PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angellie Sanoy, Chesca Salcedo's Comeback

The former child stars have bloomed into lovely young ladies!
by Rose Garcia
Published May 21, 2023
Angellie Sanoy and Chesca Salcedo
Former Kapuso child stars Chesca Salcedo and Angellie Sanoy are making a showbiz comeback, and are now being managed by Rams David's Artist Circle Talent Management outfit. Chesca played Cruzita in Marimar, while Angellie played the Young Narda in Darna. Both TV shows were headlined by Marian Rivera.
PHOTO/S: @sanoyangellie @chescasalcedo on Instagram; PR

Nagbabalik-showbiz ang dating child actress na si Angellie Sanoy.

Twenty-two years old na si Angellie ngayon at naka-graduate na rin siya ng kolehiyo sa kursong Information Technology.

Una siyang nakilala at age 9, nang gampanan niya ang Young Narda ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera noong taong 2009.

Nasundan ito ng ibang mga Kapuso teleserye, at pinagbidahan din niya ang Magic Palayok.

Pero pagkatapos niyang gawin ang Magic Palayok, nag-lie low si Angellie dahil ito na ang kanyang "awkward age."

Sabi ni Angellie sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siguro hindi nila alam kasi parang pang-dalaga na ang katawan ko, pero yung mukha ko, yung height ko, medyo pambata pa rin. So doon siguro sila medyo nahirapan.”

Umamin naman ang dating child actress na pakiramdam niya ay napag-iiwanan na siya.

Aniya, “Pakiramdam ko po, napag-iiwanan ako. Kasi siyempre, ang mga kasabayan ko, well, until now, yung mga kasabayan ko, mga bongga na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa tinutukoy niyang kasabayan daw niya ay si Bianca Umali.

Patuloy ni Angellie, “May feeling po talaga na, ‘Bakit ganoon?’ Lalo na po walang mga raket na dumarating.

"Pero, thankful pa rin po ako dahil doon ko naipasok ang pag-aaral ko. Mas nakapag-focus ako.”

self-doubt

Noong 2017, nanalo ng Best Actress award si Angellie sa pelikulang Bomba sa Warsaw International Film Festival.

Pero sa kabila nito, hindi niya itinanggi na dumating siya sa puntong napatanong sa sarili kung hindi ba siya magaling umarte dahil sa kawalan ng proyekto noon.

Pag-amin niya, “Actually, opo, parang nagtatanong ako na, ‘Hindi ba ko magaling?’ May mga question na ganoon.

"Kasi, parang ito talaga ang gusto ko. Ito ang alam kong gawin. Ito ang alam ko kung saan ako magaling. Minsan, nagkakaroon ng question na, ‘Hindi ba 'ko magaling kaya hindi nagkakaroon ng mga project before?’

“Pero, hindi rin naman po siguro maiiwasan yung ganoon kasi, ang tagal ko na rin naman pong nag-start. Pero iniisip ko na lang po na nagkaroon na rin naman po ako ng pangalan kahit paano sa industry.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

finding new management

Kakapirma lang ni Angellie ng kontrata sa Artist Circle Talent Management Services ni Rams David.

Ang naging daan para mapunta siya sa poder ni Rams ay ang kanyang dating co-star na si Marian Rivera.

Kuwento ni Angellie, “Actually po, hindi ko po alam kung kanino ko magpapa-handle. Siyempre ngayon, ang hirap na talaga rito sa showbiz. Sobrang dami ng pumapasok. Parang hindi ko na talaga alam kung kanino magandang magpa-handle.

“Then, nag-message ako kay Ate Marian. Nag-message ako sa kanya sa IG and nag-reply naman po si Ate Marian. Tapos, ni-refer niya ako kay Tito Rams. Nag-usap po agad and after noon, pirma na agad.”

Malapit si Marian kay Rams dahil ito ang tumayong manager niya under Triple A Management.

Sabi pa ni Angellie, “Kaya po hindi na po ako nagdalawang-isip kasi, si Ate Marian naman po ang nag-recommend. And alam ko na hindi ako pababayaan ni Ate Marian or hindi siya magre-recommend ng basta-basta.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May pelikula raw siyang ginagawa ngayon na pang-Cinemalaya under Idea First, ang pagbibidahan nina Kahlil Ramos at Ashley Ortega. At nang tanungin namin ito kung sa Kapuso pa rin niya gusto, “Gusto ko po, GMA pa rin. Kasi doon ako nag-start.”

Kung may pagkakataon, ang gustong makapareha ni Angelli ay ang dating love team partner ni Bianca na si Miguel Tanfelix.

thankful for support of marian rivera

Bata pa si Angelli nang makasama niya si Marian sa Darna.

Ano ang pakiramdam na hanggang ngayon, may komunikasyon pa rin sila at masasabing sinusuportahan pa siya sa pagbabalik niya talaga sa kanyang showbiz career?

“Actually, hindi ko rin po ine-expect na hanggang ngayon, magtutuluy-tuloy pa rin ang communication namin ni Ate Marian.

"Siyempre, sobrang busy na tao niya at ang dami rin nagme-message sa kanya. Tapos, noong nag-message ako sa kanya, nag-reply siya.

“So, sobrang thankful na hanggang ngayon, may communication pa rin kami,” pagpapasalamat niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napatunayan niya na mabait si Marian Rivera?

“Opo, dati pa,” positibo niyang sagot.

Chesca Salcedo, A.K.A. cruzita

Matagal na panahon na rin ang lumipas simula nang makatrabaho ni Chesca Salcedo sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sa edad na limang taon, si Chesca ang gumanap bilang si Cruzita Aldama Santibañez, ang anak ng Kapuso Primetime King & Queen nang pagbidahan nila ang Marimar.

Ngayon ay 21 years old na si Chesca o si Cruzita, na siyang gagamitin na raw niyang screen name sa kanyang pagbabalik-showbiz.

Nalinya si Cruzita sa kontrabida roles simula noong napanood siya sa Rosalinda bilang young Katrina Halili.

Aniya, “Siguro po, dahil din sa features ng face ko, kaya yung mga roles ko, kontrabida.”

Nagkasunud-sunod naman ang mga proyektong ginawa ni Cruzita sa GMA-7. Huli raw niya ang Kambal Karibal na nasa teens na siya, pero dumating din daw siya sa "awkward age" kaya dumalang na ang mga proyektong natatanggap niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-ilang proyekto man siya, ang role pa rin niya bilang Cruzita sa Marimar ang tumatak sa lahat, kaya tinitingnan din niya ito in a positive way.

“Thankful po ako kasi, ang tagal na po noon, pero nakikilala pa rin nila ako as Cruzita. Natatandaan pa rin nila ako.

"Pero in a way, may nagsasabi na dapat meron na rin akong ibang identity, hindi na si Cruzita. Kasi that was way back before.”

Dugtong din niya, “May advantage po at may disadvantage rin. Kasi kilala nila ako, pero dapat meron na rin akong identity as young adult.”

FUTURE PLANS

Pumirma ng kontrata si Cruzita sa Artist Circle Talent Management Services ni Rams David dahil gusto raw niyang may mag-alaga na rin sa kanya na manager.

Isa sa mga pangarap ni Cruzita ay makatrabaho muli sina Dingdong at Marian.

Paglalahad niya, “Hopefully, mapagbigyan kung merong pagkakataon na makasama ko muli sila. Parang reunion po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal na raw nang huli niyang makita si Marian, pero masaya si Cruzita na pina-follow siya nito sa Instagram.

“Huli ko pa po siyang makita, parang red carpet po na hindi ko na rin matandaan. Ang recent po na nakasama ko, si Kuya Dong sa Family Feud. Pero si Ate Marian po, pina-follow niya ako sa IG. At saka si Kuya Dingdong,” sabi niya.

Gusto rin sana niyang makapareha si Kelvin Miranda, habang si Jean Garcia naman ang pinaka-idol niya sa pagiging character actress. Nakasama niya ang veteran actress sa Kambal Karibal.

Pero bukod doon, si Cruzita ay "willing to explore" all kinds of roles.

Saad niya, “Willing naman po ako to explore kahit anong role ang ibibigay sa akin, kahit anong role po.

“Pero if kontrabida po, okay naman po sa akin.”

Kahit daring at sexy roles ay kaya ba niyang gampanan?

“Siyempre, yung drive ko rin para maipakita na hindi na ito ang Cruzita na child actress.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit aminado si Cruzita na dumating siya sa puntong naisip niyang sa halip na mag-artista ay mag-iba na lang ng propesyon, pinili pa rin niyang ituloy ang pag-aarte sa showbiz.

“Dahil ito talaga ang gusto ko, push pa rin tayo. Nagkaroon po ng ganoong feeling dahil may mga kasabayan po ako na nag-boom ang career.

"Siyempre, mapapaisip ka, malulungkot, pero ito talaga ang gusto ko,” deklara niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Kapuso child stars Chesca Salcedo and Angellie Sanoy are making a showbiz comeback, and are now being managed by Rams David's Artist Circle Talent Management outfit. Chesca played Cruzita in Marimar, while Angellie played the Young Narda in Darna. Both TV shows were headlined by Marian Rivera.
PHOTO/S: @sanoyangellie @chescasalcedo on Instagram; PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results