Mukhang may pinaparinggan sa Twitter ang singer-comedian na si Ogie Alcasid.
Ayon sa ASAP Natin ‘To mainstay, may mga tao talaga sa paligid na nagkimkim ng galit sa kanilang diddib.
Kaya, ipagdadasal na lamang daw niya ang mga ito upang mamayani sa kanilang puso ang kapayapaan.
Masyado na raw toxic ang mundo kaya nais lang niyang magpakawala ng good vibes.
Buong tweet ni Ogie ngayong araw, October 6, 2022, “There are a lot of angry people around. I pray that their anger subsides so that real peace will reign in their hearts. The world is much too toxic and we all need relief from it. Spreading GV this am. Love to all.”
Tila susog ito ni Ogie sa tweets naman ng asawang si Regine Velasquez kagabi, October 5, tungkol sa mga taong nagpapanggap na concern sa kanya pero nais namang masira ang kanilang pagsasama.
Read: Regine Velasquez chides "taong nagpapanggap na concerned," but wishes her marriage to fall apart
Sagot ito ni Regine sa isang tila fan niya na sinisi naman si Ogie dahil hindi siya nito nasalo nang mawalan ito ng balance habang nagpi-perform sa birthday party ng ama ni Jhong Hilario.
Sabi pa ni Regine, “Wait ano ba akala mo sa asawa ko si SpiderMan? everything happened so fast at pano nya ma anticipate na mahuhulog ako eh bakatayu lang naman ako.
"You guys have to STOP blaming him and yes YOU are blaming him."
Dagdag pa niya, pagod na siya sa mga taong kunyari ay pinapahalagahan sila pero gusto naman daw nilang sila ay maghiwalay ni Ogie.
Aniya, “By the way nakakapagud na yung mga taong nagpapangap na ‘we care about her’ and yet continues to wish my relationship with MY HUSBAND to fail I don’t understand anymore. Well I guess block kiti block na lang ako. Hay”
