Alden Richards says he and Maine Mendoza are in the "exploration stage"

IMAGE @eatbulaga1979 on Instagram

Alden Richards on AlDub love team with Maine Mendoza: "Nakakatuwa po na ang dami na rin naming supporters ni Maine na open-minded and vice-versa. This industry is very volatile. Minsan, iba-iba ang makaka-partner."

 


Ipinapakita pa lamang noon ang teaser ng kasalukuyang primetime series ng GMA-7 na Victor Magtanggol ay may mga naging bashers na ito. May mga kung ano-anong pangba-bash na ibinato sa programa, pero ngayon, tila napatunayan nila na walang basehan ang mga ibinabatong pangba-bash sa kanila.

Mas marami ngayon ang mga positibong komento sa family drama/fantaserye na pinagbibidahan nga ng Pambansang Bae na si Alden Richards.

“Yes po, nakakatuwa po na na-appreciate na po ng mga nangba-bash before ang Victor Magtanggol,” nakangiting pagsang-ayon naman ni Alden.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa ginanap na mediacon para sa kanyang Adrenaline Rush concert noong August 30 sa GEMPC Building. Ang concert ni Alden ay gaganapin sa September 21 sa KIA Theater.

Ayon pa kay Alden, “Naging parang real test po na dapat binibigyan natin ng chance before we judge.

“So, yun po ang nangyari sa Victor Magtanggol. Pinanood nila. Inuna po kasi ang mga comments, that’s what happened po, pero later on, bigla pong gumanda ang mga feedback and that’s what really matters to us.”

May lumabas na nag-like si Alden sa isang Instagram post ni Coco Martin, ang bida ng katapat nilang teleserye, ang Ang Probinsyano. Maging si Janine Gutierrez ay nag-post ng emoji sa meme na pabirong pinakita na ang ending ng Ang Probinsyano ay magtatapos sa taong 2048.

Marami ang natuwa sa naging gesture niya na yun dahil naipapakita raw nila na ang lahat, healthy competition pa rin talaga.

Ani Alden, “Ay opo, si Coco rin po, nagla-like rin po sa mga post namin sa show namin. No bad blood naman po, trabaho lang naman po.”



Stories We Are Tracking

Alden, Janine react to <em>Ang Probinsyano</em>'s supposed ending
Alden, Janine react to Ang Probinsyano's supposed ending

Maaaring hindi nauungusan ng Victor Magtanggol ang katapat na teleserye sa rating, pero masaya raw ang Kapuso network sa naitatalang rating ng Victor Magtanggol. Aniya, sa timeslot nito, ito lang ang nakakapag-rate ng ganoon kataas sa ngayon at pinaka-mataas din among the prime-time shows ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakarating ba sa kanya yung mga ganung feedback?

“Yes po, yes po, nakakarating naman po,” masayang sabi ng Kapuso actor.

“Isa rin po yun at yung mga bata, yung mga ganyang feedback, sa set, yung mga ka-trabaho ko po, yun po ang mga isinasaalang-alang ko po na makapag-trabaho ng maayos kahit mahirap siya.”

Masaya si Alden sa lahat ng nangyayari ngayon sa Victor Magtanggol at lalo na raw sa nakikita niyang epekto nito sa mga nanonoood, lalo na sa mga bata.

“Masaya po talaga, hindi ko po ine-expect na magiging ganun kalaki ang part ng Victor Magtanggol sa every day lives ng mga bata. May nagku-costume, may umiiyak kapag nawawalan ng kuryente.

“Tapos po, hanggang sa one-year-old kid, nandoon po ang effect niya.”

At ito raw ang nagiging energy booster niyang talaga.

“Yun po talaga, yun po ang nagpu-fuel up sa akin kasi po minsan, very tiring ang shooting days namin. Pero minsan, iisipin mo na lang ang mga umaasang manonood, yung mga bata na hindi worth it na sukuan sila.”

Nakakaragdag pa raw ng kasiyahan niya tuwing may mga regional shows sila para sa Victor Magtanggol at talagang doon daw nila nakikita ang positibo at epekto ng teleserye nila hanggang sa malalayong probinsiya.

“Kapag nakita niyo rin po kasi—iba po talaga kapag mga malls shows, pinupuntahan, big deal po sa amin yun. Nakakawala po ng pagod, sulit, sobra.”

Kinamusta rin namin si Alden sa mga co-stars niya, partikular na ang dalawang Kapuso stars na sina Janine Gutierrez at Andrea Torres.

Ayon kay Alden, “Napaka-professional po, sobrang professional katrabaho at napakagaan katrabaho.

“Masaya po ako na nabigyan kami ng chance to work with each other.”

Napi-play-up na rin ang love angle sa pagitan ng karakter niya at karakter ni Janine. May ilang hindi pa rin maiwasan na mang-bash sa Kapuso young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-uusapan nila yun o hindi na sila naapektuhan?

“Well, para hindi na rin po maging big deal, hindi na lang din po namin pinag-uusapan sa set.

“Ang motivation na lang po talaga namin is makapag-trabaho, magawa yung mga eksena na mabuti. Huwag na lang naming isipin ang mga taong naninira kasi, marami po silang time, e.

“Kami, busy po kami. Focus na lang po kami sa work,” natawa niyang sabi.


ON ALDUB LOVE TEAM WITH MAINE.

Mas tanggap na ba ngayon ng AlDub fans nila ni Maine Mendoza na puwede na rin silang ipareha sa iba? Si Maine naman, makakapareha naman si Coco Martin sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na Jack Em Popoy.

“Nakakatuwa po na ang dami na rin naming supporters ni Maine na open-minded and vice-versa. This industry is very volatile.

“Minsan, iba-iba ang makaka-partner.

“Pero hangga’t walang nagsasabi na tapos ang isang bagay, hindi matatapos yun. Sa ngayon po, we’re on exploration stage, kaming dalawa ni Maine.”

At dahil din sa Victor Magtanggol, napatunayan din nila na kaya rin naman palang tanggapin na may iba silang mga kasama o kapareha?

“Yes po, kaya rin naman and siguro po, kung ako rin naman, ilalagay ko ang sarili ko sa shoes nila na may sobra silang sinusuportahang tandem o ina-idolize, siyempre ako, being a die-hard fan, siyempre ako, gusto ko rin na yung sinusuportahan ko ang mag-pair-up sa isang project.

“Pero ang dami na rin pong nagiging open-minded with everything that’s happening now. Nakakatuwa...”

Dugtong pa niya, “Yun naman po talaga ang showbiz.

“Kailangan lang din nating maging open-minded.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN