PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cherry Pie Picache Praises Coco Martin

Cherry Pie to Coco: "Sobrang happy ako. I'm so proud of him."
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 5, 2023
Cherry Pie Picache gets emotional as she talks about Coco Martin
Cherry Pie Picache (left) on Coco Martin (right): "Lumaki siya nang tama tapos mas lalong nag-i-improve. Hindi lang sa pagiging creative niya, e, kundi bilang tao talaga. So, sobrang happy ako. I'm so proud of him."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon

Hindi napigilan maging emosyonal ni Cherry Pie Picache nang sabihin kung gaano siya ka-proud sa narating ng "anak-anakan" niyang si Coco Martin.

Magkasama sina Coco at Cherry Pie sa ABS-CBN primetime series na FPJ's Batang Quiapo, kung saan gumaganap sila bilang mag-inang Tanggol (Coco) at Marites (Cherry Pie).

Sa ginanap na mediacon ng Batang Quiapo nitong Huwebes, April 4, 2023, sa Luxent Hotel sa Quezon City, ibinahagi Cherry Pie kung gaano niya hinahangaan si Coco hindi lang bilang artista at direktor.

Pahayag niya, "Si Direk Coco, anak-anakan ko na yan e, matagal na.

"So, bilang nanay-nanayan niya, kahit hindi sa industriya, kahit sa totoong buhay, kahit sinong magulang will be so proud kapag nakikita mo anak mo lumalaki nang mahusay, tama, mabuti, magaling.

"I'm just so proud [of] him, hindi lang bilang artista pero bilang tao."

Bukod sa pagiging aktor, si Coco ay nagsisilbi ring writer at director ng Batang Quiapo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento pa ni Cherry Pie, sa halos araw-araw nilang magkasama sa set ay nakita niya kung gaano pinalaki nang tama si Coco ng totoo nitong mga magulang.

Saad niya, "Lumaki siya nang tama tapos mas lalong nag-i-improve.

"Hindi lang sa pagiging creative niya [as artitst], e, kundi bilang tao talaga.

"So, sobrang happy ako. I'm so proud of him."

Maliban sa umaapaw na galak sa puso, labis ding nagpapasalamat si Cherry Pie sa pagtulong ng actor-director sa mga taong nangangailangan.

Kabilang na rito ang pagbibigay nito ng malaking oportunidad sa mga kasamahan nila sa showbiz industry.

Read: Pen Medina reveals Coco Martin's financial assistance; Coco reacts

Video: Khryzztine Baylon (video), Rommel Llanes (edit).

Saad ng aktres, "Nagpapasalamat ako kasi katulad ng sinabi ng mga kasamahan namin dito, including me, ang dami-dami niyang taong natutulungan.

"Ang dami niyang nabibigyan ng oportunidad.

"Ang pinakamasarap pa, siya ang pinakapagod sa amin, pero yung energy niya doon kami lahat humuhugot.

"So, minsan kahit pagod ka na, hindi ka puwede magreklamo kasi artista ka lang. E, siya direktor, artista, sumusulat, mas marami pang iniintindi ng pangkalahatan... Grabe!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lorna Tolentino, bilib sa actor-directors na sina Coco Martin at Bela Padilla

"NAGSIMULA RIN TALAGA AKO SA WALA"

Noong February 8, 2023, nauna nang sinabi ni Coco na dahil sa mga karanasan at pinagdaaan niya sa buhay kung bakit siya nagsumikap at piniling maging mabuti sa kanyang kapwa.

Naranasan din daw ni Coco noong walang-wala kaya hindi niya maatim na hindi tumulong lalo na't alam niyang kailangang-kailangan ng mga ito.

Sabi niya, "Kasi nagsimula rin talaga ako sa wala. Sabi ko nga dati, ano lang ako, extra, naranasan ko first acting experience ko, minura ako ng direktor tapos pinapapalitan ako. Mahirap yung pinagdaanan ko bago ako maging ganap na artista talaga.

"Tapos hindi man totally na artista yung pangarap ko kundi normal lang na trabaho, pero ang hirap ng oportunidad.

"Naranasan ko dati kahit nag e-extra ka na, merong six months na wala. Yung nag-indie films ako, naranasan ko na two thousand lang yung binayad sa akin, pero ako ang bida sa buong pelikula.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kumbaga, talagang gapang, tapos ang lagi ko noong hinihintay ay oportunidad."

Read: Coco Martin recalls repeated rejections by ABS-CBN because of his "bold star" image

Ibinabalik lang din daw niya ang oportunidad na ibinigay sa kanya noon na naging dahilan kung nasaan siya ngayon.

Sabi ni Coco, "Ngayon na kahit papaano may pagkakataon ka, nasa kamay ko na tumulong, bakit ko ipagkakait?

"E, kasi ayan yung hinihintay ko dati, para mabuhay ko yung pamilya ko. Kaya kapag nakikita ko yung mga tao na kung pupuwede kong tulungan at nakikita kong deserving, bakit hindi?"

Read: Coco Martin answers issues about Batang Quiapo taping in Quiapo

Video: Khryzztine Baylon (video), Rommel Llanes (edit).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cherry Pie Picache (left) on Coco Martin (right): "Lumaki siya nang tama tapos mas lalong nag-i-improve. Hindi lang sa pagiging creative niya, e, kundi bilang tao talaga. So, sobrang happy ako. I'm so proud of him."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results