Kisses Delavin on why she's not sad over end of love team with Marco Gallo

IMAGE Allan Sancon

Kisses Delavin on the end of her teamup with Marco Gallo: "I am so much happier than when the love team was going on."


Pagkalabas ng Pinoy Big Brother house nina Maymay Entrata, Edward Barber, Kisses Delavin, at Marco Gallo ay sunud-sunod na ang proyekto nilang apat.

Nabuo ang MayWard love team at KissMarc love team na tinangkilik ng mga fans.

Pero nagulat na lang ang netizens nang maghiwalay ang KissMarc love team sa hindi alam na dahilan.

Sa Sunpiology Run na ginanap sa Camp Aguinaldo, Quezon City, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kisses Delavin tungkol sa tunay na nangyari sa paghihiwalay ng love team nila ni Marco Gallo.

Kisses: “I just to say na sorry sa lahat ng mga supporters namin na nalungkot, pero I’m very happy to see na, ang dami rin na supporters na na-realize nila na, things like that, happened, but they keep on supporting who they want to support. So, I’m thankful for that. On the other hand, dun sa mga hindi, ipe-pray ko na lang na sana they find peace and happiness in other things.

“Pero I just want to clear up na I’m very much okay.”

Are you friends with Marco now, after what happened?

Kisses: “No! But I also don’t dislike him. It just that, it's healthier this way!”

What is the reason kung bakit hindi nag-click yung KissMarc love team? Ano yung naging mali at ano yung naging hindi tama sa relationship ninyo?

Kisses: “I don’t think it’s the right term na hindi nag-'click' kasi both fandoms, we really worked hard, so, it’s the same level of support. It’s just that hindi kami nag-jive. It’s not healthy.

"Pero when it comes to support, it’s the same, kasi nakita ko kung gaano kalakas yung support. I understand if you don’t see that much, but I have witnessed that myself.”

Is it your choice na magkaroon ng ibang love team or do you want to go solo na lang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kisses: “Well, I don’t have a love team yet, kasi when you say love team, nagkaroon na kayo ng soap, e, nagkaroon na kayo ng movie. And as of now, wala naman pa akong movie pa at teleserye kaya I’m solo right now.”

Kung may choice ka ba, gusto mo ba ng may bagong love team or mag-solo na lang? O kinakabahan ka ba na baka pag nag solo ka ay di ka tangkilikin kasi mas nakilala kayo as KissMarc before?

Kisses: “Solo po ako ngayon, as like what I said before na, I chose a solo path but I’m very open sa projects. Maybe soon! I have this upcoming project at dun masasagot yung mga questions niyo.”

Nalungkot ka ba sa nangyari sa inyo ni Marco?

Kisses: “Nalungkot? Hindi po ako nalungkot, kasi I think na, I am so much happier than when the love team was going on. It’s the opposite.”

Maraming netizens ang nagsasabi na buti pa ang MayWard love team matatag samantalang ang KissMarc love team ay nabuwag na? Naapektuhan ka ba sa mga nagsasabi na ganun?

Kisses: “Hindi naman! Kasi si Lord lang ang may alam ng lahat ng nangyayari.”

Pero kung sakali ba soon at may chance na magkatrabaho kayo uli ni Marco, is it still okay with you na makatrabaho siya uli?

Kisses: “No! No! No! I wish him well but no!”

Ngayon ay abala si Kisses sa kanyang upcoming solo concert at very hands-on daw siya sa production para sa concert.


(Read: What caused the breakup of KissMarc love team?)




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN