Maris Racal defends controversial MMK episode

Maris Racal on criticism received for her portrayal of "Titibo-Tibo" songwriter in MMK: "Di nila alam yung pinagdaanan nung bida."


Tumanggap ng kabi-kabilang pambabatikos at pambabash sina Libertine "Tin" Amistoso, Moira Dela Torre, at Maris Racal dahil sa "Ukelele" episode ng Maalaala Mo Kaya, na ipinalabas noong nakaraang Sabado, June 16.

Ang kuwento ng episode ay hango sa life story ni Tin, ang composer ng kantang "Titibo-tibo," na nanalo ng grand prize sa Himig Handog 2017 competition at kinanta naman ni Moira. 

Si Maris ang gumanap na Tin sa nasabing palabas.

Marami ang kabilang sa LGBTQ community ang nagpahayag sa social media ng pagkadismaya at galit na ang naging dating daw ng kanta at inikutan ng istorya ay parang isang guwapong lalake lang ang daan para magbago ang isang lesbiyana.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Maris noong Linggo, June 17, isang araw matapos ang pag-ere ng nasabing MMK episode. 

Ani Maris, may kani-kaniyang pangyayari sa buhay ng bawat tao na kailangang irespeto ng bawat isa. 

Kuwento ni Maris ukol sa nangyaring pagkundena, “Nagulat ako siyempre, di ko inexpect.

"Light yung story, akala ko magkakaroon siya ng support, na-bash pa tuloy siya. Di nila kasi alam yung depth nung story, it’s about a girl na very confused sa nangyayari sa buhay niya.

"Di nila alam yung pinagdaanan nung bida."

Kuwento pa ni Maris, mas nasaktan siya para kay Tin.

Aniya, “Nalungkot ako for Tin kasi buhay naman niya yun. Ang sama lang na parang dyine-generelize ng mga tao yung nangyari sa kanya, e, di naman yun yung kabuuan ng lahat.

"Isa siyang story na iba."

Sa naturang episode ay tinalakay ang paglaki ni Tin bilang isang tiboo lesbian, na nagkakagusto sa mga babae at nagkakaroon pa ng girlfriends. Kalaaunan, nagkagusto rin siya sa mga lalaki, at napagtanto nitong siya ay isang bisexual.


Stories We Are Tracking

COMMENTARY: What <em>MMK</em> did right in Maris Racal's
COMMENTARY: What MMK did right in Maris Racal's "Ukelele"

Sang-ayon naman si Maris na maselan ang topic ng kanyang MMK episode, ngunit muli nitong diniin na may kanya-kanyang storya at pinagdadaanan ang bawat tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga sensitive issues talaga," sabi niya.

"Sa akin lang naman, sa akin, sana mag-focus ang tao na may mga ibang tao talaga na may magpapa-happy sa kanila.

"What if ganito siya, ang magpa-happy sa kanya ay ganito, why not?

"Ang importante masaya, di naman yun in general. Iba, unique naman yun istorya ni Tin Amistoso. Wag na lang tayong mag-judge."

Para nga sa aktres, ang dapat i-promote ng mga tao, anuman ang sexual preference nila, ay ang pagmamahalan.

Aniya, “Sa akin lang naman paniwalaan natin ang pinaniniwalaan natin.

"Mas mag-promote tayo ng love sa bawat tao. Sa LGBTQ, at sa mga di kasama sa family na yun, kailangan lang naman ng pag-ibig para mas masaya ang mundo."

Sa kabila naman ng natanggap na negatibong reaksyon, nagpapasalamat pa rin si Maris na maraming nanood ng kanyang MMK episode.

“Mixed emotions, kasi before pa siya inere nagkaroon siya ng maraming comments na negative.

“Somehow happy ako na na-ere yun, kasi nagkaroon ng opportunity ang songwriter na i-express ang sarili niya kung bakit niya naisulat yung kantang yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN