Number 1 trending worldwide ang It's Showtime sa hashtag na "#GnaGSaShowtime" sa pag-ere ng Kapamilya noontime show sa bago nitong tahanan na Good Television o GTV ng GMA-7.
Read: CONFIRMED: 'It’s Showtime' to transfer from TV5 to GTV
Natapos na ang blocktime-deal agreement ng It's Showtime sa TV5. Ang pumalit sa timeslot nila sa Kapatid Network ay ang bagong show ng TVJ o ang triumvirate nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, kasama ang legit Dabarkads.
Read: MVP on choosing between It’s Showtime and TVJ: “It was just a purely business decision.”
Pasok naman sa Number 2 at Number 3 trending topics ang "#TVJsaTV5" at "#TVJonTV5" na pilot telecast din ang noontime show sa bago nilang tahanan sa TV5.
Wala pa ring title ang TVJ show sa TV5, pero bukambibig ng hosts ang "E.A.T."
Read: Eat Bulaga! congratulates TVJ on its new noontime show, welcomes It's Showtime to its new home
Number 5 naman sa trending list ang "Eat Bulaga!."

Engrande ang opening number ng It’s Showtime sa pagpasok nito sa bago nitong tahanan.
Tinototoo ng It's Showtime ang pangako ng host na si Vice Ganda na hindi nila bibiguin ang Madlang People na patuloy na sumusubaybay sa kanila kahit saan man sila mapunta.
Read: Vice Ganda holds no grudge against TVJ, TV5; thanks GTV for accepting ‘It’s Showtime’
Sabi ni Vice sa kanyang opening spiels, “Madlang People, eto na yun. Ito na ang inaabangan ng lahat, ang trending na usap-usapan at inaabangan sa social media, ang hindi natin inakalang mangyayari. Heto na.
“It is really happening right now, right here, buong bansa, at buong mundo, saksi dito sa makasaysayang selebrasyon natin.
“Wala nang hihigit sa pinakamatinding plot twist ng taon—dahil ang Kapamilya at Kapuso ngayon ay pinag-isa.
“Kaya naman pasabog din ang pa-welcome natin sa GTV, dito sa It’s Showtime.”
Dagdag ng co-host na si Anne Curtis,:“Tama ka diyan Sis, milyun-milyong happiness ang masi-share namin sa inyo na siguradong magbubunga ng milyun-milyong moments with you my super, duper fabulous Madlang People.
“At eto pa ang hindi ko alam na masasabi ko, kasama na rin ang Madlang Kapuso.”
Guest sa unang sultada ng It’s Showtime sa GTV ang mga Kapuso stars na sina Mark Bautista, Christian Bautista, Sanya Lopez, Barbie Forteza, Pokwang, Rayver Cruz, at Rodjun Cruz.
