TV Patrol honored as nominee in the 2011 International Emmy Awards


TV Patrol is anchored by (L-R) Noli de Castro, Korina Sanchez and Ted Failon. Senior Vice President for News and Current Affairs Regina Reyes (not in photo) represented ABS-CBN’s primetime newscast program during the medal ceremony held in Manhattan, New York.


Noong Agosto, naibalita na nominated ang TV Patrol sa news category ng International Emmy Awards.


Nakalaban ng Pilipinas ang tatlo pang bansa. Ito ay ang mga sumusunod: Brazil’s Jornal Nacional: "War on Drugs," Iceland’s RUV News: "Volcano Eruption at Eyjafjallajokull" and the United Kingdom’s SkyNews Live at Five: "Inside the Taliban."


(CLICK HERE to read related article)

Ang nanalo sa news category ay ang entry mula sa Brazil na tungkol sa mga security forces na lumusob sa isang drug den sa loob ng apat na araw.


Ang lahat ng mga nominees para sa taong ito ay binigyan ng medal at certificate of nomination.


Ayon sa report ni Don Tagala sa TV Patrol kagabi, Setyembre 27, naganap ang naturang ceremony sa Harry Cipriani restaurant sa Manhattan, New York.

Tinanggap ni Regina Reyes, Senior Vice President for News and Current Affairs, ang medalya at certificate of nomination ng news program na TV Patrol para sa 2011 International Emmy Awards.

Ito ang kauna-unahang nominasyon na natanggap ng naturang news program mula sa nabanggit na award-giving body.

Nominado kasi sa news category ang coverage ng TV Patrol para sa Manila Hostage Crisis na naganap sa Manila noong August 23, 2010.

Lubos naman ang pasasalamat ni Reyes na nominasyon na ito ng nasabing primetime news program.

Aniya, "We are very glad that our efforts were recognized by the Academy [International Academy of Television Arts & Sciences].

"Nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga hurado na nakapili sa TV Patrol bilang finalist at ito ay dahil sa kagalingan, kasipagan at dedikasyon ng mga nagtatrabaho sa likod ng TV Patrol."

Dagdag pa niya, "This recognition of ABS-CBN News & Current Affairs’s work is even made more meaningful because of the intense national debate and discussions over media’s coverage of the Manila Hostage Crisis of 2010."

Ito ang ikalawang nominasyon para sa ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaan kasi na noong 2007 ay nominado sa naturang award-giving body ang Subic Rape Case coverage ng news program na Bandila.

Kaya naman pagmamalaki ni Reyes, "Karangalan natin na makasabay, [at] makasama ang iba’t-ibang news organizations mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, at maging ang mga pangunahing news organizations at networks dito sa America tulad ng CNN, NBC, CBS at ABC News."

Kaugnay nito, masayang ipinahayag ng presenter ng Emmy Awards na si Bruce Paisner, na malaki ang nakita nilang pagbabago sa paraan ng paghahatid ng balita.

Sinabi ni Bruce, "What we’ve seen is enormous growth, excellent TV production in countries outside the United States including, of course, the Philippines.

"It was gratifying to us that a program from the Philippines was one of the nominees."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN