Gabby Eigenmann admits missing playing bida role: "May susunod pa kayang ganun? Nakaka-miss."

IMAGE File

Coming from a successful afternoon show as a lead star, Gabby Eigenmann has been getting supporting roles lately. Does he mind? "I'm just doing my job. When I'm hired to do a project or to portray a certain character, I'm just here. Trabaho 'yan, I'm happy na naiisip nila ako, naiisip nila akong gawan ng character," he says.


Mabilis na “siyempre” ang tugon ni Gabby Eigenmann sa tanong kung nami-miss ba nito ang maging bida.

Ang una’t huling pagbibida niya sa teleserye ay ang Dading (2014), isa maituturing na pinakamatagumpay na panghapong teleserye ng GMA Network.

Dahil sa kanyang pagganap dito ay nanalo si Gabby bilang Teleserye Actor of the Year sa The PEP LIST Year 2.

Read: Gabby Eigenmann wins Teleserye Actor of the Year at The PEP List Year 2
 
Bakit hindi siya mag-request sa GMA-7 na magbida ulit sa isang teleserye?
 
“Wala akong power!” natawang sabi ng 39-year-old actor.
 
Pero ayon kay Gabby, “Along the way, siyempre sa industriya, naiisip mo na you’re not getting any younger. 

“May susunod pa kayang ganun? Nakaka-miss.

"But when you look back, masaya.

“At least I did something na tumatak sa tao, na up to this day, they think that I’m gay.
 
“Actually, sabi ko nga, yung ginawa kong My Love from the Star, that’s already a heavy villain role.

“Panghilamos din yun, kasi I’ve done na so many gray characters.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa set visit ng Alyas Robin Hood noong September 28, sa Boystown, Marikina.

FRESH START. Ngayon ay napapanood si Gabby sa Kapuso primetime series na Alyas Robin Hood, na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Hindi pa raw alam ni Gabby kung ang karakter na ginagampanan niya rito bilang isang doktor ay magtatagal o bilang guest lang.

“Siyempre, ang mindset ko, guest lang, parang audition ‘to, e.

“Kung maganda ang feedback sa mga manonood, panibagong character na papasok.

“Hindi lang naman ako, may mga bagong character din na papasok.
 
“Kung gaano katagal ito, sana umabot ako hanggang dulo.”
 
Ang madalas na nangyayari kay Gabby ay ipinapasok siya kapag ongoing na ang isang teleserye.
 
Komento niya, “Of course, anyone would want to have a fresh start, like, sa simula gusto mo, nandoon ka na agad. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ito, since the year’s ending, katatapos lang ng My Love from the Star, it’s an opportunity for me.
 
“Siyempre, iniisip ko, anong next, di ba? Patapos na yung taon.”
 
Okey lang sa kanyang madalas ay hindi siya kasama sa orihinal na cast ng isang teleserye?
 
Tugon ni Gabby, “Kung ako ang tatanungin, of course, I’m just doing my job.

“When I’m hired to do a project or to portray a certain character, I’m just here. 

“Yun nga, it’s nice to have a fresh project na sa umpisa, nandoon ka.
 
“I’m not naman saying na ayoko ng ipinapasok lang ako, hindi.

“Trabaho 'yan, I’m happy na naiisip nila ako, naiisip nila akong gawan ng character.
 
“Hindi pa alam kung good or bad ako dito [sa Alyas Robin Hood], which is okay, I can play around.”

LUCKY CHARM. Parang may imahe si Gabby na kapag kasama siya sa cast, mataas ang rating ng kinabibilangan niyang programa.

Lucky charm nga ba siya?
 
“Naku, ayokong mag-ano, pressure naman ‘yan,” sabi niya.
 
“Niloloko ko sila Direk [Dominic Zapata], 'I’ve been here, kung anuman ang katapat ng show na ito, na-experience ko na sa dati kong show.'

“So, iba yung feeling na manalo ka sa rating… it’s a healthy competition.

“Of course, we want to come up with a good show.
 
“Hindi ako magbubuhat ng sariling bangko, at the end of the day, it’s a team effort. 

“Natutuwa ako na naiisip nila ako, pinakaimportante sa akin na they’re thinking of me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN