PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV ratings: TVJ prove they are still the kings of noontime shows

TVJ's 'E.A.T.' rules the TV ratings; which show won the online views?
by Erwin Santiago
Published Jul 3, 2023
noontime shows
(Top to bottom) TVJ and legit Dabarkads of 'E.A.T.'; 'It's Showtime' hosts and guest Kapuso stars; 'Eat Bulaga!' hosts.
PHOTO/S: TV5 / GTV / GMA-7

Pinatunayan nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon o TVJ —na sila pa rin ang tunay na hari ng noontime shows.

Inabangan ng sambayanang Pilipino ang pagtatapat-tapat sa ere ng tatlong noontime shows noong Sabado, July 1, 2023: ang Eat Bulaga! sa GMA-7; ang It's Showtime sa GTV/A2Z/Kapamilya Channel; at ang E.A.T. sa TV5.

Ang Eat Bulaga! ay ang longest-running noontime show sa bansa na iniwanan ng TVJ dahil sa lumalim na hidwaan sa pagitan nila at ng producer ng programa na TAPE.

Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline

Ang It's Showtime ay ang 14-year-old Kapamilya noontime show na nakipagsanib-puwersa sa rival network na GMA-7 para maipalabas ito sa affiliate channel ng huli na GTV.

Ang E.A.T.... ay ang bagong noontime show ng TVJ at ng legit Dabarkads sa TV5 matapos nilang kumalas sa TAPE pagkatapos ng 42 taon.

Nagkasabay noong July 1 ang pilot episode ng E.A.T. sa TV5 at ang unang araw ng pagpapalabas ng It's Showtime sa GTV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Watch: Which among EAT, Eat Bulaga!, and It's Showtime delivered the best episode?

Siyempre pa, interesdaong malaman ng publiko kung alin sa tatlong noontime shows ang pinanood ng mas nakararaming Pilipino.

Base sa overnight data mula sa Nielsen Philippines Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM), malinaw na ang nanalo sa battle of noontime shows noong Sabado ay ang E.A.T....

Nakakuha ito ng 8.4 percent rating.

Read: 'E.A.T.' on TV5: a warm mix of old and new tricks, laughs, tears, and hugs

Pumangalawa ang It's Showtime, na nakakuha ng combined rating na 4 percent mula sa airing nitong aggregated mula GTV, A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV.

Read: 'It’s Showtime' gives its all in GTV premiere

Ang Eat Bulaga! ay nakakuha ng 2.6 percent.

Ibig sabihin, higit sa kalahati ang lamang ng E.A.T. sa It's Showtime at four times ang lamang nito sa iniwanan nilang programang Eat Bulaga!.

Read: 'Eat Bulaga!' relaxed amid battle of noontime shows

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi covered ng data ng Nielsen Philippines ang online views na nakuha ng tatlong noontime shows.

Maliban sa airing nito sa TV, live ding napanood ang E.A.T. sa official YouTube channels at Facebook accounts ng TV5 Philippines at TVJ.

Bukod sa broadcast airing nito sa GTV, A2Z, Jeepney TV, at Kapamilya Channel, napanood ang It's Showtime online sa Facebook at YouTube accounts ng Showtime Online Ü, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.

Ang Eat Bulaga! naman ay napanood sa official Facebook accounts ng mga hosts nitong sina Isko Moreno at Paolo Contis, bukod sa GMA-7 kung saan blocktimer ang TAPE.

Tinatayang mas marami ang nanoood online kumpara sa TV viewers, kaya hindi pa opisyal na masasabi kung anong noontime show ang pinakasubaybayan ng mga Pilipino sa iba't ibang panig ng mundo.

Ang malinaw ay buhay na buhay na naman ang TV habit ng mga Pinoy dahil sa mga kaganapang ito sa noontime programming.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top to bottom) TVJ and legit Dabarkads of 'E.A.T.'; 'It's Showtime' hosts and guest Kapuso stars; 'Eat Bulaga!' hosts.
PHOTO/S: TV5 / GTV / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results