Alden Richards-Maine Mendoza Kapuso teleserye is now confirmed!

IMAGE Noel Orsal

Kumpirmado na ang pagtatambal nina Alden Richards at Maine Mendoza sa isang teleserye, ayon sa isang GMA insider. Ito ang magsisilbing pagbabalik-teleserye ni Alden pagkatapos ng dalawang taon at ang una namang teleserye ni Maine.



Kumpirmado na ang pagbabalik-teleserye ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa GMA Network.

Ngunit taliwas sa napapabalitang siya ang gaganap sa karakter na Matteo Do sa Pinoy remake ng hit Koreanovela na My Love From The Star, katambal si Jennylyn Mercado bilang Steffi Cheon, ibang proyekto ang nakalatag para sa Kapuso actor.

Ayon sa isang GMA insider na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), makakasama ni Alden sa gagawin niyang teleserye ang kanyang ka-love team na si Maine Mendoza.

Sa isang panayam ay nabanggit na rin naman ni Alden na malaki ang posibilidad na magkasama sila ni Maine sa isang teleserye, pagkatapos ng matagumpay na solo movie project nilang Imagine You And Me.

Read: Alden Richards on doing teleserye with Maine Mendoza: 'It's in the works.'

Ito ang magsisilbing pagbabalik-teleserye ni Alden pagkatapos ng Ilustrado noong 2014, at ang una namang teleserye ni Maine.

Kaya paniguradong magbubunyi ang AlDub Nation sa magandang balita na ito.

Samantala, opisyal nang ilu-launch ang libro ni Alden na In My Own Words sa activity area ng Robinsons Galleria sa Linggo, August 14.


(Read: Jennylyn Mercado confirmed as Steffi in My Love From The Star)


(Read: 10 reasons why Jennylyn Mercado is perfect for My Love From The Star remake)





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN