Carmina Villarroel, at ang ama niya ay si Richard Yap.

Sa serye, susunod si Jillian sa yapak ni Richard bilang surgeon.

JILLIAN'S IMMERSION

Para magkaroon rin ng basehan at mga ideya kung paano maging isang doktor ay pinanood ni Jillian ang first season ng medical drama series na The Good Doctor.

Nag-immersion din siya sa isang ospital at nanood ng live na brain surgery kasama si Richard, at ilang production team members.

Dahil dito ay nadagdagan ang kaalaman ni Jillian tungkol sa medisina.

"At saka sobrang dami ko pong mine-memorize ngayon na mga medical terms, na kahit natutulog po ako, paggising ko naaalala ko pa rin po siya kahit ilang days ago ko na po siya binasa,” saad ng young Kapuso actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging ambisyon ba niyang maging isang doktor noong bata pa siya?

“Naku, naalala ko po noong mga five [years old] po yata ako, tinatanong po nila ano pong gusto kong maging, sinasabi ko daw po doktor at saka po artista tsaka singer po talaga.

"Ayun po, tatlo.

"Pero sa ngayon po, dahil po sa character ko pong ito, masasabi kong napakahirap maging doctor! Ito po, role pa lang po ito, ang hirap na pong mag-memorize.

“What more po yung mga nasa medical field po talaga!" natatawang lahad pa ni Jillian.

ON MAKING HER CHARACTER CREDIBLE

Tingin ni Jillian, ang karakter niya bilang si Analyn Santos-Tanyag sa Abot Kamay Na Pangarap ang pinakamahirap niyang ginampanan sa buong showbiz career niya.

"Kasi sobrang dami pong mine-memorize.

"Tapos minsan po, katulad po niyan, kahapon po yata yun or two days ago meron po kaming eksena po sa loob po ng ER [emergency room], tapos nagbibigay po ako ng instructions po ng gamot na kailangang ibigay po sa pasyente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos sobrang bilis [ko] po magsalita na kailangan po tensiyonado, so kailangan po memorized na memorized po talaga yung mga gamot, yung mga medical terms.

"Tapos po may emotions pa po, yung blocking pa, so ang hirap po talaga kasi kailangan po accurate din po talaga, e," pahayag ni Jillian.

Itinuturing na isa sa important artists ng Sparkle at prinsesa sa bakuran ng GMA Network, masasabi ba ni Jillian na naabot na niya ang kanyang mga pangarap?

"Yes po!" tugon niya. "Pero siyempre non-stop po talaga akong mangarap, e.

"Kumbaga, pag na-check ko na po sa bucket list ko, gagawa na naman po ako ng isang buong listahan po ng gusto ko pong ma-achieve in the next five years, ten years.

“Ganun po kasi ako. Super-dami ko pong goals."

Sa Abot Kamay Na Pangarap, ang iba pang cast members ay sina Dominic Ochoa bilang Michael, Pinky Amador bilang Moira, Andre Paras bilang Dr. Luke, Chuckie Dreyfus bilang Dr. Ray, at Sophie Albert bilang Hazel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin si Denise Barbacena bilang Dr. Eula, Wilma Doesnt bilang Josa, Ariel Villasanta bilang Cromwell, Dexter Doria bilang Susan, at Kazel Kinouchi bilang Dr. Zoey.

Nasa serye rin sina Jeff Moses bilang Regan, Alexandra Mendez bilang Jhoanne, John Vic de Guzman bilang Dr. Ken, at si Heart Ramos bilang young Analyn.

Ang Abot Kamay Na Pangarap ay sa direksiyon ni LA Madridejos, at mapapanood mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jillian Ward plays the role of Carmina Villarroel's genius daughter in GMA-7's newest afternoon drama series Abot Kamay Na Pangarap.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results