PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Isko's Quick Recovery on New 'Eat Bulaga!'

'Eat Bulaga!' winner: "Salamat kina Tito, Vic, and Joey!"
by Bernie V. Franco
Published Jun 14, 2023
isko moreno buboy villar and contestant
Isko Moreno (forefront) keeps his composure when a segment winner (center) on 'Eat Bulaga!' thanked the noontime show's original hosts Tito, Vic, & Joey.
PHOTO/S: Eat Bulaga!

Hindi inaasahan ang pasasalamat na ginawa ng isang segment winner ng revamped Eat Bulaga! nitong June 13, 2023, Martes.

Mukhang hindi pa nagsi-sink in sa segment winner—isang tricycle driver—ang mga pagbabago sa noontime show ng TAPE Inc. na napapanood sa GMA-7, tulad ng mga bagong host nito.

Matapos manalo ng PHP10,000, nagpasalamat ang winner sa Eat Bulaga! at kina "Tito, Vic & Joey"—ang original at dating hosts ng longest-running noontime show.

Wala na kasi ang TVJ sa Eat Bulaga!—sampu ng iba pang Dabarkads hosts—at bago na ang lahat ng hosts nito.

Read: TV5 studio sa Mandaluyong, inaayos na para sa noontime show ng Tito, Vic & Joey

"SALAMAT KINA TITO, VIC, AND JOEY"

Sa live episode ng Eat Bulaga! nitong Martes, lumabas sa kalsada ang dalawa sa bagong hosts na sina Isko Moreno at Buboy Villar para sa “G sa Gedli” segment.

Sa segment, hinaharang ang mga mapipiling drivers at inaabutan ng cash prizes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang tricycle driver ang napili nina Isko at Buboy. Sumakay ang dalawa sa tricycle at sinamahan ang driver.

Nakipag-usap sina Isko at Buboy sa tricycle driver at inusisa sa kanyang trabaho at pamilya.

Instant PHP10,000 ang inabot sa driver.

“Anong masasabi mo sa Eat Bulaga!?” tanong ni Isko sa driver.

“Ah, maraming-maraming salamat sa Eat Bulaga!, lalo na kina Tito, Vic, and Joey,” sagot ng tricycle driver.

isko moreno, buboy villar, and contestant

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis ang naging reaksiyon ni Isko sa sinambit ng driver.

“O, yun, Tito, Vic, and Joey. Yan yung mga nakasama natin noong araw. Hindi natin makakalimutan,” masayang sabi ni Isko.

Saka niya tinanong ang driver, “Pero ngayon, ang bagong Eat Bulaga! lagi mo ba kaming sasamahan?”

Sagot ng driver, “Opo, opo. Lagi po kaming nanonood ng pamilya ko.”

Kasunod nito ay binigyan pa siya ni Isko ng additional PHP3,000.

NETIZENS REACT

Napa-react naman ang ilang netizens sa video clip na ito na nai-post sa social media.

Kapansin-pansin na halos lahat ng mga ito ay supporters ng TVJ at kinatigan ang pahayag ng driver.

Bukod daw sa “sapol” ang komento ng driver ay patunay lamang talaga ito na ang Eat Bulaga! ay TVJ.”

eat bulaga comments

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

eat bulaga comments

Nagpaalam sina Tito, Vic, and Joey—kilala rin sa tawag na TVJ—at nilisan ang Eat Bulaga! sa GMA-7 gayundin sa producer nitong TAPE, Inc. noong May 31, 2023.

Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers

Patuloy na umeere ang Eat Bulaga! sa Kapuso network kahit na wala na ang TVJ at ang iba pang Dabarkads hosts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod kina Isko at Buboy, ang iba pang bagong hosts ay sina Paolo Contis, Betong Sumaya, Mavy Legaspi, Cassy Legaspi, Alexa Miro, Kimpoy Feliciano, at Dasuri Choi.

Kapansin-pansin ding patuloy na may idinadagdag sa mga host o kaya naman ay maging guest co-hosts.

Read:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isko Moreno (forefront) keeps his composure when a segment winner (center) on 'Eat Bulaga!' thanked the noontime show's original hosts Tito, Vic, & Joey.
PHOTO/S: Eat Bulaga!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results