Destined To Be Yours: What We Know About AlDub's First Teleserye

IMAGE Manny and April Photography

Alden Richards and Maine Mendoza are set to tape next week for their first teleserye, Destined To Be Yours.


Destined To Be Yours ang kumpirmadong pamagat ng primetime teleserye nina Alden Richards at Maine Mendoza sa GMA Network.

Nag-storycon na sila para sa nasabing programa noong Lunes ng hapon, December 12, pero hangga’t maaari ay iniiwasan nilang maglabas ng mga detalye tungkol dito.

Read: Alden Richards and Maine Mendoza attend storycon for first teleserye Destined To Be Yours

Pinakiusapan ang mga involved sa show na huwag munang magsi-share ng info at kung puwede ay confidential muna ang project.

Kaya kahit yung ilang photos na lumabas sa social media, na kuha sa naganap na storycon, ay walang title at wala ring hashtag.

Hintayin na lang daw ang airing ng omnibus plug ng GMA-7 sa Biyernes, December 16, kung saan ipapakita ang upcoming Kapuso shows for 2017.

SMALL DETAILS. Sa pagtatanung-tanong ng PEP ay nakakalap kami ng ilang important details tungkol sa inaabangang AlDub teleserye.

Napag-alaman naming next week na ang simula ng taping nina Alden at Maine para sa kanilang very first TV series.

Ang protégé ni Bb. Joyce Bernal na si Irene Villamor ang magdidirek ng Destined to Be Yours.

Si Direk Irene, na dating assistant director ni Bb. Joyce, ang nagdirehe ng hit chick flick ng Viva Films na Camp Sawi starring Andi Eigenmann, Arci Munoz, Bela Padilla, Yassi Pressman, and Kim Molina. 

Ayon sa reliable source ng PEP, young architect ang role ni Alden sa Destined To Be Yours, na magtatayo ng isang building project sa probinsiya.

Doon papasok ang conflict sa story dahil kokontrahin ito ng karakter ni Maine, who loves her little town at may pagka-environmentalist ang dating.

Benjie ang name ni Alden at Luningning ang name ni Maine.

Classic rich boy meets poor girl pa rin ang kuwento, na si Meng ay isang probinsiyana, kaya somewhere in Quezon province ang kanilang location.

From what we heard ay isang hardworking girl si Luningning na kung anu-anong trabaho ang pinapasok. Isa siyang radio DJ, among other things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GOODBYE EAT BULAGA? Kapag nag-start na ang AlDub ng kanilang three-times-a-week taping ng Destined To Be Yours ay malamang hindi muna sila mapanood sa Eat Bulaga.

Kunsabagay, nawala rin naman ang dalawa nang mag-shoot sila ng movie nilang Imagine You & Me sa Italy kaya hindi na bago iyon.

Posibleng kapag nakapag-adjust na sila sa taping sked nila ay makapag-EB ulit sina Alden at Maine.

O baka puwede ring magawan ng paraan na kung hindi man every other day ay present sila sa show tuwing Saturday.

Next level na ang phenomenal Kalyeserye loveteam sa nasabing Kapuso primetime series, na first quarter of 2017 ang target airing, pero hindi pa raw sure kung Encantadia ang papalitan nito.

RUMORED CAST MEMBERS. Confidential man ang mga artistang makakasama sa Destined To Be Yours ay nakakuha pa rin ang PEP ng info tungkol dito.

Pasok sa cast nito ang nagbabalik-Kapuso na si Janice de Belen, na gaganap bilang ina ni Maine. Si Gardo Versoza naman ang tatay ni Meng.

Ang gaganap na mother ni Alden ay si Lotlot de Leon. Lola naman niya si Boots Anson-Rodrigo.

Si Ina Feleo ay young aunt ni Alden na katulad niya ay isa ring arkitekto.

Si Sheena Halili ang magiging best friend ni Maine, habang ang baguhang si Koreen Medina ang gaganap bilang rich girl na may gusto kay Alden.

Sa mga maku-curious kay Koreen, na magiging karibal ni Maine kay Alden, ang Kapuso newcomer ay kasama sa Final 14 ng StarStruck Season 6.

Ang 21-year-old na si Andrea Koreen Garcia Medina ay nanalong Mutya ng Pilipinas Asia-Pacific International (Intercontinental) nung 2013 at nag-3rd runner-up nang lumaban ito sa Miss Intercontinental 2013 sa Magdeburg, Germany.

Kasama nina Alden at Maine sa Christmas Special ng GMA na ipapalabas this coming Sunday, December 18.

Doon nila pormal na ia-announce ang tungkol sa kanilang much-awaited teleserye na Destined to Be Yours.



Stories We Are Tracking

Alden, Maine attend storycon of Destined To Be Yours
Alden, Maine attend storycon of Destined To Be Yours



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN