Laki sa limelight si Paolo Contis, na eight years old pa lang ay regular nang napapanood as one of the Ang TV kids.
Maging ang love life niya ay hindi niya itinago sa publiko.
Pero sa mga isyung kinaharap niya these past two years, may dalawang realizations ang 38-year-old actor.
Una, mahirap makapagtago ng sikreto sa social media.
Pangalawa, hindi kailangang isapubliko ang lahat ng aspeto ng kanyang pribadong buhay.
Noong January 30, 2023 ay inanunsiyo ni Paolo ang relasyon nila ni Yen Santos sa Fast Talk ni Boy Abunda.
Ito na siguro ang pinakamaingay na relasyon ni Paolo.
Babalikang-tanaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mga publicized relationships niya through the years.
Paolo Contis'S PAST RELATIONSHIPS
Desiree Del Valle (2000 - 2002)
Nagkatrabaho sina Desiree at Paolo sa Tabing Ilog (1999) bilang sina Carrine Ledesma at Salvador Magtibay, respectively.
Bilang isa sa mga love teams ng TV series na ito, nagka-develop-an sila sa set.
Years later, sa isang panayam ng PEP.ph with Desiree, ito ang nasabi niya about Paolo: “...mga bata pa kami noon, e. Ang alam lang namin ay na-in love kami tapos yun na.
"Hindi namin alam ang meaning ng word na commitment kasi we were very young then. Marami pa pala kaming hindi alam sa ginagawa namin.”
Naghiwalay sila after two years ng pagiging magkarelasyon.
Desiree tied the knot with Boom Labrusca on January 15, 2018.

Nancy Castiglione (2002 - 2004)
After his breakup with Desiree, Paolo announced his relationship with Nancy.
Based sa interview ng PEP.ph kay Nancy noong March 2010, tila wala naman naiwang samaan ng loob sa pagitan nila ni Paolo.
In fact, Nancy had this to say about Lian Paz, na at the time of the interview ay kapapanganak pa lang sa panganay nila ni Paolo.
Ani Nancy, “My advice would be to take care of his girls. Take care of Lian, she's going to need a lot of help especially, you know, the first month or maybe the first weeks basically. You know, there's something called postpartum. Her emotions will be going up and down. Alam ng mga babae iyan who have children, what I'm talking about.
"So,just be patient with her and be a good father. Concentrate on them and welcome to the world of being a parent.”
May dalawang anak si Paolo kay Lian: sina Xonia Aitana at Xalene.
Nancy is happily married to Richie Bautista.

Isabel Oli (2006 - 2008)
Ang relasyon ni Paolo kay Isabel ay umabot sila sa engagement stage.
Noong October 20, 2008, birthday ni Isabel, ay binigyan siya ni Paolo ng singsing as a gift.
The pair did not confirm just yet na engagement ring ito.
Ngunit three weeks later, nagkaroon naman agad ng plot twist nang isinauli ni Isabel ang singsing, saying na hindi na nagwo-work ang relationship nila.

A year later, PEP.ph had a chance to interview Isabel regarding this incident.
Ito ang naging pagbabalik-tanaw niya: “[This year] sana [ang kasal], pero wala pang specific date.
"Siyempre, masakit, di ba. Masakit, kasi a month after, I returned the ring. Kasi feeling ko naman, hindi na kami okay. So, I returned the ring, tapos iyon, break na kami, a month after o mga three weeks after lang pala.”
Kasal na si Isabel kay John Prats.
Lian Paz (2009 - 2012)
About a year after mag-break nina Paolo at Isabel ay nag-propose naman ng kasal si Paolo kay former EB Babe Lian Paz.
This happened a few weeks after they officially announced their relationship.
Una itong binanggit ni Lian sa January 18, 2009 episode ng "Intriga Crossfire" ng defunct showbiz talk show ng GMA-7 na Showbiz Central, kung saan hosts sina Raymond Gutierrez, Mo Twister, Rufa Mae Quinto, John Lapuz, and Pia Guanio.
Tanong sa kanya ni Mo Twister, “Have you announced this engagement to your family and friends, or first time lang na nalaman ng lahat sa Showbiz Central?”
“Yeah, it is the first time,” tugon naman ni Lian.
That same year, noong July 20, idinaos sa Cauayan, Isabela ang civil wedding nila. May plano pa sana silang sundan ito ng church wedding, ngunit hindi na nangyari.
After almost four years and having two daughters, naghiwalay ang dalawa.

During the live interview ni Roderick Paulate kay Lian sa HOT TV ng GMA-7 noong October 28, 2012, isiniwalat ni Lian ang dahilan, “I think na-e-exhaust na ako sa mga problema na dumarating na dapat pinag-uusapan naming dalawa.
"'Tsaka hindi sa akin nanggaling yung hiwalayan. Siya yung nakapag-decide, una sa lahat, to leave me with my kids. So this time, I think I wanna pressure him to wake up and talk about the problems that we have to talk about.”
Nauwi sa pag-file ng annulment ang kanilang pagsasama. Si Paolo ang unang nag-file.
Sunod namang nag-file noong 2019 si Lian para sa parehong petisyon ngunit hindi pa ito umuusad.
Paliwanag ni Lian sa interview with PEP.ph noong June 2022, “Noong nag-file kasi ako, nag-pandemic. Naabutan ng pandemic. Naipit, walang galawan ang court. So freeze din ang annulment. Ngayon, so far, bilang nag-normalize na kahit papaano, umuusad naman siya. Pero kailangan din ng cooperation niya [Paolo].”
Ani Paolo tungkol sa pagnanais ni Lian na maayos na ang annulment case, “Ongoing naman ang case, e. Sobrang na-delay lang because of the pandemic.”
Ito lang ang naging matipid niyang sagot sa panayam niya with PEP.ph noong November 2021.
During the same conversation with Roderick Paulate, inamin din ni Lian na third party at financial problems ang naging mga mitsa ng kanilang paghihiwalay.
“Malaki po yung problema niya. I think the real reason is magulong masyado ang isip niya, una sa lahat. And then, yung finances, magulo talaga. He doesn’t know how to hold money talaga, e,” sabi ni Lian tungkol sa paghawak ni Paolo sa pera.
Pagdating naman sa third party, nabanggit lang niyang “non-showbiz po” ito.
“Hindi ko na lang po pangangalanan, pero iyon. Hindi ko pa po siya kilala at hindi ko pa po siya nami-meet,” dagdag pa ng bida ng Prinsesa ng Buhay Ko (2013).
Lian got engaged to businessman John Cabahug on February 23, 2021, at Crimson Mactan Resort, Mactan, Cebu.
LJ Reyes (2015 - 2021)
After a few years, Paolo found his way to LJ’s life.
Ito ang pinakamatagal na relasyon ni Paolo na nagbunga ng isang anak, si Summer.
Malapit din si Paolo kay Aki, na anak ni LJ kay Paulo Avelino.
Akala ng lahat ay mauuwi ito sa kasalan.
Ngunit noong August 19, 2021, umikot ang ispekulasyon na naghiwalay ang dalawa nang mapansin ng mga netizens na nag-unfollow si Paolo sa mga tao sa Instagram, kasama na rito si LJ.

Deleted din ang lahat ng pictures nila together.
Nawindang ang mga netizens dahil noong July 14 ng parehong taon, nag-post pa si Paolo sa kanyang Instagram page para sa kanyang mag-ina.
“Love, thank you for everything! Thank you for taking care of all of us! Alam ko mas mahirap ngayon na wala ako but I know the kids will be okay kasi nandiyan ka! I want you know how much I appreciate and love you! Can't wait to go home again and be with you! Please know that I'm always missing and thinking of you!”
Na-delete na rin ang post na ito from his account as of this writing.
Lolit Solis, Paolo’s manager, confirmed the breakup on August 22, 2021, through her Instagram post.
Hindi direktang sinagot ni LJ kung may third party na namagitan sa kanilang dalawa. Bagkus ay natahimik muna siya nang saglit bago sumagot.
Sa interview niya kay Boy Abunda noong August 31, 2021, binanggit niyang “I think marami po makakasagot niyan. Kahit hindi ako ang sumagot.”
Aminado naman si Paolo na kasalanan niya kaya nagkaroon sila ng hiwalayan.
Sa kanyang Instagram post noong September 9, 2021, nilinaw niya ang mga haka-haka regarding sa isyung ito.
Narito ang kabuuan ng post ni Paolo (published as is):
After lumabas ng interview ni LJ, katakot takot na pang aalipusta at pambabatikos ang natanggap ko.
I can’t say I don’t deserve it kaya tinatanggap ko lang ito. I understand all your frustrations.
"Gusto ko sana manahimik kaya lang marami nang mga nadadamay na hindi dapat kaya mas mabuti sigurong sagutin ko ang ilan sa mga ito…
- Drugs - Merong nagsasabi na meron siyang reliable source that I take drugs and as a result, sinasaktan ko si LJ at ang mga bata. This is NOT true.
Minahal at inalagaan ko sila. I never laid a finger on them.
- Third Party - Aaminin ko, naging marupok at gago ako sa ilang taon naming pagsasama. I’m not proud of it.
For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions.
- Yen Santos - She was never the reason of our break up. I was.
Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me.
Masyado niyo [Yen] siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano.
- Baguio - When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip.
Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din.
She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this.
- Lolit - Please stop bashing her. Nanay ko si Lolit. Natural lang na ipagtanggol niya ako kahit mali ako. May nanay din kayo diba?
Hindi niyo alam ang mga pagalit at pangaral niya sa akin pag kami lang ang naguusap. Sinabihan ko na siya to stop protecting me.
Ang sinabi lang niya ay HINDI, ANAK KITA! HAYAAN MO AKO! For that, I’m sorry Nay. And thank you! Sa inyo pareho ni Nay Cristy.
I was very clear to LJ when I told her I want to see and take care of Summer kahit hindi kami okay. But I understand and respect her decision to go to the States muna.
Sana balang araw makapag usap kami ng maayos para sa bata.
Madami pang kailangan pag usapan pero sa amin na lang ni LJ yun at sana respetuhin niyo yun.
I’m sorry sa lahat ng nadamay sa issue na to. I want to apologize to Lian and the kids, na nagulo na naman ang tahimik na buhay dahil sa akin.
I’m sorry to my Mom. Please don’t worry about me too much.
I’m sorry to my team na hindi na nakakatulog dahil sa akin.
To Summer, I’m sorry my Ganda. I love and miss you so much. Papa will do his best to be better. I will always be here for you. I promise.
To Aki, I wish I could’ve done things differently and listened to you more. I’m sorry I failed you.
To LJ, I’m very sorry. For everything. Sa lahat lahat.
I will work on making myself a better person and learning from this. But for now, please respect our privacy and pray for us.
Ngayon kung hindi pa po kayo pagod, please direct all your hate and bashings at me. No one else deserves it, ako lang. Thank you.
Yen Santos (2020)
Yen Santos came under fire as soon as ma-release sa Netflix ang movie nila ni Paolo na A Faraway Land (2021).

Hindi lang ito dahil sa movie, kundi dahil na-link na si Yen kay Paolo at sinasabing siya ang third party sa pagkakalabuan nina LJ at Paolo.
Amid the Paolo-LJ separation, nagkaroon ng matinding pamba-bash kina Paolo at Yen na humantong pa sa mga death threats.
Ito ay dahil sa madalas na sightings sa kanila, and one of which was their trip to Baguio noong September 2021. Ani Paolo, he invited Yen "as a friend."
At nasundan pa ito ng mga posts linking the two to each other.
Noong November 30, 2022 ay namataan silang magkasamang nag-celebrate ng ika-tatlumpung kaarawan ng dalaga.
Hindi na nagdetalye pa ang dalawa kung saan sila nagdaos ng birthday ni Yen, pero nagbigay lang si Paolo ng clue na out of town ito.
Inamin ni Paolo ang tunay na status ng relasyon nila ni Yen nang lumabas ang ikalawang yugto ng interview ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda noong January 30, 2023.
Diretsong tanong ni Tito Boy, "Si Yen Santos ba ay girlfriend mo na? Oo o hindi?"
Umamin naman si Paolo pagkatapos ng pagbibirong kung “as a friend” ba patungkol ang katanungan.
"Hindi. Hindi," ang simpleng sagot ni Paolo nang tanungin kung si Yen ba ang naging cause ng breakup nila ni LJ.
