Boy Abunda on rumored return to GMA-7: "I wanna go back to television."

by Jojo Gabinete
Nov 14, 2022
boy abunda interview
Boy Abunda: “Hindi ko itatatwa na may mga pag-uusap sa iba’t ibang mga istasyon, sa iba’t ibang mga tao, pero wala pa. I have not signed a contract. I’m in a conversation with various groups, but that will be in another presscon.”
PHOTO/S: The Boy Abunda Talk Channel YouTube

Sa kauna-unahang pagkakataon matapos lumuwag ang mga restriction laban sa COVID-19 pandemic, humarap sa isang face-to-face presscon ang tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda ngayong Lunes ng gabi, November 14, 2022.

Dahil ngayon lamang siya muling nakita nang personal ng mga miyembro ng entertainment media, ang matagal nang usap-usapan tungkol sa diumano’y malaking posibilidad na muling pagbalik niya sa GMA-7 mula sa ABS-CBN ang isa sa mga itinanong kay Boy.

Read: Boy Abunda, balik-Kapuso na?

“Are you moving?” ang diretsahang tanong sa veteran TV host.

Sagot ni Boy: “I keep on moving. I just wanna move.

"Iisa lang, I have not much to say, but sabi ko nga, that’s for another presscon.

"But I wanna go back to television. That much I will say—I wanna go back to television.

“Ako ay napunta sa digital platform by circumstance. Hindi naman ako digital expert, hindi naman ako digital native.

"Natuto ako because I wanted to do my interviews at sa awa ng Diyos, napagbigyan tayo nang konti. Napagbigyan tayo nang malaki, actually.

“But as to what’s gonna happen in the future, a lot of things are gonna happen. A lot of movements within or without wherever I am, but I wanna go back to television.

Patuloy niya, “Hindi ko itatatwa na may mga pag-uusap sa iba’t ibang mga istasyon, sa iba’t ibang mga tao, pero wala pa.

“I have not signed a contract. I’m in a conversation with various groups, but that will be in another presscon.”

Kung sakaling gagawa siya ng malaking desisyon, tiniyak ni Boy na walang mga “tulay na masusunog” dahil malaki ang pagpapahalaga niya sa kanyang mga relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “Makikipag-usap ako nang matino. I value relationship. That makes this whole process difficult.

“Nag-umpisa ako ng karera ko sa telebisyon sa Channel 7. Parati kong sinasabi na doon ako natuto maglakad, [at] natuto akong lumipad sa ABS-CBN.

“Mahirap dahil may mga relasyon ako na pinangangalagaan.”

Nagsimula ang television career ni Boy sa bakuran ng GMA-7 sa pamamagitan ng talk show na Show & Tell noong 1994. Naging host din siya ng showbiz-oriented talk show na Startalk mula 1995 hanggang 1999.

Taong 1999 din siya nang lumipat sa ABS-CBN, kung saan nakilala siya nang husto bilang TV host. Kabilang sa mga programa niya sa Kapamilya network ang The Buzz, Private Conversations, Homeboy, Boy & Kris, SNN: Showbiz News Ngayon, The Bottomline With Boy Abunda, Aquino & Abunda Tonight, at Tonight With Boy Abunda.

May maagap na sagot si Boy nang tanungin tungkol sa puwedeng ialok o ibigay sa kanya ng mga TV network management para makumbinsi siyang pumirma ng kontrata.

“Yung nauunawaan kung nasaan ako kasi hindi naman ako 20 years old. I’m not starting a career in television.

“I’ve been doing this for like kasing-tagal niyo rin. Magkakaibigan tayo.

"Malapit na akong malaos, let’s be very honest... I mean, for lack of the better word.

“All of us will go. If there’s one immutable law in the business, it is that nothing lasts forever.

"So, I’m at that stage where I wanna go back to where… I wanna be able to do what I do best.”

Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at iba pang reporters si Boy nang ipinakilala siya bilang celebrity ambassador ng Sendwave, ang mobile app na nakapagpapadala ng pera mula sa Amerika at Europa patungo sa iba’t ibang mga bansa sa Africa at Asia.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

FEARS DURING LOCKDOWN

Hindi itinanggi ni Boy ang takot na naramdaman nang ideklara ng Duterte government ang lockdown noong March 2020 dahil sa coronavirus pandemic.

Lahad niya, “Takot na takot din ako noong umpisa because, like everybody else, hindi natin alam kung ano ang susunod na mangyayari.

“Takot because it was very uncertain. Noong umpisa, meron pa akong pakiramdam na hindi magtatagal ito. Kaya ito, siguro by the end of the year, baka wala na.

“Yun ang feeling ko. Pero habang tumatagal, tapos July came, nagsara ang ABS-CBN, lalong dumoble na yung takot, na parang ang uncertainty was not just about life but also a lot of people close to us were dying.

“Nandoon na yung paranoia. Paranoia na 'What will happen to me? What will happen to my family?'

“Iyan ang naging concern ko noon, ang kalusugan. Tago ako nang tago.

"Kadalasan, I went to Samar, I went to my resthouse in Tagaytay and farm in Lipa. I was spending a lot of time sa mga lugar na walang masyadong mga tao."

Malaki ang pasasalamat ni Boy sa Panginoong Diyos dahil sa magagandang pangyayari sa kanyang buhay sa panahon ng pandemya.

“Mabait ang Diyos, natuto akong mag-digital.

"I went on Facebook, I went to YouTube and a couple of months ago, I tried TikTok because I wanted to do my interviews.

“Sabi ko nga noon, magkaroon lang ako ng five, ten thousand subscribers sa YouTube, okay na ako.

"Huwag lang tatanggalin sa akin yung gusto kong makapag-interbyu. Gusto kong magkaroon ng pagkakataon na gawin yung ginagawa ko sa telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero noong COVID, how was my life? I became very busy kasi maraming conferences na digital o Zoom. Kung meron halimbawa na isangdaan na convention ng pharmaceuticals, I probably hosted ninety of them."

Dagdag ni Boy, “Financially, it was not as much as we would be paid by doing live television or live gigs for example pero binuhay ako ng Panginoon.

“I was very, very busy during COVID. I was teaching, nagtuturo ako online. I was hosting conventions, ang dami. I was hosting awards virtually.

"So, yun ang naging buhay ko at adjustment pero nadaan sa dasal.

"Hindi ko alam kung paano. Mahirap pero palagay ko meron tayo niyan lahat, we will survive. Mahirap pero kinaya."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boy Abunda: “Hindi ko itatatwa na may mga pag-uusap sa iba’t ibang mga istasyon, sa iba’t ibang mga tao, pero wala pa. I have not signed a contract. I’m in a conversation with various groups, but that will be in another presscon.”
PHOTO/S: The Boy Abunda Talk Channel YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results