Jake Ejercito gets teased by Alex Gonzaga; Claudine, Maricel grace Star Awards 2016

IMAGE Allan Sancon



Ang ilan sa mga biggest names sa showbiz ang dumalo sa M-TV Awards (8th Star Awards for Music Pays Tribute to the 30th Star Awards for Television).

Ito ang unang beses na pinagsabay ng Philippine Movie Press Club ang kanilang awards night para sa Music at Television na ginanap sa Novotel Manila, Araneta Quezon City noong October 23, 2016.

(To view complete list of winners, click: Jennylyn shares stage with ex-boyfriend Luis at 2016 Star Awards for TV and Music)


Ang recipients ng German Moreno Power Tandem Award ay sina Kim Chiu at Xian Lim.





Si Maricel Soriano ang recipient ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award this year.

Si Yassi Pressman ang nagbigay ng kanyang Tribute Dance para kay Maricel Soriano bago iginawad ang kanyang Ading Fernando Lifetime Achievement Award.

Sinayaw nya ang mga pinasikat na sayaw ni Maricel tulad ng Body Dancer, Rico Mambo at I am What I am.





Sinundo ni Yassi si Maricel sa kanyang upuan at pinasayaw din nito ng I Am What I Am.





Ayon kay Maricel, sa kanyang 45 years sa showbiz ay hindi niya akalain na makakatanggap siya ng ganitong award. Maraming mga bago sa industriya na napapaiyak din daw siya dahil sa galing ng mga ito. Binanggit nya sina Jodi Sta. Maria at Julia Montes na napapanuod niya.







Ang Excellence in Broadcasting Achievement Award ay napunta kay Luchi Cruz Valdez.





Isa sa mga pinagusapan sa gabing iyon ay ang acceptance speech ni Jake Ejercito na naka-tie si Simon "Onyok" Pineda sa category na Best New Male TV Personality.

Itinanghal si Jake Ejercito bilang Best New Male TV Personality para sa Lenten special na God Gave Me You kasama sina Alden Richards at Maine Mendoza. Sabi ni Jake sa kanyang acceptance speech na "I would like to dedicate this award to my one and only inspiration Ellie."





Katabi ni Jake Ejercito sa upuan ang kanyang inang si Laarni Enriquez.





Kasama nina Kim at Alex si Jake Ejercito sa pag-present ng isang award.




Niloko ni Alex Gonzaga si Jake Ejercito nang sabihin niya, “Balita ko mahilig ka daw sa babaeng ang pangalan sa letter 'A.' Hi! I’m Alex.” Nag shake hands ang dalawa onstage.

Tumingin si Alex kay Kim at sinabi, "Pano yan Kim di ka na pwede.” Sabi ni Kim, “Oo nga, walang letter “A” ang name ko."




Nanalo sina Kim, Robi at Luis bilang Best Talent Search Program Host para sa The Voice Kids.

Sinabi ni Luis na, “Kung sakaling manalo kaming tatlo ngayong gabi bilang Best Host, ibibigay namin ni Robi ang nag-iisang award na it okay Kim Chiu, dahil first hosting award niya ito.” Naiyak naman si Kim na ini-abot sa kanya ang award nilang tatlo.






Nanalo bilang Best Game Show Host (Kapamilya Deal or No Deal)  at Best Male TV Host (ASAP)  si Luis Manzano.





Itinanghal bilang Male and Female Star of the Night sina Arjo Atayde, Yassi Pressman, Ria Atayde at Luis Manzano.






Si Claudine Barreto naman ang nanalo ng award for Best Single Performance By An Actress para sa "Itak" episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK).





First award naman ni Ria Atayde ang Best New Female TV Personality para sa kanyang pagganap sa "Puno Ng Mangga" episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK).






Si Sunshine Dizon, sinama ang kanyang anak si Antonio sa pagtanggap ng kanyang award ng Best Drama Supporting Actress para sa Little Nanay.











ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN