Gladys Reyes excited to work with Superstar Nora Aunor for the first time

Ayon kay Gladys Reyes, ang pelikulang Felix Manalo ay hindi lamang para sa mga miyembro ng relihiyong Iglesia Ni Cristo (INC). Sabi ng aktres, “And makikita rin natin dito ang history ng ating bansa na mula sa pananakop ng mga Amerikano, siyempre andun din ang mga Hapon. Yung paano naka-survive [ang Pilipino] sa lahat ng ito.”


Malapit nang ipalabas sa GMA Network ang bagong teleseryeng kinabibilangan ni Gladys Reyes, ang Little Mommy.

Sobra raw siyang excited sa proyektong ito dahil makakasama niya rito ang Superstar na si Nora Aunor.

Sabi ni Gladys, “Yes, I’m so excited, I just can’t hide it!

"First, with Nora Aunor.

“Lagi akong excited even before, I’ve been expressing na rin na gusto ko talagang makatrabaho si Ate Guy.

“Hindi ko naman akalain... actually ina-anticipate ko sana pelikula, probably an indie film.

“Hindi ko akalain na sa teleserye ko pa siya makakasama.

"Kasi, alam mo naman si Ate Guy, medyo piling-pili kapag gumawa ng teleserye.

"Kaya sobrang blessed talaga ako na makatrabaho for the first time in a teleserye si Ate Guy."

Blessed to be working with the Superstar, Ms. Nora Aunor in a new teleserye soon on GMA primetime telebabad! #LittleMommy

A photo posted by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes) onOct 3, 2015 at 3:25am PDT

Bukod kina Gladys at Nora, makakasama rin sa Little Mommy sina Eddie Garcia, Bembol Roco, Keempee de Leon, Sunshine Dizon, at Kris Bernal.

Nai-imagine ba niya ang sarili na sasampalin ang Superstar sa isang eksena?

Natatawang sagot ni Gladys, “Aba, e, we can never tell, baka naman ako ang sasampalin ni Ate Guy... looking forward.

“Kapag sinampal ako ni Ate Guy sa kaliwang pisngi, ibibigay ko pa ang kanan.

“Kasi, di ba, parang feeling ko, sa dami ng inapi ko, sa dami ng nagalit sa akin, pakiramdam ko lang na kung masasampal ako ni Ate Guy feeling ko bawing-bawi na sila sa akin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gladys sa 30th anniversary party ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kagabi, October 5.

Ginanap ang party sa Luxent Hotel sa Quezon City kung saan isinabay na rin ang paglunsad ng commemorative book ng ahensiya.

Board member ng MTRCB si Gladys.

Read: MTRCB launches commemorative book in celebration of 30th anniversary



FELIX MANALO. Bukod kay Dennis Trillo, masayang-masaya rin si Gladys sa naitalang dalawang Guinness world records ng pelikulang Felix Manalo—ang Largest Attendance For A Film Screening at Largest Attendance For A Film Premiere.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May bilang na 43,624 katao ang nanood sa world premiere ng pelikula sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan, noong Linggo, October 4.

Read: Dennis Trillo thrilled at Felix Manalo’s two Guinness world records

Sabi ni Gladys, “Actually, karanasan yun nating lahat.

"Kasi siyempre, imagine, sa buong mundo, tayo ang nakapagpatala na ng pinakamaraming audience sa isang premiere night.

“So, siyempre overwhelming and sobrang thankful sa lahat ng mga nakipagkaisa, pumunta, at dumalo despite the bad weather.

“Dahil alam naman nating napakasama ng panahon, kasing sungit ng mga ginampanan ko sa teleserye ang panahon kahapon.”

Isa si Gladys sa may cameo role sa pelikulang may habang 2 oras at 40 minuto.

Sabi niya, “I’m one of the children of Ka Felix Manalo, medyo latter part na, kasi dying na siya.

"Alam mo namang lahat kami dito ay puro special participation, maliban lamang kay Bela [Padilla] and Dennis."

Bakit dapat panoorin ng mga kahit hindi miyembro ng INC ang Felix Manalo?

Sagot ni Gladys, “Well, una sa lahat, lalo na nga napapanahon...

"Alam mo naman ngayon, ang daming parang isyu, kontrobersiya ukol sa Iglesia Ni Cristo

“So, dito talaga malalaman nila ang pinagmulan.

"Ka Felix Manalo is our first executive minister, so yung struggles niya maipapakita.

“Hindi lang ito pelikula tungkol sa pananampalataya, this is also a very inspiring film.

“And makikita rin natin dito ang history ng ating bansa na mula sa pananakop ng mga Amerikano, siyempre nandun din ang mga Hapon.

"Yung paano naka-survive sa lahat ng ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN