PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

David Licauco on Rizal tweets and pressure

David Licauco MCAI
by Nikko Tuazon
Published Feb 24, 2023
David Licauco
"Pambansang Ginoo" David Licauco reacts to his new showbiz title: "I’m like a public figure now and marami na akong… marami nang mga tao na tumitingala… Kumbaga, tingin nila sa akin ay inspirasyon ako. So, kailangan ko mas maging careful dun kasi,di ba, pangit naman magpakita ng masamang bagay sa mga kabataan."
PHOTO/S: Nikko Tuazon

Kinabahan ang Kapuso actor na si David Licauco nang mahalungkat ng fans ang kanyang lumang tweets tungkol sa Pambansang Bayani na si Jose Rizal.

Kamakailan, ikinaaliw ng fans ng GMA-7 primetime series na Maria Clara At Ibarra ang pagkakatulad ni David sa karakter ni Klay, na ginampanan ni Barbie Forteza.

Base sa tweets ni David noong August 2013, nang hindi pa siya nag-aartista, prinoblema rin nito ang pag-aaral sa talambuhay ni Jose Rizal.

Inihalintulad ito ng fans sa naging reaksiyon ni Klay sa pag-aaral nito ng Noli Mi Tangere sa serye.

Tweet ni David noon: "Hassle joseriz.. What do we care about Jose Rizal's girls and vices!"

Dagdag pa ni David, "Studying Jose Rizal's life for tom's finals. Ano makukuha ko dito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: "Noli yarn?" How GMA-7's hit teleserye Maria Clara at Ibarra came about

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay David, sinabi ng Kapuso hunk na isa sa pinangambahan niya ay baka may iba pang tweets na mahalungkat ang fans mula sa kanyang account lalo't dito niya kadalasan ibinubuhos ang mga saloobin sa iba't ibang bagay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pahayag niya, "Nagulat ako at natakot kasi baka mamaya meron pang ibang tweets na mahalungkat ng mga fans.

"Kasi, as we know, yung Twitter before, yun yung mga nagra-rant ka, sinasabi mo yung mga out of the box na naiisip mo. So, sana wala naman.

"Siyempre, dati kasi hindi naman ako artista. Kumbaga, everything goes, e, di ba?

"So, hindi ko naman yun dinelete kaya medyo kinakabahan. Pero siguro naman maiintindihan nila yun kasi bata pa ako nun, e."

Sa hiwalay na panayam kasama ang iba pang press, natawa na lang si David sa naging kapalaran nito matapos ang sampung taon mula nang mag-tweet siya tungkol kay Jose Rizal.

Aniya, "Crazy lang din talaga kung paano umikot yung mundo, e, di ba?

"Nung umpisa, kinabahan ako kasi baka isipin nila, parang wala akong kuwentang tao.

"But then, siyempre that time, I was 17 years old or 16. And ayun, luckily, hindi naman sila nag-react ng masama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam ng PEP.ph at iba pang press si David sa launch ng kanyang endorsement sa Blue Water Day Spa, noong February 17, 2023, sa Marco Polo Hotel sa Pasig City.

Read: David Licauco, apektado ba sa kumpetisyon ng Maria Clara at Ibarra at Batang Quiapo?

PAMBANSANG GINOO

Malaki ang pasasalamat ni David sa lahat ng oportunidad at blessings na dumarating sa kanya nang dahil sa Maria Clara At Ibarra.

Ngayon nga ay kinikilala na siya ng fans bilang "Pambansang Ginoo."

Pahayag ni David sa bago nitong title: "It’s a pressure-filled name so I try not to think about it. But siguro binigay nila sa akin yun for a reason.

"I just have to do my best at all times and really live up to that heavy name."

Sabi pa niya, "Siguro, mga five months ago, you wouldn’t tell na we’ll be here. I wouldn’t receive this endorsement if it weren’t for Maria Clara, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung tinatanong niyo yung big change, yeah, it’s quite big and it’s overwhelming.

"But at the same time, you just have to stay grateful kasi hindi naman lahat ng tao nabibigyan ng ganitong oportunidad.

"So, kahit minsan mahirap na at nakakapagod, kumbaga kailangan mo na lang din isipin na kailangan mo maging grateful kasi dati pinangarap mo din ito."

Aminado si David na may mga bagay na mas mahirap nang gawin ngayong mas nakikilala na siya ng mga tao kapag lumalabas siya.

"For me kasi, showbiz is like any other job. So, parang tini-treat ko lang ito na trabaho.

"So siguro, kunyari minsan gusto ko lumabas, gusto ko mag-have fun with friends, tapos may makikita akong comments na parang ‘dapat di ka na lumalabas.’

"Parang for me, wala namang masama dun as long as wala naman akong ginagawang anything overboard."

Pangako naman ng aktor, hindi siya magbabago.

"My personality and how I am as a person has not changed since I was 12 years old, 10 years old.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kumbaga, whenever I’m with my high school friends, sobrang maloko pa rin ako. Nag-[lolokohan] kami, mga ganun.

"So, I just sort of remain the same. I just have more responsibilities now and yun na nga, again, naging ‘Pambansang Ginoo’ ako, na never ko naman in-expect.

"So, I guess, I just have to do my best at all times na maging magandang ehemplo at halimbawa sa mga kabataan at sa mga taong sumusuporta sa akin."

Mas may conscious effort na rin mula sa aktor na maging mas mabuting ehemplo sa nakararami.

"Siyempre, again, I’m like a public figure now and marami na akong… marami nang mga tao na tumitingala… kumbaga, tingin nila sa akin ay inspirasyon ako.

"So, kailangan ko mas maging careful dun kasi, di ba, pangit naman magpakita ng masamang bagay sa mga kabataan," saad ni David.

READ MORE:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Pambansang Ginoo" David Licauco reacts to his new showbiz title: "I’m like a public figure now and marami na akong… marami nang mga tao na tumitingala… Kumbaga, tingin nila sa akin ay inspirasyon ako. So, kailangan ko mas maging careful dun kasi,di ba, pangit naman magpakita ng masamang bagay sa mga kabataan."
PHOTO/S: Nikko Tuazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results