Nora Aunor happy to be part of GMA-7’s upcoming primetime series, Little Mommy

Sinabi ng Superstar na si Nora Aunor na hindi man lang daw halata, kinakabahan pa din siya sa kanyang mga eksena sa telebisyon lalo na kapag mga bago ang kanyang mga makakasama.



Malapit nang mapapanood sa primetime ng GMA-7 ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Kasama si Ate Guy sa cast ng upcoming show na Little Mommy na magsisimula nang umere sa darating na November 16.

Ang gaganap sa papel na Little Mommy ay si Kris Bernal. Kasama din sa cast sina Eddie Garcia, Bembol Roco, Kempee de Leon, Mark Herras, Gladys Reyes, Hiro Peralta, Renz Fernandez, Juancho Trivino, at Sunshine Dizon.

Kuwento ni Ate Guy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Masaya ako dun sa mga kasama ko dito sa Little Mommy dahil masaya silang kasama, at madali silang maging kaibigan, yung lahat ng mga kasamang artista.”

Ayon sa Instagram post ni Kris, totoo daw talagang may himala dahil natupad ang kanyang pangarap na makatrabaho si Ate Guy.


Sabi pa ni Kris, “Ang SUPERSTAR lang naman ang gaganap na Lola ko sa #LittleMommy Ÿ™ˆŸ™Â Grabe. Bakit ba ko binibiyayaan ng ganito? Ÿ˜Â Ang taba ng puso ko, naiyak ako sa kaba at sobrang tuwa. Parang panaginip. Ÿ˜ Totoo ba talaga? Waaaaaaah! May himala! Ÿ™ÂŸ’• I love you Ms. Nora Aunor! Pinapanood lang talaga kita, ngayon kayakap na kita. Ÿ˜ÂÂÂ Maraming salamat po @gmanetwork, Isang pangarap ko na naman po ang tinupad ninyo! Ÿ™ÂŸ™ÂŸ™Â”




Sabi ni Nora tungkol kay Kris Bernal, “Hiyang-hiya nga, sabi ko huwag silang mahiya sa akin kasi pare-pareho lang naman, e.

“Nagkataon lang naman din na nauna ako at nabigyan ng mga magagandang pelikula. Nasa pelikula din na ginagawa yun, e, di ba?

“Kaya ganun. Kaya pare-pareho lang naman kami kasi magaling din naman sila.

“Hindi lang naman na ako lang ang magaling, lahat naman magaling.”

Eksklusibong nakausap ng PEP si Ate Guy sa pocket presscon ng Little Mommy kagabi, October 7 sa GMA Network.


NORA’S MAGIC. Halos lahat ng mga nakaka-eksena na ni Nora ay nagsasabing mata pa lang daw nito ay umaarte na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit ganun ang pakiramdam ng mga artistang nakaeksena na niya?

Nakangiting sagot ni Ate Guy, “Ako nga ang kinakabahan. Kinakabahan rin ako.

“Alam mo hindi lang nila alam pero kapag sila yung mga ka-eksena lalo na kung first time ko silang maka-eksena, lalo na yung nga bata, hindi lang nila alam kinakabahan pa rin ako.”

Ang ilan naman gusto nilang masampal ng Superstar. Katulad na lang ni Gladys na buong ningning na gustong-gusto daw niyang masapal ni Ate Guy.

Read: Gladys Reyes excited to work with Superstar Nora Aunor for the first time


Ano ang reaksiyon niya tungkol dito? Sabi ng veteran actress, “Huwag naman. Ayoko na manampal kasi alam ko ang kamay ko kahit maliit. Huwag na makakasakit pa ako, hindi na puwede.”

Sa huli sinabi ni Nora na masaya din siya sa bagong proyektong ito para sa mga fans.

Aniya, “Siyempre para sa fans, ito’y gagawin namin para sa kanila. Hindi lang sa mga fans na die hard fans ko, kundi sa lahat nung mga fans nung mga kasama ko dito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN