StarStruck 6 UPDATE: Klea Pineda, Avery Paraiso, and Migo Adecer make it to the Ultimate Final 14

(L-R) Avery Paraiso, Klea Pineda, and Migo Adecer are the "fast struck" choices of StarStruck Council members Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, and Regine Velasquez-Alcasid, respectively.



Pinangalanan na ang tatlong "fast struck" choices ng StarStruck Council na kinabibilangan nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Joey De Leon, at Regine Velasquez-Alcasid.

Noong Lunes, September 26, pinili ng Eat Bulaga Dabarkads na si Joey De Leon ang 17-year-old commercial model na si Ayra Mariano.

(Read: Ayra Mariano enters Ultimate Final 14 of StarStruck 6)

Sa mga sumunod na araw kinilala rin ang iba pang "fast struck" choices ng iba pang judge/mentors.

Ang 16-year-old young talent na si Klea Pineda ang napili ng Primetime King na si Dingdong. Hindi makapaniwala si Klea na siya ang napili ni Dingdong na mapabilang sa Ultimate Final 14.

Sabi pa niya, "Nung una po talaga, parang ano, nabingi po talaga ako.

"Parang manhid po ako ngayon, di ko alam, di ko alam.

"Sobrang saya ko lang po talaga, sobrang nagpapasalamat po talaga ako kay Lord."

Hindi rin makapaniwala si Avery Paraiso nang siya naman ang piliin ng "Reigning Romantic Comedy Queen" ng GMA-7 na si Jennylyn.

Ani Avery, "Siyempre naman, sobrang natuwa po ako pero hindi ko naman ine-expect yun.

"Hindi ko ineexpect na pinili niya ako para i-'fast struck.'

"Tapos one out of five people, I feel so blessed."

Hindi rin inakala ni Migo Adecer na siya ang mapipili ng Asia's Songbird na si Regine para ma-"fast struck" sa Ultimate Final 14.

Saad pa ni Migo, "Sobrang ano, na-surprise.

"I was thinking ano, na matatawag din ako.

"At first nagulat din ako like, ‘Wait, ano?’"

This week, sumalang sa dance workshop ni Douglas Nierras ang natitirang 18 semi-finalists.

Nakakuha rin ng tips ang mga semi-finalists mula kay Jennylyn para sa kanilang romantic comedy challenge.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN