Enchong Dee: "Pagtanda namin, di mo naman maalaala kung ano yung ratings ng show."



Kasama si Enchong Dee sa pelikulang Lila na ipapalabas sa 2nd edition ng Sinag Maynila Film Festival.

Pagmamalaki ni Enchong ay lumabas siya sa kanyang comfort zone upang gawin ang horror film na ito na malayo sa nakagawian niyang mga mainstream movies.

“Yung Sinag Maynila, yung pelikula naming Lila with Janine Gutierrez directed by Gino Santos, it’s a horror film na all the characters are problematic pero kailangang magtagpo namin sa isang lugar which is bahay. Dun mangyayari lahat ng pangyayari.

“Basta ang alam ko, di siya gagawin ng isang production na mainstream. It’s very dark and very bloody.”

Sa pagkakataong ito ay nagkaroon siya ng chance na maka-trabaho ang GMA-7 actress na si Janine Gutierrez.

(Read: Enchong Dee says about Lila co-star Janine Gutierrez: "Ang ganda ng working attitude niya.")


Sa kabila ng kumpirmado na magsasama sa isang pelikula sila Enchong at Kiray Celis sa ilalim ng produksyon ng Regal Films, marami ang nagtataka kung bakit bigla namahinga si Enchong sa paggawa ng mga teleserye at programa ng ABS-CBN.

Nang makapanayam ng PEP at Cinema News ang aktor sa nakaraang concert ni Kim titled Chinita Princess: The Funtasy Concert, nagbigay ng pahayag sa amin ang aktor na personal na desisyon niya ang pagla-lie low sa telebisyon pero ngayon ay handa na siyang bumalik at magpaka-aktibo muli.

“Actually it’s more of a personal decision. Una gusto kong mag-try out ng iba, for example gumawa ako ng album, nag-try akong mag-host. Gumawa din ako sa Sinag Maynila coz I wanna do something na hindi usual na ginagawa sa mainstream.

"Parang nag-isip ako ng ibang paraan kasi di ba nagsunod-sunod but of course I’m excited to go back and I know this quarter, I’ll be busy again.

“Pelikula and teleserye. Na-miss ko ang maglagare uli. Saka naalala ko dati, parang sawang-sawa na rin ang mga tao sa pagmumukha ko, e. Pagkatapos ng isang teleserye, tumawid sa isang teleserye, habang nagteteleserye gumawa ng isang pelikula. Parang nagbigay lang ako ng time para magpahinga.”

Pagbabahagi ni Enchong, sa kasagsagan ng pagiging busy niya noon ay naramdaman niya na unti-unting bumibigay ang katawan dahil napabayaan din niya ang kanyang kalusugan dahil sa sobra at sunod-sunod na pagtatrabaho.

“Importante din na alagaan mo ang kalusugan mo. Last year parang every month masama ang pakiramdam ko. So sabi ko this year, I’ll make sure to invest on my health.”

Isa si Enchong sa special guests ni Kim sa nakaraang concert nito. Ayon kay Enchong ay gusto niya na magkasama sila muli ng aktres sa isang proyekto.

“Oo naman. Sinabi ko ito actually sa isang gathering namin. Sabi ko, 'alam mo, Kim, it’s funny to grow old together. Ako, ikaw, si Maja, si Gerald.  It’s just a small industry for you to have conflict, disagreement, misunderstanding. So whatever we gonna go through while we're young, make sure we gonna surpass it para pagtanda natin, magkakasama pa rin kami.'

"Di ba kasi pagtanda namin, di mo naman maalaala kung ano yung ratings ng show, e, di mo maaalala kung ano ang lahat ng mga proyekto na ginawa mo, maaalala mo lahat ng kabutihan na ginawa mo sa production people at sa lahat ng mga nakasama mo.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN