Paolo Bediones saddened by the end of "S-Files"

by Jojo Gabinete
Apr 2, 2007
TV host Paolo Bediones has been with the Sunday showbiz-oriented talk show S-Files for eight years. On April 8, Paolo and his co-hosts would have to say goodbye to the show.

Hindi itinatanggi ni Paolo Bediones na nalulungkot siya sa nalalapit na pamamaalam sa telebisyon ng S-Files. Naging bahagi ng buhay ni Paolo ang S-Files sa loob ng walong taon.



Hindi naitago ni Paolo ang lungkot na nararamdaman dahil mahal niya ang show at ang production staff ng S-Files.



Pormal na magpapapalam sa April 8 ang S-Files at papalitan ito ng bagong showbiz-oriented talk show, ang Showbiz Central.



Isang game show ang ibibigay ng GMA-7 kay Paolo kapalit ng S-Files at mapapanood din ito tuwing araw ng Linggo. Kung isasali pa siya sa Showbiz Central, magiging tatlo na ang Sunday shows ni Paolo bukod sa kanyang game show at ang Pinoy Meets World.


Ngayong mawawala na ang S-Files, iniisip ni Paolo na maging bahagi ng Unang Hirit. Hindi bago kay Paolo ang mga early morning shows dahil mainstay siya ng isang programa na pang-umaga noong nag-uumpisa ang kanyang television career, ang mornings@gma.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Paolo Bediones, Showbiz Central
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host Paolo Bediones has been with the Sunday showbiz-oriented talk show S-Files for eight years. On April 8, Paolo and his co-hosts would have to say goodbye to the show.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results