Roselle Monteverde and Joey Abacan reveal secret behind success of Regal Studio Presents

by Jojo Gabinete
Sep 7, 2022
Roselle Monteverde and Joey Abacan
Roselle Monteverde (left): "Sa totoo lang, one thing that is with Regal, one thing we have learned from our Mother dear is tira lang nang tira. You have to have a heart of a gambler. In anything that you’re going to be doing, when you’re gambling, there’s a possibility that you’re going to hit a jackpot and more than anything else, you reach for the stars."
PHOTO/S: @roselle_monteverde / @joeyabacan Instagram

Ang Love Your Beat na tinatampukan nina Lianne Valentin at Carlo San Juan ang first anniversary presentation ng Regal Studio Presents sa darating na Linggo, September 11, 2022.

Noong September 11, 2021 nang mag-umpisang mapanood sa GMA-7 ang weekly drama anthology ng Regal Entertainment Inc.

Proyekto ng GMA Network executive na si Joey Abacan at ni Regal Chief Executive Officer Roselle Monteverde ang Regal Studio Presents kaya natutuwa sila dahil umabot ng isang taon ang kanilang programa na patuloy na tinatangkilik ng manonood.

Nang tanungin tungkol sa sikreto ng tagumpay ng Regal Studio Presents, "Magkasundo kasi kami ni Roselle," mabilis na sagot ni Joey.

Baon naman ni Roselle ang turo mula sa kanyang ina, ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.

"Sa totoo lang, one thing that is with Regal, one thing we have learned from our Mother dear is tira lang nang tira. You have to have a heart of a gambler.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"In anything that you’re going to be doing, when you’re gambling, there’s a possibility that you’re going to hit a jackpot and more than anything else, you reach for the stars.

"It’s fifty percent guts and fifty percent research. But most of the time, researches are not very very much available so the guts and the gambling is actually what we have been practicing.”

Carlo San Juan and Lianne Valentin on Regal Studio Presents

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON HANDS-ON APPROACH

Idinagdag ni Joey na marami ang mga baguhang direktor at artista ang nagkaroon ng trabaho dahil sa Regal Studio Presents, at ibinigay niya ang kredito kay Roselle.

"I’m very happy because if you notice, there are certain new faces that we have been working on.

"Nagkaroon kami sa Regal Studio Presents ng leading men at leading ladies na madalas na hindi ginagamit.

"Sinubukan lang namin ito, pero ang pinakamaganda when it comes to aral, I really have to give it to Roselle.

"The stories, talagang si Roselle ang nagbabasa. Siya ang nagsasabi sa akin kapag kulang ng ganito, go lang, at kung sino ang puwedeng kunin at alagaan na mga direktor at artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakakatuwa because it’s been a year and I’m sure, there’s going to be five years more or even ten years."

WORKING WITH FRESH TALENTS

Ang pagmamahal naman ng bawat isa sa kanilang mga ginagawa ang sinabi ni Roselle na dahilan kaya namamayagpag sa ratings ang afternoon drama anthology ng Kapuso Network at ng Regal Entertainment Inc.

Aniya, "Ako naman, putting great minds together, great talents, passionate people in Regal Studio Presents.

"Kumbaga, lahat focused na mapaganda ang bawat episodes ng Regal Studio Presents; at ‘yan din ang ini-instill namin sa staff, rank and file, pati mga creative na maging exciting lagi ang stories.

"Parang fresh siya kaya we would like to get fresh talents. I’m tapping also mga bagong artista sa GMA-7 and Regal’s contract artists, putting them together para magbago ang look.

"Ang natutuwa ako, lahat ng directors na nakatrabaho ko, very passionate sa mga project.

"Binabasa nila ang script at nagkakaroon ng reading para maging successful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It’s really hardwork from everyone, a lot of effort, a lot of brainstorming, concepts from the creative group and I am happy na napapasaya namin ang mga tao tuwing Linggo ng hapon."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Roselle Monteverde (left): "Sa totoo lang, one thing that is with Regal, one thing we have learned from our Mother dear is tira lang nang tira. You have to have a heart of a gambler. In anything that you’re going to be doing, when you’re gambling, there’s a possibility that you’re going to hit a jackpot and more than anything else, you reach for the stars."
PHOTO/S: @roselle_monteverde / @joeyabacan Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results