Mapapanood na si Toni Gonzaga sa telebisyon sa pamamagitan ng ALLTV ng AMBS 2 sa Martes, September 13, 2022.
Kasama ang show niyang Toni Talks—na siya ring titulo ng online talk show ni Toni sa YouTube—sa mga mauunang eere sa TV network ni real-estate billionaire Manny Villar.
Isang exclusive ang inihanda para sa kanyang pilot episode sa free TV.
At ang una niyang panauhin ay si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na sa unang pagkakataon ay nagpaunalak ng panayam matapos niyang nanalo sa presidential elections noong May 9.
Ilan sa mga tanong ni Toni, base sa inilabas na teaser, ay ang tungkol sa Martial Law at kung bakit niya pinili si dating Senate President Juan Ponce Enrile bilang Chief Presidential Legal Counsel gayong tinraydor daw nito ang kanyang ama na si dating Presidente Ferdinand Marcos Sr.
Matatandaang under the martial law regime ni Marcos Sr., nanilbihan si Enrile bilang Defense Minister, pero naging isa siya sa mga key figures ng EDSA Revolution, na siyang nagpatalsik sa diktador.
Kasama rin ang mga ito sa naitanong ni Toni: Paano pabababain ang presyo ng bigas? Babaguhin ba ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at gagawing Manila International Airport? Papalitan ba ang mga textbooks sa paaralan?
Naitanong din ang tungkol sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN na ibinasura ng Kongreso noong July 10, 2020, sa ilalim ng panunungkulan ni former President Rodrigo Duterte; pati na rin ang PHP230-B estate tax ng kanyang pamilya.
Read: Congress junks ABS-CBN franchise renewal
Hindi ito ang unang pagkakataon ni Toni na makapanayam si President Marcos.
Nainterview na rin niya ito noong 2021 para sa kanyang YouTube channel.
Noong mga panahong iyon, pinutakti ng bashers ang host-actress dahil umiwas itong tanungin si Marcos Jr. ng mas mahahalagang tanong.
Inakusahan rin siyang ginamit ang kanyang YouTube channel para i-whitewash ang martial law "atrocities."
Samantala, kakapirma lamang ni Toni at ng asawang si direk Paul Soriano ng kontrata sa ALLTV noong nakaraang September 1.
Read: Toni Gonzaga and husband Paul Soriano sign up with AMBS 2
Ang huli niyang regular show with ABS-CBN ay Pinoy Big Brother, kung saan naging main host siya mula August 2005 hanggang February 2022.
Sa Martes na ang regular programming ng istasyon na nagawaran ng mga dating frequencies ng ABS-CBN.
Read: Manny Villar media company acquires ABS-CBN frequencies