PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

How Beauty Gonzalez avoids being linked to her leading men

"Iba-iba na ang naging ka-love team ko. Matanda, bata..."
by Rose Garcia
Published Apr 22, 2023
Beauty Gonzalez
Beauty Gonzalez looks forward to portraying her role as the feisty Bisaya-speaking wife of Bong Revilla in their latest Kapuso sitcom Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
PHOTO/S: Photo Credit: @beauty_gonzalez on Instagram/ Aguila Entertainment on Facebook

Hindi itinago ni Beauty Gonzalez ang kanyang excitement sa bagong proyektong gagawin niya sa GMA Network.

Ito ay isang sitcom kunsaan siya ang magiging bagong leading lady ni Senator Bong Revilla.

Masaya nga si Beauty na bukod sa personal na si Bong mismo ang pumili sa kanya, isang Bisaya pa ang karakter na gagampanan niya.

Ayon kay Beauty, “Well, nanood ako ng lahat ng pelikula ni Senator Bong from Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis to yung movie with him with Sunshine Cruz and Maricel Soriano.

"Sorry I can’t remember the title, but I’ve been watching in YouTube right now and I’ve been watching a lot of TikTok Bisaya.

“Kasi wala talaga akong kausap na Bisaya. Ang dami kong kasamang Bisaya sa bahay, pero, siyempre, yung asawa ko, nagagalit na kapag nagbi-Bisaya kami.

"Gusto rin niyang maintindihan kung ano ang pinagsasabi ko. Ang dami kong tinitingnan na mga Tiktok na nagagalit na Bisaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi ngayon, Tagalog na ako, pero pag nagalit ako dati—so, I’m trying to research that again.

“And since it’s an action, and, I’m sure, may seksing kasama si Senator Bong. Hindi tayo magpapatalo, ang misis.

"Kailangan slim din tayo and palaban. Nagwu-work out din ako.

“I’m really excited more than anything else, nag-i-stalk na rin ako ng mga kasama ko,” natawang pag-amin niya.

Dugtong pa niya, “Tinitingnan ko kung ano ang hilig nila. Kasi siyempre, hindi lang ako ang dapat na nagwu-work.

"Siyempre, lahat nagwu-work, and I want to know a bit of them also para pag nagkita kami, hindi naman ako yung, ‘Ay, sino nga yun?’

"Ayoko ng ganun. Gusto ko, kilala ko silang lahat, e.

“I want them to feel important also na I did my part na nag-research ako kung sino ang kasama ko.”

READ How Beauty Gonzalez got crazy flat tummy after giving birth

BEAUTY ECSTATIC ABOUT BEING HANDPICKED BY BONG

Inamin ni Beauty na noong malaman niya raw na siya ang napili mismo ni Senator Bong na maging leading lady, hindi raw siya makapaniwala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-amin niya, “Na-shock ako. Nagti-take kami, sabi ko, saglit lang ha? ‘Tapos, sabi ni Gabby [Concepcion], okay ka lang ba?

"Pangarap ko talagang magka-sitcom, and, as an artista, gusto ko talagang ipakita sa lahat na from drama, from heavy drama, to acting International film

"And, now sa sitcom, gusto kong ipakita ang iba-ibang side of me.

“And to be handpicked by Senator Bong, it was unexpected. And itong Hey Pretty Skin, hindi ko inakala rin ito.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Beauty sa naging launching niya bilang celebrity endorser ng Hey Pretty Skin sa Crowne Hotel kamakailan lang.

BEAUTY NOT WORRIED ABOUT BEING LINKED TO HER LEADING MEN

Hindi pa man nangyayari, tinatanong na si Beauty kung handa na raw ba siya sakaling ma-link sila ng senator?

“Well, if nali-link kami, it means that we’re doing a good job.

"You know, so far, I’ve been working with a lot of guys in my shows, and I have not been linked with anyone, because I respect myself.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I respect the family of the person, I respect the guy. You know, wala, natatawa na lang ako.

“Hindi naman siguro, hindi ko naman naisip yun, and, for me, wala… wala namang nangyayari sa aking ganun.

"And I’ve been married for ten years na. Iba-iba na ang naging ka-love team ko. Matanda, bata, lahat, di ba? So far, so good.

“Nagka-lock-in na ako, wala namang narinig na kung anu-ano."

Ang mga previous leading men ni Beauty ay sina Gabby Concepcion, Ariel Rivera, Dingdong Dantes, Kelvin Miranda, Albert Martinez, among others.

READ Beauty Gonzalez and Norman Crisologo wedding: the dress, guests, and details we love!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty Gonzalez looks forward to portraying her role as the feisty Bisaya-speaking wife of Bong Revilla in their latest Kapuso sitcom Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
PHOTO/S: Photo Credit: @beauty_gonzalez on Instagram/ Aguila Entertainment on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results