Anthony Jennings on new onscreen partner Vivoree Esclito: "Si V alam ko siya kung paano pasayahin."

by Khryzztine Joy Baylon
Sep 17, 2022
Anthony-Vivoree
Vivoree Esclito on team-up with Anthony Jennings: "Ano siya, e, unexpected kasi. Ako kasi, wala naman talaga akong official love team but I'm open working with anyone, and sobrang happy at natutuwa talaga ako na I was able to work with Anthony."
PHOTO/S: MMK Facebook page

Halos hindi makapaniwala sina Anthony Jennings at Vivoree Esclito na pagtatambalin sila sa unang pagkakataon.

Read: Vivoree Esclito stands tall at ABS-CBN Ball 2019 despite dress mishap

Bida silang dalawa sa "Lost But Found"—isang episode sa ABS-CBN digital anthology na Love Bites.

Iikot ang kanilang istorya sa pag-ibig na natagpuan ngunit nawala muli.

Sa virtual mediacon ng Love Bites noong September 14, 2022, ibinahagi nina Anthony at Vivoree ang saya at excitement na kanilang nararamdaman sa kauna-unahan nilang pagtatambal.

Tanong ng host na si Mela Habijan: "Did you expect this tandem coming?"

"Hindi. Hindi talaga. Nagulat din ako," mabilis na sagot ni Anthony.

Saad naman ni Vivoree, "Hindi. Ano siya, e, unexpected kasi.

"Ako kasi, wala naman talaga akong official love team, but I'm open working with anyone

"And sobrang happy at natutuwa talaga ako na I was able to work with Anthony."

Ayon pa kay Anthony, nagkatrabaho na sila ni Vivoree sa iWantTFC youth-oriented series na Tara G! noon lamang July 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama nila sa cast sina Daniela Stranner, JC Alcantara, Kaori Oinuma, CJ Salonga, at Zach Castañeda.

Naniniwala ang young actor na dahil dito kaya't hindi na sila nagkailangan ni Vivoree at agad na naging kumportable sa isa't isa.

Kuwento ni Anthony, "Nagkatrabaho na kami before ni Vivoree, sa Tara G!, pero hindi siya, like, love team.

"Kahit papaano mayroon nang na-build na konting chemistry. Alam na namin paano kakapain ang isa't isa."

FRIENDSHIP

Bilang mga baguhan, naniniwala sina Anthony at Vivoree na mabisang daan ang pagkakaibigan para maging mas komportable silang makatrabaho at makasama ang isa't isa.

Saad ni Anthony, "Parang doon namamatay, papatayin niya yung awkwardness. Pag kilala mo na yung tao, alam mo na yung joke na ibabanat mo sa kanya.

"Sa eksena naman, alam mo na kung paano siya papatawanin, kung ano yung patok na humor sa kanya.

"So, I think, mas maganda na kilala niyo na talaga ang isa't isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit pa ng binata, "Si V, alam ko na kung paano siya pasayahin."

Tila kinilig at agad napasagot naman si Vivoree, "Ewan ko sa 'yo...

"Pero tama naman na friendship is the best foundation talaga and kahit anong aspect talaga in life.

"Para na rin ma-build yung trust para you can give and take rin sa mga eksena."

LOVE LOST BUT FOUND

Aminado sina Vivoree at Anthony na dahil sa pagmamahal kung bakit nila mas nakilala pa ang kanilang mga sarili

Pagbabahagi ni Vivoree, "Well, ako, I’m just going with the flow naman.

"Hindi ko naman maitatanggi na I’ve had mga things with guys before, pero sobrang importante talaga sa akin yung self-care.

"Every time I get my heart broken talaga, parang I focus on myself more and parang I really want to grow in myself and be a better person.

"Kasi, you know, once dumating na yung para sa ‘yo talaga, you’ll be fully prepared kumbaga, and you know na para sa iyo talaga and you know your worth na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi na siya kagaya ng dati na you know nothing about love kaya wala ka din parang nagagawa when you get your heart broken."

Proud namang sinabi ni Anthony na hindi pa siya na-heartbroken.

"Wala pa naman akong na-experience na... pero minsan, may times na may makikilala ka someone, and alam mo yun, parang mas makikilala mo rin talaga yung sarili mo."

Dagdag pa ni Anthony, "Na-experience ko na siya and hanggang ngayon naman... Wow, ang saya pala!"

Mula sa direksiyon ni Dado C. Lumibao, mapapanood ang Love Bites episode nina Anthony at Vivoree sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel sumula September 16, 2022.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vivoree Esclito on team-up with Anthony Jennings: "Ano siya, e, unexpected kasi. Ako kasi, wala naman talaga akong official love team but I'm open working with anyone, and sobrang happy at natutuwa talaga ako na I was able to work with Anthony."
PHOTO/S: MMK Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results