Nagwagi ang Kapuso Mo, Jessica Soho ng gold medal sa 2023 New York Festivals (NYF).
Dahil dito, nakatanggap na ngayon si Jessica Soho ng medalyang gold, silver, at bronze mula sa NYF.
Pinarangalan ang KMJH para sa kuwentong “Wounds of Woes.”
Read also: GMA-7 bags four medals at New York Festivals TV and Film Awards 2023
Tampok dito ang 14 anyos na si Daxen, na may skin condition na tinatawag na Toxic Epidermal Necrolysis, kinukunsidera itong "widespread skin pain" dahil, ayon sa MayoClini.org, sa "blisters and large areas of peeling skin."
Nagkakaroon ng reaction ang katawan ni Daxen sa iniinom niyang gamot para sa kanyang seizures.
Nasa pag-aaruga siya ng isa niyang tiyahin habang nagtatrabaho ang kanyang inang si Daylyn bilang overseas Filipino worker sa Singapore.

Read also: Gladys Reyes may ibang dahilan kaya "pinakanatuwa" sa kanyang best actress award
Sa post sa official Facebook Page ng KMJS ngayong April 19, 2023, ibinahagi ng programa ang larawan ni Jessica hawak ang award, at may inset ng larawan ni Daxen.
Ayon sa caption ng post, published as is: “Mayo nitong nakaraang taon, itinampok natin ang kuwento ni Daxen, isang binatilyo na pirming nagsusugat ang balat.
“Makalipas ang isang buwan, sa tulong ng mga doktor, lokal na pamahalaan ng Tobias Fornier at sa suporta ng mga sumusubaybay sa KMJS, ang mga sugat ni Daxen, unti-unting naghilom.
“Ibinabahagi namin ang parangal na ito sa mga inang OFW tulad ni Daylyn na ginagawa lahat para sa mga naiwang anak sa Pilipinas, sa tiyahin ni Daxen na kumalinga sa kanya, at sa mga tulad ni Daxen na hindi sumusuko gaano man kabigat ang pagsubok.
“Pinapasalamatan din namin ang mga manonood ng KMJS na patuloy na tinatangkilik ang ating programa sa loob ng halos dalawang dekada at tinutulungan ang mga tinatampok nating mga nangangailangan.”
READ: Jessica Soho has these lovely designer shoes in her closet!
Matapos namang maitampok ang kuwento ni Daxen sa KMJS, nagsimulang gumanda ang kanyang kondisyon dahil na rin sa suportang natanggap mula sa televiewers, lokal na pamahalaan, at mga ospital.

Ayon kay Jessica matapos tanggapin ang award, “So, para bang in this story, ang daming issues na kabit-kabit na nagsama-sama para mabuo ang kwento ni Daxen.”
Aniya, bagaman at ang kuwento ay tungkol sa paghihirap ni Daxen, naging istorya rin ito ng pag-asa.
Binanggit din niya na kailangan pa rin ng binatilyo ng tulong para magbalik sa normal ang balat nito, at huminto ang pagdurugo ng mga mata.
Masayang-masaya naman ang TV anchor ngayong nakumpleto na niya ang mga medalya mula sa NYF.
“Nakakatuwa siyempre at nakaka-proud, lalo na para sa aking mga kasama sa aking mga programa, ‘KMJS,’ ‘SONA,’ ‘Brigada’ kasi nakumpleto na natin yung line-up ng ating mga medalya.
“Pero pribilehiyo po talaga na ako ang nasa harap ng mga programang ito, ako ang mukha, boses, pangalan pero sa totoo lang po ang lahat ng ito, katas ng sakripisyo ng aking mga kasama sa aking mga programa.
“Team effort po ang nag-uwi ng mga medalyang ito. Hindi lang po iisang tao.”
Read also: Kaladkaren: "As a transgender woman, I thought that I will never be enough."
Aniya, malaking karangalan na siya ang nakapronta, pero hindi umano ito magagawa ng isang tao lang.
“Kasi ang TV work is so tedious, napakamabusisi, hindi ho yan kakayanin ng iisang tao lang.
“It takes a whole program—it takes the whole network to bring home these medals.”
Paalala niya sa televiewers, “Sana po huwag kayong magsasawang tumulong dun sa mga kababayan nating nangangailangan kasi yung kanilang pagkukuwento ng kanilang mga pinagdaraanan ay yun po ang tanging napanghahawakan nila para magkaroon po ng pag-asa.
“So, habang nandiyan po kayo na nanonood at tumutulong sa kanila, nabubuhay rin po ang pag-asa sa kanilang puso."
