PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda, Anne Curtis Talk 'It's Showtime'

Vice, Anne, and Ogie Alcasid are former Kapuso stars.
by Jojo Gabinete
Published Jun 28, 2023
vice ganda anne curtis ogie alcasid
It's Showtime hosts (from left) Vice Ganda, Anne Curtis, and Ogie Alcasid, who are all former Kapuso stars, deliver their messages during the contract signing for the airing of their Kapamilya noontime program on GTV.
PHOTO/S: It's Showtime Facebook

Nagsilbing fashion statement ang bitbit na red heart-shaped bag ni Anne Curtis sa contract signing sa pagitan ng ABS-CBN at GMA-7 management nitong Miyerkules ng hapon, June 28, 2023.

Simula sa July 1, Sabado, mapapanood na sa subsidiary station ng GMA Network na GTV ang kinabibilangang Kapamilya noontime show ni Anne, ang It’s Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: GMA-7, ABS-CBN sign historic deal for 'It's Showtime' airing on GTV

Sina Anne, Ogie Alcasid, at Vice Ganda ang ilan sa mga host ng It’s Showtime na nag-umpisa ang showbiz career sa GMA-7 bago sila lumipat sa ABS-CBN.

Ilan sa maraming programa ni Anne sa GMA-7 ay ang Ikaw Na Sana, T.G.I.S, Anna Karenina, at Beh Bote Nga.

Si Ogie ay matagal naging bahagi noon ng gag show na Bubble Gang at ng musical-variety programs na S.O.P. at Party Pilipinas.

Si Vice naman ay napanood sa Comedy Central Market noong struggling comedian pa lamang siya.

ANNE CURTIS

Si Anne ang unang nagsalita nang hingan ng mensahe ang mga host ng It's Showtime tungkol sa partnership ng ABS-CBN at GTV.

Sa ngalan ng It's Showtime family, pinasalamatan ng actress-TV host ang GMA-7 executives sa pagbubukas nito ng pintuan para sa kanilang noontime show.

Aniya pa, “Maraming-maraming salamat for giving us a venue to continue our journey in making the Madlang People happy and keeping our noontime habit in their homes. Maraming-maraming salamat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“You know, on this day, I can say na G na G na po talaga kaming lahat as we celebrate this remarkable day of becoming a Kapamilyang Kapuso.

"So, maraming-maraming salamat po sa inyo. I am so emotional.”

OGIE ALCASID

Ikinuwento naman ni Ogie na hindi niya itinuloy ang paglipad ngayong Miyerkules sa Qatar para sa concert nila ng misis niyang si Regine Velasquez dahil gusto niyang dumalo at masaksihan ang makasaysayang pagsasanib-puwersa ng GTV at ng ABS-CBN.

Lahad ng singer-songwriter: “Real talk lang po, true story, I was not supposed to be here today because we have a concert in Qatar with my wife. So she flew ahead of me and I rebooked for tomorrow.

"So, chinarge ko po kay Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN COO for Broadcast] yung rebooking. Joke lang.

“But I really wanted to be here today for many reasons, one of which gustung-gusto ko pong makita yung mga dati kong mga boss... Yung ninong ko po, si Mr. [Felipe] Gozon, at siyempre yung kumpare ko po, si Mr. [Jimmy] Duavit, at yung mga boss ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I really wanted to see you again. It’s so refreshing to see you and it’s really, really nice to see you.

“I also wanted to be here for my bosses [in ABS-CBN], because sila po ang laging nakikipaglaban para sa lahat ng mga Kapamilya, para sa amin, sa mga talent, sa lahat ng mga binanggit ni Vice kanina, yung Madlang People na sumusubaybay sa aming lahat kung saan man kami magpunta. Sila po yon. Maraming salamat sa inyo mga boss namin.

“And I also wanted to be here because this is something that I didn’t want to miss. I’m sure, narinig ninyo na yung kasabihan na 'Ang liit lang naman ng industriya natin. Nagkikita-kita rin lang naman tayo.' And today proves that.

I think I believe that more because talagang maliit ang mundo natin sapagkat may mga taong malalaki ang mga puso tulad po ninyo na nag-welcome po sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, sa ating mga Kapuso, maraming salamat sa pag-welcome ninyo sa aming mga Kapamilya."

VICE GANDA

Ikinumpara naman ni Vice Ganda sa ugali ng mga Pilipino at sa bayanihan ang pagkakaisa ng GTV at ABS-CBN na isang kuwento ng tagumpay.

Read: GMA-7, ABS-CBN sign historic deal for 'It's Showtime' airing on GTV

Pahayag niya: “Sa lahat ng mga bumubuo po ng It’s Showtime family, sa buong ABS-CBN, ay palagay ko ay nagpapasalamat sa pangyayaring ito, isang malaki at napakagandang pangyayari na nagaganap ngayon at nasasaksihan ng napakaraming Pilipino.

“At bago pa man ito maibalita sa amin ni Tita Cory, ako talaga’y very optimistic. Ako’y punung-puno ng pag-asa.

"Nung nabalitaan ko pa lang yung hindi masyadong magandang mangyayari, hindi ako masyadong naaligaga. Hindi ako masyadong natakot kasi punumpuno ako ng pag-asa, at yung pag-asang yon at yung pag-asa naming lahat ang nagbitbit sa amin dito para magkita-kita tayong lahat.

Sobrang saya ko na nangyayari ito at yung pangyayaring ito ay sadyang Pinoy na Pinoy. Pilipinong-Pilipino itong nagaganap ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang pamilya ng It’s Showtime ay kumakatawan para sa lahat ng pamilyang Pilipino. Yung pamilyang Pilipino na lahat na yata ng kaganapan sa buhay ay dinanas. Yung pangkaraniwang Pilipino na lahat na yata ng bagyo ay hinarap. Lahat na yata ng klase ng baha ay naranasan. Lahat ng klase ng problema sa pamilya ay naranasan, pero patuloy pa ring tumatayo dahil sa pagmamahal na nararamdaman nila mula sa mga kasamahan nila sa bahay at dahil mahalaga sa kanila ang pamilya.

“At yung ABS-CBN naman, kumakatawan sa lahat ng mga magulang sa lahat ng bahay. Yung kahit anong kaharapin nung mga anak niya, kahit anong danasin ng bahay niya, kahit anong danasin ng pamilya niya, yung mga magulang, kahit anong hirap, hinding-hindi titigil sa paghanap ng paraan para itaguyod ang pamilyang ito.

“At ang GMA naman ay Pilipinong-Pilipino na parang mga kapitbahay na sa panahon ng pangangailangan ay handang mag-alay ng bayanihan sa nangangailangan nilang kapwa Pilipino kaya itong nangyayaring ito ay Pilipinong-Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ito ay istorya ng tagumpay para sa akin, para sa mga kasamahan ko, para sa mga bosses natin, at lalo’t higit para sa Madlang People na nanonood at sumusubaybay ng mga programa natin.

“Kaya masayang-masaya ho ako, sobrang saya, and hindi ko makita kung saan ito pupunta. Kung saan dadalhin ang programa. Kung anong kahihinatnan ng araw na ito.

“Hindi ko alam, pero alam ko, ang pangyayaring ito ay magiging susi o magiging simula ng napakaraming magaganda pang susunod na pangyayari. I am just very hopeful, very grateful and very excited!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime hosts (from left) Vice Ganda, Anne Curtis, and Ogie Alcasid, who are all former Kapuso stars, deliver their messages during the contract signing for the airing of their Kapamilya noontime program on GTV.
PHOTO/S: It's Showtime Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results