Watch Now

Rams David: from managing kontrabidas to having 70 artists

by Rose Garcia Additional interview: Rommel Gonzales
May 20, 2022
Rams David, big boss of Artist Circle
Mula sa pagma-manage ng mga kilalang kontrabida sa showbiz, ang Artist Circle ni Rams David ay meron nang 70 talents and still growing.
PHOTO/S: Rose Garcia

Hindi inakala ni Rams David na 10 years na pala ang nagdaan simula noong itatag niya ang Artist Circle.

Nagdiwang ng isang grandeng 10th anniversary party ang Artist Circle noong May 12, 2022 sa Aquila Crystal Place sa Tagaytay.

Dumating ang mga inimbitahang bisita at mga artists ng Artist Circle na nakasuot ng black-and-white formal gowns and suits dahil sa "ballroom" theme ng party.

Artist Circle event

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW IT STARTED

Ang bungad ni Rams nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Happy, hindi ko inakala na ganoon na siya katagal.

“We established it 2012. Hindi siya Artist Circle, it’s AGT House of Characters. Why siya house of characters? Kasi most of the talents na hawak namin, characters talaga, as in, soap-opera characters.

“Like Sheryl Cruz nga, Chanda Romero, Celia Rodriguez, Odette Khan. Mga premyadong actress na nagbibida o kontrabida sa mga soap opera.

"Meron din akong mga male-support actors. Parang doon ko muna gustong mag-start bilang nagpapakilala pa lang ako muli sa industry.”

Mas higit na nakilala kasi si Rams bilang program manager sa mga shows ng GMA-7 noon.

Mula taong 2011 ay naging president siya ng Triple A Management—na kumpanya ni Antonio Tuviera—kunsaan siya ang nag-manage ng career nina Marian Rivera at Maine Mendoza.

Ayon pa rito, “Okay naman kay Chairman [Tuviera], wala namang problem. So, side by side, I’m doing both companies. Hanggang yun na, hindi ko namamalayan na naggu-grow na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro, nakikita rin naman nila na maganda rin naman ang nagiging standing ng company. Habang tumatakbo ang taon, nadaragdagan nang nadaragdagan.”

Pero sa kalaunan, tinalikuran din ni Rams ang mataas niyang tungkulin sa Triple A Management para mas matutukan ang kanyang sariling management company.

“Nagpaalam naman ako nang maayos at napakabait naman ni Chairman na pinayagan ako.

"And, at the same time, siyempre, hindi naman na tayo bumabata. Marami na rin tayong nararamdaman.

“Kaya iniisip ko, kailan ko pa ba ito gagawin? Kapag hindi ko na kaya? Kapag may sakit na ako? Although, may konti akong heart ailment. Hindi naman kailangang operahin, I’m drinking medicine para yung isang vein sa puso ko ay manatiling healthy.

“That’s what I’m doing right now, I’m taking maintenance.”

Sabi pa niya, “So kailangan ko na sigurong tulungan ang mga artists and the management na makahanap ng ibang artista. Nagpaalam naman ako nang maayos.”

Ayon kay Rams, mahigit sa 70 na ang artists na hawak niya sa ngayon sa Artist Circle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

dekada award for loyal artists

Sa ginanap na 10th anniversary ng Artist Circle, binigyang parangal din ni Rams ang mga artistang masasabing loyal sa pangangalaga niya sa loob ng sampung taon.

“Natutuwa naman ako na ang mahigit sampung artista na kasama ko noong 2012 are still with us. That’s why we are giving them recognition for the Dekada Award.

“I think that’s a good reason to celebrate.”

Tinanong ng PEP.ph si Rams kung sino sa mahigit 70 na artists niya ang mako-consider niyang prime or prized talents niya.

“I could say na yung mga nanatili pa rin sa akin from the start, si Sheryl Cruz, Chanda Romero, si Tita Ces Quesada na napakagaling na character actress. Si Tita Celia Rodriguez, and, siyempre, the award-winning actress, Odette Khan.

“Happy ako na ngayon ko lang din siya nakitang muli since pandemic and it’s been two years."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin daw matatawaran ang mga artistang nagpo-portray ng characters na yaya, tita, at nanay. Binanggit niya sina Shyr Valdez, Mosang, Mel Kimura, at Dang Cruz.

"For me, napaka-importante ng role nila sa mga soap opera, kaya ganoon din ang pag-aalaga at pagmamahal ko sa kanila.

“And I’m thankful with all the networks and film company na kumukuha ng serbisyo namin. Kasi, kung hindi rin naman sa kanila, wala ang Artist Circle at gayundin sa lahat ng news agency.”

Ang mga pinarangalan noong gabing iyon ay sina Shyr Valdez, Chanda Romero, Odette Khan, Mosang, Mel Kimura, Dang Cruz, Ces Quesada, Jet Rai, Andrew Schimmer, Robert Correa, Marlon Mance, Rico Robles, Lorenz Martinez, Mike Magat, at Celia Rodriguez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ARTISTS UNDER RAMS DAVID

Ayon kay Rams, noong isang taon lang daw siya nagsimulang magdiskubre ng mga bagong talents.

May mga young talents na nakapasa sa audition, nag-undergo ng workshops, at ipinakilala sila sa 10th anniversary ng Artist Circle.

“Malay mo, baka meron doon na maka-hit ng magandang projects at mapasikat natin. so pride pa rin ng Artist Circle.”

Kabilang sa mga bagong artist ni Rams ay si Asiana, anak ng model and actress na si Wilma Doesnt. Pareho rin ang mag-ina na nasa ilalim ng pangangalaga ng Artist Circle.

Bagong artist din ng Artist Circle si Tei Endencia, isang event specialist at may-ari ng Aquila Crystal Place Tagaytay, kung saan ginanap ang 10th anniversary party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi ni Rams, “Well, na-meet ko si Tei Endencia through Wilma. Ang plano namin is more of handling him as an artist also.

“Bilang ang galing nilang mag-design ng event, e. Starting next month, all of the booking, all of the arrangement na dadaanan ng Aquila will go through Artist Circle. so we’ll be his satellite office in Quezon City.”

At si Tei rin daw ang may ideya na gawin nila ang ballroom party.

“Sabi niya, 'Tito Rams, let’s do something big.' And sakto na 10th anniversary ng Artist Circle. At nabuo ito, two weeks ago lang. That’s why I’m grateful kay Tei Endencia, the MasTEIpiece for inviting us over.

“So, it’s an expansion of my office, for booking na makakatulong din sa mga artista natin.”

Ang ilan pa sa mga artists ng Artist Circle ay sina Jelai Andres, Jopay Paguia at mister nitong dancer din na si Joshua Zamora, at ang mga kapwa Sexbomb Dancers ni Jopay na sina Mia Pangyarihan, Mhyca Bautista, Cheche Tolentino, at Aira Bermudez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jelai Andres

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang din sa roster of talents ni Rams sina Mel Kimura, Krissy Achino, ang magkapatid na Mike at Carlos Agassi, Mico Aytona, BJ "Tolits" Forbes, Inday Garutay, Kiks Ferrer, at Christian Antolin.

SHERYL CRUZ GRATEFUL FOR STEADY STREAM OF WORK

Samantala, naging talent manager ni Sheryl si Rams dahil kay German Moreno, ang yumaong star builder sa likod ng That's Entertainment, ang defunct variety show na umere sa GMA-7 mula 1986 hanggang 1996.

Produkto ng show si Sheryl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ng aktres kay Rommel Gonzales, aniya, “Well, first of all, si Rams, hindi na iba sa akin dahil mahal na mahal iyan ni Kuya Germs.

“Di ba si Tatay Germs kilala naman natin, na tinutukan ni Rams iyan mula GMA Supershow, kung saan ko siya nakasama, after That’s Entertainment.

“'Tapos nun nakita ko na parehas kami ng prinsipyo. Na kung paano magpalakad si Kuya Germs, kahit papano nakikita ko yun sa kanya.

“Na he really wants what’s best for everyone in the group and he treats everyone like family."

May special mention din sina Tere (L) at Cristina David, mga kapatid ni Rams.

Rams, Tere, and Cristina David of Artist Circle

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagpapatuloy ni Sheryl, "...they all want what’s best for all their artists.

“They really make sure na lahat kami may mga ginagawang mga proyekto.

"And I’m just blessed dahil kahit papaano, from the time I started hanggang ngayon, hindi naman ako nababakante.

"So salamat sa Diyos at salamat kila Rams.”

inspired by the late german moreno

Nagpasalamat naman si Rams nang tanungin siya ng writer na ito tungkol sa namayapang Master Showman na si Kuya Germs.

Matagal itong nakasama ni Rams at kinikilalang “Tatay” sa showbiz.

“Thank you for reminding me,” saad ni Rams. “He plays a great part sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon. German Moreno is a mentor.

“He’s a father at sobrang nami-miss ko siya. At kung nandito siya, I’m sure sobrang happy siya.”

Dugtong pa niya, “Hindi ko naman masasabing itinutuloy ko ang ginagawa niya. Definitely hindi, kasi, ang laki ng nagagawa niya.

"In my own little way, nakakagawa ako ng mala-German Moreno’s style of helping artists.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula sa pagma-manage ng mga kilalang kontrabida sa showbiz, ang Artist Circle ni Rams David ay meron nang 70 talents and still growing.
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results