What caused the breakup of KissMarc love team?

IMAGE Instagram photo of Marco Gallo

Kisses Delavin formally announces breakup love team with Marco Gallo: "We're no longer a pair."


Ano ang dahilan ng biglaang pagtatapos ng love team nina Kisses Delavin at Marco Gallo o KissMarc?

Kinumpirma mismo ni Kisses na hindi na sila magka-love team ni Marco sa panayam ng Push, matapos niyang pumirma ng kontrata sa Star Music noong October 25.

Sabi ni Kisses: "We're no longer a pair, pero I want to thank everybody who supported us ever since."

A post shared by Star Music (@starmusicph) on

Ipinagtaka naman ito ng netizens at maging ng mga tagahanga nila, lalo pa't bago pa lang ang kanilang tambalan.

Nagsimula ang KissMarc loveteam pagkatapos ng Pinoy Big Brother Lucky 7, kung saan naging teen housemates sila.

Napanood din sina Kisses, 16, at Marco, 18, kamakailan sa launching movie nina Maymay Entrata at Edward Barber na Loving In Tandem.

Ayon sa ilang netizens, posibleng ang dahilan ng pagkabuwag ng KissMarc loveteam ay ang insidenteng nangyari sa guest appearance ng dalawa sa Kapamilya Chat noong October 13.

Deleted na ang video ng usapan ng dalawa sa Kapamilya Chat, ngunit may ilang nakapag-record nito at in-upload sa social media.

Nagsimula ang tensiyon sa pagitan ng dalawa nang tanungin ni Marco si Kisses kung may problema ba sa pagitan nila.

Hindi naman ito direktang sinagot ng dalaga.

Narito ang transcript ng kanilang usapan:

Marco: "So, okay ba tayo? May problema ba tayo?"

Kisses: "Ikaw ang tatanungin ko, okay ba tayo?"

Marco: "Bakit hindi ikaw ang sumagot?"

Kisses: "Sasabihin ko? Dito? Gusto mo?

Marco: "Oo nga."

Kisses: "Naaawa ako, e. God bless na lang."

Sa pagpapatuloy ng kanilang pag-uusap, mapapansing tila nagkaroon ng di pagkakaunawaan sa pagitan ni Marco at ng mga magulang ni Kisses.

Marco: "Hindi ko alam bakit ganito tayo, e. Bakit nga?"

Kisses: "Bakit hindi ka nag-hi sa parents ko?"

Marco: "Bakit di mo ko pinapansin?"

Kisses: "Bakit di mo pinapansin magulang ko?"

Marco: "Alam mo naman..."

Kisses: "Importante sa akin magulang ko."

Minsan na ring nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Kisses at Marco sa loob ng Bahay Ni Kuya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa press conference ng Loving In Tandem noong September 3, nangako si Marco kay Kisses na babawi siya sa kung anuman ang naging pagkukulang niya.

Dahil nagkaayos na sila ni Kisses, sabi ni Marco, “Gusto ko lang sabihin na to all the months we've been together, I worked hard to earn the trust ng mga magulang niya.”


Stories We Are Tracking

Marco Gallo vows to be defender of Kisses Delavin
Marco Gallo vows to be defender of Kisses Delavin
Kisses Delavin wants to see consistency from Marco Gallo
Kisses Delavin wants to see consistency from Marco Gallo

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag na nais iparating nina Kisses at Marco tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN