PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Coco Martin, Lorna Tolentino praise Bela Padilla

Lorna, di na ituloy ang pagdidirek dahil sa nangyari kay Direk Joel Lamangan.
by PEP Troika
Published Apr 2, 2023
bela padilla lorna tolentino coco martin
Lorna Tolentino (center) on actor-directors Bela Padilla (left) and Coco Martin (right): "halos nagugulat ako kasi ang babata pa pero parang bihasa na sila sa mga trabaho na suot suot nila."
PHOTO/S: Jerry Olea / @lornatolentinofernandez on Instagram

GORGY RULA

Bumilib si Lorna Tolentino kina Coco Martin at Bela Padilla na alam na alam na raw ang pasikut-sikot ng pagdidirek ng pelikula at drama series. Kaagad daw natuto ang dalawa sa larangang ito, at magaling pa.

Si Bela ang nagsulat at nagdirek ng pelikulang Yung Sa Libro na Napanood Ko. Natuwa si Lorna na naging bahagi siya nito kahit maliit lang ang kanyang role, pero ang malaki ang koneksiyon niya sa kabuuan ng kuwento.

Read: Bela Padilla, hindi pinahalatang kinabahan sa pagdidirek kay Lorna Tolentino

Sabi ni Lorna nang nakapanayam namin sa DZRH nung Biyernes, March 31, 2023 nagustuhan niya kaagad ang script kaya pumayag siyang gawin ang project na ito ni Bela.

Si Coco naman ay naidirek na si Lorna sa FPJ’s Ang Probinsyano, at ngayon naman ay magsisimula na ang award-winning actress sa FPJ’s Batang Quiapo.

Tinanong namin ang premyadong aktres kung paano magtrabaho bilang direktor sina Bela at Coco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pareho kasi silang ano e… kumbaga si Coco din, ang dami niyang sumbrerong suut-suot, di ba? Actor, director, sa creative, co-prod.

"Ganun din si Bela, para nga silang… halos nagugulat ako kasi ang babata pa pero parang bihasa na sila sa mga trabaho na suot suot nila,” pahayag ni Lorna.

Nakikita raw niya kina Coco at Bela na naha-handle ng mga ito nang maayos ang buong produksiyon. Hindi raw niya kaya ang ganung pressure.

JERRY OLEA

Sinubukan din sana ni Lorna ang magdirek dahil nag-aral siya ng directing sa San Francisco, California, nung nabubuhay pa ang asawa niyang si Rudy Fernandez.

Gusto raw sana niyang subukan, pero bigla siyang natakot dahil sa nangyari kay Direk Joel Lamangan na inatake sa puso.

Read: Direk Joel Lamangan, sasailalim sa heart bypass surgery

Kuwento ng aktres, “Nag-aral ako ng directing, hindi ko na itinuloy kasi nga… nag-aral ako, after ko umuwi, ginawa ko yung Pusong Mamon (1998), tapos nakita ko yung pressure as director.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Mas kaya ko yung pressure ng artista kesa dun sa director. Dun yun inatake si Direk Joel Lamangan, Kumbaga, nag-replace si Direk Eric [Quizon] sa ibang eksena.

“Dun yung madaling-araw nakikita ko kung papano yung mga problema na iniisip ng isang direktor. Sabi ko, hindi ko yata kakayanin. Baka atakehin din ako.”

Kaya nag-decide na raw siyang isantabi na ang dream niyang maging direktor.

“Na-trauma ako. Natakot ako, kasi nga, ayun nga, sa dami ng iisipin mo, sa dami ng tao na kailangan mong hawakan. Parang ayoko yung ganun kabigat na responsibilidad.

“Parang mahirap na nga yung pagiging isang artista, tapos marami ka pang idadagdag, parang hindi ko kakayanin. Baka lalo akong tatanda!” natatawang pahayag ni Lorna.

NOEL FERRER

Kilala bilang mahusay na aktres ni Lorna Tolentino. Napakahusay.

Dito sa pelikulang Yung Libro Sa Napanood Ko, napakagaling niya. At pinatunayan niyang there are no small roles lalo na sa mga tunay na magaling na artistang tulad niya. Tatatak at tatatak talaga siya sa manonood kahit pagkatapos na ng sine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yan ang tatak-LT. Bilib talaga ako sa kanya!

JERRY OLEA

Noon pa man ay puring-puri ni Lorna si Bela bilang direktor at co-star sa Yung Libro Sa Napanood Ko. Na-enjoy ni LT ang shooting sa Seoul, South Korea.

“Kami rin, equally, sobrang nag-enjoy kami na kasama si Miss LT every day.

“Sobrang bait niya sa set,” sabi ni Bela noong Marso 31, Biyernes matapos ang premiere night ng kanilang movie sa SM Megamall.

Pati si Boboy Garrovillo, bilib na bilib kay Bela.

Napangiti ang writer-director-actress, “I love Tito Boboy! Ang sarap makatrabaho ang mga taong naa-appreciate yung ginagawa nila and at the same time naa-appreciate din namin na behind the scenes, behind the cameras.”

Magaling si Bela bilang lead actress sa Yung Libro Sa Napanood Ko. Malakas ang laban niya kina Gladys Reyes (Apag) at Kylie Padilla (Unravel: A Swiss Side Love Story).

Napangiti si Bela, “Ay! Thank you po! Thank you po!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas gusto ba niyang magwaging best director kesa sa best actress?
“Gusto ko pong manalo si Min Gon na best actor. Gusto ko pong manalo si Miss Lorna na best supporting actress!” bulalas ni Bela.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lorna Tolentino (center) on actor-directors Bela Padilla (left) and Coco Martin (right): "halos nagugulat ako kasi ang babata pa pero parang bihasa na sila sa mga trabaho na suot suot nila."
PHOTO/S: Jerry Olea / @lornatolentinofernandez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results