Ipinangako ni Vhong Navarro na hindi ito iiyak sa pagbabalik niya sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime ngayong Lunes, January 16, 2023.
Pero bumagsak ang kanyang luha dahil sa kaligayahang nararamdaman.
Read: Vice Ganda hints at Vhong Navarro's return to It’s Showtime on Monday
Apat na buwang hindi napanood si Vhong sa It’s Showtime buhat nang makulong siya sa NBI Facility noong September 19, 2022 at ilipat sa Taguig City Jail dahil sa kasong isinampa laban sa kanya ng model na si Deniece Cornejo noong January 2014.
Read: Taguig court orders arrest of Vhong Navarro for rape; no bail recommended
Ikinuwento ni Vhong na iniwasan nitong panoorin ang It’s Showtime dahil sa kalungkutan na kanyang nararamdaman.
Pahayag niya: “Hindi kasi ako nanood ng Showtime mula noong nasa loob ako kasi ayokong makadagdag na… nami-miss ko kasi kayo. Ayoko… nalulungkot ako lalo kaya iniiwasan ko na manood.
“Sabi ko, manonood na lang ako kapag nakalabas ako. Kaya lang, paglabas ko, hindi ko pa makakaya pala na bumalik agad kasi may mga proseso na kailangan.
"Pero mabait ang Panginoon. Talagang hindi Niya ako pinabayaan kaya nandito ako uli.
“Maraming salamat sa ABS-CBN dahil meron pa rin akong trabaho at nandito pa rin yung pamilya ko.”
Nagbahagi rin si Vhong ng kanyang karanasan habang nakakulong siya sa NBI Facility at sa Taguig City Jail.
Read: Vhong Navarro transferred to NBI detention center; actor's camp to file petition for bail
Read: Vhong Navarro, walang kasamang pamilya nang ilipat sa Taguig City Jail
Lahad niya, “Kapag nandoon ka pala sa loob, ang hirap kasi nakita ko ang mga kasama ko roon, yung inmates ko sa NBI at sa Taguig, naawa ako dun sa mga walang dumadalaw sa kanila.
“Yung iba, iniwan na ng pamilya at yung iba, parang katulad ko na wala naman ginawa pero nandoon.
“Ite-test ka talaga ni God kung ano yung faith mo sa kanya. Kaya sabi ko kay Kuya Ogie [Alcasid], yung hope at faith, dapat magkasama yan.
“Hindi pupuwedeng isa lang diyan, mas mataas. Dapat parehas at pantay.
"So, kumapit ako sa Panginoon.
“Kumapit ako sa asawa ko, sa mga anak ko, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, at sa mga taong nagdarasal at naniniwala sa akin kaya patuloy akong lumaban na malagpasan yung mga problemang pinagdaraanan ko.”