PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bong Revilla: 37 Years with Lani Enduring!

Bong Revilla on 37 years of marriage to Lani Mercado
by PEP Troika
Published Apr 4, 2023
bong revilla lani mercado marriage
Senator Bong Revilla quips about his gift for the upcoming birthday of wife Congresswoman Lani Mercado: “Ang aking katawan at ang aking labi. Matamis na halik!”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Balik-taping si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa last week of April or first week of May para sa Kapuso action-comedy series na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.

Base iyon sa 1994 action-comedy movie na pinagbidahan nila mg misis niyang si Congresswoman Lani Mercado, na may 1997 sequel na Yes Darling: Walang Matigas Na Pulis 2.

Hindi si Lani ang katambal ni Bong sa weekly series na nakatakdang umere sa Hunyo. Hindi pa niya nakakatrabaho ang bago niyang leading lady.

Siyempre, beautiful ito. Secret pa raw kung sino at hintayin na lang natin ang official announcement ng GMA Network.

Nakatsikahan nina Bong at Lani ang mga kaibigang showbiz press nitong Abril 3, 2023, Lunes Santo, sa Supersam restaurant, Sct. Tobias St., Quezon City.

“Para siyang Agimat ng Agila, pero action comedy romance. Every Sunday yata ang timeslot nito,” sey ni Bong sa bago niyang TV show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabibitin ang fans niya sa weekly show, at inaasam na magkaroon siya ng Monday-Friday program.

“Ang hirap ng trabaho pag nagte-taping ka. Iniisip ko rin yun, e, but darating yan, bago tayo magretiro.”

Balak ba niyang gumawa ng movie para sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre?

Tumango si Bong, “Actually iniisip ko, e. Iniisip ko. May time pa naman, no? Kung kaya talaga, yung time, e.

“Siyempre ayokong mag-suffer din yung trabaho ko sa Senado. Kung comedy lang sana, yung mga ganyan, no, Walang Matigas… Family movie.

“Actually, puwede. Pagka film na, si Lani isasama ko naman. Naks! Pag Matigas, ha? Sa Matigas.”

Singit ni Lani, “Kasi forever na akong kasama sa buhay!”

Natatawang sambot ni Bong, “Grabe! Parang may hugot, ha?!”

Kaarawan ni Lani sa Abril 13, Huwebes. Ano ang birthday gift ni Bong sa kanyang nag-iisang asawa?

“Ang aking katawan!” bulalas ni Bong.

“Ang aking katawan at ang aking labi. Matamis na halik!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

bong lani kiss

NOEL FERRER

Mayo 28, 1986 ang civil wedding nina Senator Bong at Congresswoman Lani sa Glendale, CA, USA.

Bale ipagdiriwang na nila ang ika-37 anibersaryo ng first wedding nila this year.

Ang church wedding nila ay noong Marso 25, 1998. Kase-celebrate lang nila ng 25th anniversary niyon last month.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang panganay nilang si Bryan ay magti-37 years old na sa Nobyembre. Sa ngayon ay anim na ang kanilang mga apo.

Natatawang bulalas ni Bong, “Thirty-seven years?! Imagine, thirty-seven years! Tagal na niyang nagtiis!”

Sa tatlumpo’t pitong taon nilang pagsasama, ano ang nagpapakilig pa rin sa kanila?

Tugon ni Lani, “Ano pa rin kasi, we love doing things together. Hindi kami showy, hindi kami public display of affection.

“Pero once we’re together, mararamdaman… especially when one is in need of each other…”

Pilyong singit ni Bong, “Wow! In need of each other!”

Umirap kunwari si Lani, “In the lowest times of our lives ang ibig kong sabihin!”

“OK! OK!”

“Iba naman yung need na iniisip mo… Ang need ko, yung emotional need, yung presence.”

Read: Bong Revilla at Lani Mercado, nag-react sa hiwalayan ng celebrity couples

bong revilla lani mercado marriage

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Ano bang birthday gift ang wish ni Congresswoman Lani na matanggap mula kay Senator Bong?

“Quality time,” sambit ni Lani.

Ayaw niya sa katawan ni Bong?

“Huwag na,” pagkunot-noo ni Lani.

Hirit-lambing ni Bong, “Ipamimigay mo na lang ang katawan ko?”

Mabilis na salo ni Lani, “Hindi kita ipamimigay. Sorry sa kanila! I will not give you away — only for me! Only me! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Read: Bong Revilla at Lani Mercado, hanggang flying kiss lang muna para sa wedding anniversary

Bakit quality time? Kulang na kulang ba ang quality time nila para sa isa’t isa?

Paglilinaw ni Lani, “Hindi naman kulang na kulang. We’re busy people. So, yung quality namin ngayon, pag nandun kami sa farm.

“Pag papunta ka na sa alam mo na, senior years, medyo gusto mo na ang mga farming, fresh air. Yun yung quality time.”

Sambot ni Bong, “Magtanim-tanim ka na ng mga gulay, ng mga pinya, ng mga mais. Ganun ang quality time. Ha! Ha! Ha! Ha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sey ni Lani, “Gusto ko pag tumatanda, nagho-holding hands pa rin.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla quips about his gift for the upcoming birthday of wife Congresswoman Lani Mercado: “Ang aking katawan at ang aking labi. Matamis na halik!”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results