Gabby Eigenmann wins Teleserye Actor of the Year at The PEP List Year 2

Gabby Eigenmann dedicates his Teleserye Actor of the Year trophy to his late dad, Mark Gil: "How I wish that he were here, iba e… I feel like I am really part of the Eigenmann, naks!”


Ang Kapuso actor na si Gabby Eigenmann ang itinanghal na Editors' Choice for Teleserye Actor of the Year sa The PEP List Year 2.

Ito ay para sa pagganap niya bilang bading na nag-aruga ng isang bata sa GMA afternoon series na Dading.

Ginanap ang awards night, Huwebes, June 18, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino.

Ang mga naging kalaban ni Gabby sa naturang kategorya ay sina Dennis Trillo at Rocco Nacino para sa Hiram na Alaala; Coco Martin sa Ikaw Lamang; Jericho Rosales sa The Legal Wife, at Dingdong Dantes sa Ang Dalawang Mrs. Real.

Bulalas ni Gabby, “Nagulat ako, sabi nga mabigat ang trophy, hindi nila akalain, mabigat din ang mga co-nominees.

“Ma-nominate lang, okey na.

“Pero siyempre, hindi mo maiiwasan… tinatanong nga sa akin, nag-e-expect ba ko?

“When you expect, frustration comes next.

“So, better that you just play along, tanggapin mo lang na ganun.

“Kung manalo, thank you. Kung hindi, thank you pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But I was really surprised."

Nang napanalunan nga niya ang Teleserye Actor of the Year award, sa kaba niya nang tawagin ang kanyang pangalan, marami raw siyang nakalimutang sabihin sa acceptance speech niya.


UNBIASED. Ilang oras bago ang The PEP List Year 2, naka-text ng writer na ito si Gabby at sinabi nitong kinakabahan siya.

“Yun nga, sabi nga, hindi mo maiiwasang nag-e-expect ka… kahit paano, may konti.

“Kaya ako kinabahan noong tinext kita, kinabahan na ‘eto na naman, napansin ako ulit.

“Siyempre, nandoon yung sana ma-recognize ang effort ko.

“Kasi, at the end of the day, sabi ko nga, yung passion, hindi mawawala.

“You’ll always strive to do the best in everything.

“Kapag hindi nila napansin, ibig sabihin, you’re not doing the best, parang ganun, ha.

“Pero ngayon na may proof, natutuwa ako… hindi naging biased ang editors.

“I think they were fair enough pagdating sa deliberating.

“Sabi ko nga, hindi madali ang pagganap ko ng bading.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You always have to strive for the right emotion.”

Ang The PEP List ang kauna-unahang nagkaloob sa kanya ng acting award para sa ginawa niyang teleserye na Dading.

Umaasa ba siyang makatanggap muli ng tropeyo sa iba pang award-giving bodies para rito?

Sagot ni Gabby, “Kung pagpapalain, okey lang. Kung hindi, okey lang din. Kung mapansin, okey.”

Gaano ba kahalaga sa kanya ang natanggap na tropeyo?

“Mahalaga, in a way hard work paid off. Yun lang naman yun.

“Yung pinaghirapan mo ay nagbubunga ng isang rekognisyon.

“Ayoko namang isipin ng tao na lahat ng tinatrabaho ko ay para manalo or para magkaroon ng award, hindi.

“Ginagawa ko lang ang best na makakaya ko.

“It’s always an icing on the cake kapag nananalo,” saad niya.


GOOD EXAMPLE. Palagi ngang nasasabi na isa si Gabby sa magandang ehemplo ng mga artista.

Kung may talento ka talaga, kahit na taon na ang binilang, mapapansin ka pa rin at mabibigyan ng mas magagandang pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Gabby, “Sabi ko nga, success is awarded to those who are patient.

“Siyempre noong una, nandoon ang frustration na, 'Why just now? I’m not getting any younger.'

“But at the end of the day, yun ang sinasabi ko na it’s never too late.

“Lahat ng pinaghirapan ko noon, the day when I started in the industry.

"I may have done mistakes, naging petiks ako, naging wala lang.

“Pero noong nahanap ko talaga, parang dito talaga where I’m supposed to be good at.

“So passion came in, to strive to be better.

“Pumasok siya at the right time rin siguro… I’m not getting old but getting wiser.”


NAKS! Maaaring sabihin na napatunayan na talaga ni Gabby ang pagiging Eigenmann, dahil katulad ng pumanaw niyang ama na si Mark Gil at iba pa niyang mga kamag-anak ay ilang acting trophies na rin ang hawak niya at napanalunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang The PEP List award nga niya ay gusto raw sana niyang iregalo sa daddy niya ngayong Father’s Day.

“Gusto ko sanang i-dedicate sa kanya as Father’s Day gift.

“How I wish that he were here, iba e…

"Yung sinasabing Teleserye Actor of the Year, malaking title ito.

“Parang nagbigay-importansiya sa akin dito sa industriya.

“Well, sabi ko nga, a trophy is always an icing.

"But the nomination itself makes you feel like you’re noticed, e. Napapansin ka.

"So, doon pa lang, alam ko na marami na akong nagagawang tama dito sa industriya.

“Hindi man kasing-dami sa ibang kamag-anak ko... I feel like I was vindicated, naks!

“I feel like I am really part of the Eigenmann, naks!” natawa niyang sabi.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close