Watch Now

Toni Gonzaga lambasted for allowing her Ninong Bongbong Marcos to "whitewash" martial law "atrocities" in her vlog

by Rachelle Siazon
Sep 16, 2021
An excerpt from Ateneo Martial Law Museum's open letter to Toni Gonzaga days after her trending YouTube vlog with reported presidential candidate Bongbong Marcos: "Your show has contributed to the Marcos family’s attempts to whitewash their human rights violations and its proven historical record. Marcos is a lying clout chaser, desperate to change public opinion about historical facts as he has neither history nor truth to his side."
PHOTO/S: Toni Gonzaga YouTube

Inulan ng batikos si Toni Gonzaga mula sa netizens na inalmahan ang anila'y "propaganda, whitewashing attempt, at misleading information" na ipinakalat ng panayam nito kay Bongbong Marcos.

Noong September 2, nagpahiwatig si Bongbong na siya ay kakandidato sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Ipinagtataka ng mga dismayadong netizens kung bakit sa loob ng higit 28-minute interview ni Toni kay Bongbong, hindi inusisa ng TV host-actress-singer ang mga mahahalagang isyu sa likod ng mga batikos na ibinabato sa pamilya Marcos.

Si yumaong Pangulong Ferdinand Marcos, ama ni Bongbong, ay nanungkulan bilang Presidente sa loob ng 21 taon, mula 1965 hanggang 1986.

Tinaguriang diktador ang nakatatandang Marcos gawa ng batas militar na ipinatupad nito mula September 21, 1972 hanggang January 17, 1981.

Napatalsik ang diktadurya ni Marcos nang maganap ang makasaysayang EDSA Revolution o People Power noong February 1986.

Sa loob ng higit 28-minute interview ni Toni, iniwasan niyang tumbukin ang mga reklamong human rights violations at korapsyon na hinarap ng administrasyon ng ama ni Bongbong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay sa kabila ng paghingi ni Toni ng reaksiyon ni Bongbong sa mga pangyayari noong EDSA Revolution.

PART OF THE Q&A BETWEEN TONI AND BONGBONG

Tanong ni Toni: "Speaking of handling life situations and problems, when people were marching towards EDSA, how did your father handle that situation?"

Sagot ni Bongbong: "My father called me. And he said, 'We have intelligence that this is about... these people are moving and this is what they're going to do. I'm assigning you to work with the security to handle the defense of the Palace.'

"So, from that day on, that's all I was doing. From that point, that Wednesday afternoon, nakauniporme na ako, e. Because I just came out of the military that time kaya ako nilagay. 'Ikaw ang in-charge sa Palasyo.'"

Sumunod na tanong ni Toni: "How was your father nung time na yun?"

"He reverted back to his commander mode. Wartime commander mode. Again, very calm, very measured."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong uli ni Toni: "So, nung nanyayari po yung rally sa EDSA, ano yung sinabi niya sa inyo?"

Sagot ni Bongbong: "I remember saying, 'Yung kalaban ginigiyera na tayo.' And he answered me, he said, 'I have spent my whole life defending Filipinos. I cannot hurt them now.' That was it. 'Put your guns down. We're not shooting anymore.'"

Tanong ni Toni: "Were you scared nung time na yun?"

Sagot ni Bongbong: "No, I wasn't. Because militarily, we had an advantage. It's just he chose not to fight.

"And then they took us to Clark. When we got to Clark, dinisarmahan kami. Nilipad na kami sa Guam, which is what happened."

Sa puntong ito ay hindi natalakay kung ano ang eksaktong isyu bakit nais patalsikin si Pangulong Marcos noong 1986.

Hanggang sa tinanong ni Toni si Bongbong kung paano nito hinaharap ang "criticisms" mula sa "bashers, haters, the anti-Marcoses."

Ang sagot ni Bongbong, sariwa pa sa kanyang isipan na mula pa noong Senate President ang kanyang ama ay nakakabasa siya ng mga headline sa diyaryo ng mga katagang "Oust Marcos."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naluklok na senador si Ferdinand Marcos mula 1959 hanggang 1965, at kongresista sa Ilocos Norte second district mula 1949 hanggang 1959.

Ani Bongbong, "I remember, if we'll look in the history books, when was the time when he was Senate President, na gusto talaga siya tanggalin.

"They just kept attacking and attacking him...

"I was quite young. I must have been five or six years old. Hindi ko maintindihan ba't sila galit sa daddy ko.

"I remember asking an aunt, 'Ba't sila galit kay Daddy? Mabait naman si Daddy.' 'Hindi, ganyan talaga...'"

Singit ni Toni, "And to this day, the mere surname... Meron talaga pag narinig 'Marcos...' But your father po, how did he handle that mga 'Oust Marcos'?"

Sagot ni Bongbong: "Wala. Trabaho lang tatay ko. 'That's nothing. I've been called worst names. I've been called every name in the book.' Tawa siya.

"If you're making your enemies angry, you're doing a good job. Hahaha! And we go back to [Winston] Churchill, 'If you haven't made enemies, you haven't done anything. Ganyan ang buhay ng pulitika..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong pa ni Toni kay Bongbong: "If you were to introduce the name Marcos to the new generation, how would you introduce yourself to them?"

Bahagi ng sagot ni BBM, "Well, I'm the son of the longest-lasting President who brought the Philippines into the modern world, really, and who brought to the Philippines a sense of nationhood."

Hanggang sa puntong ito ay hindi natalakay ang tungkol sa diktadurya ng yumaong Pangulong Marcos.

NETIZENS call toni a marcos "enabler"

Lumalabas na walang konteksto ang pinagmulan ng mga tanong ni Toni.

Walang malinaw na paliwanag, liban sa panaka-nakang litrato ng dagsa ng mga taong nagra-rally sa harap ng Malacañang, na ipina-flash sa vlog ni Toni.

Walang voiceover o chargen na kaakibat ang litrato para ipaliwanag kung ano ang mga ito.

Mariin itong inalmahan ng netizens.

Tinawag nilang "enabler" si Toni dahil tingin nila ay promo ang ginawa nito kay Bongbong dahil hindi natalakay ang mga isyung kinaharap ni Pangulong Ferdinand Marcos noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gumamit ang iba ng hashtag na "#NEVERAGAIN" at "NOTOHISTORICALREVISION."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw sapat na dahilan na hindi journalist si Toni para magtanong ng hard-hitting questions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa netizens na kontra kay Toni, kakatwang idinadahilan ng kanyang supporters na mayroon itong "freedom of speech" para ilabas nito sa YouTube channel ang kung anumang nais nitong content.

Anila, noong panahon ng batas militar ay walang freedom of speech dahil kontrolado ng gobyerno ang media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin maiwasang maungkat ng netizens ang ugnayan ni Toni at ng mister niyang si Paul Soriano kay Bongbong Marcos.

Inilabas nila ang litrato ng couple kasama si Bongbong noong nangampanya ito sa pagka bise-presidente noong 2016 elections.

Naalala rin nila na si Bongbong ay ninong sa kasal nina Toni at Paul noong 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

ATENEO MARTIAL LAW MUSEUM CALLS TONI'S INTERVIEW "pROPAGANDA, WHITEWASHING ATTEMPT, MISLEADING"

Ipinaliwanag ng pamunuan ng Ateneo Martial Law Museum ang dahilan kung bakit maraming netizens ang nanggigil kay Toni sa panayam nito kay Bongbong.

Ang Martial Law Museum ay isang comprehensive online resource learning sa ilalim ng Ateneo De Manila University para pagkunan ng impormasyon ng educators na pagtuturo ng "values of human rights, freedom, democracy, and engaged citizenship to Filipino students."

Noong September 15, naglabas ang Martial Law Museum ng open letter para kay Toni.

Tahasang nakasaad dito na ang panayam ni Toni kay Bongbong ay nakatulong sa anila'y pagnanais ng pamilya Marcos na pagtakpan ang mga kabuktutan sa ilalim ng diktadurya ni Pangulong Marcos.

Pahayag ng pamunuan ng Martial Law Museum:

"We are the Ateneo Martial Law Museum, a digital museum housed in the School of Social Sciences of the Ateneo de Manila University.

"Our mandate is to teach the public about our history under the Marcos regime, and to take a stand against attempts to undermine our democracy through the distortion of our dark past under the Marcos regime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Many of those working against these distortions have already expressed their disappointment and disdain over your decision to invite Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. to your show.

"Let us articulate where this disappointment comes from and what you can do about it.

"Inviting the son of a murderous and corrupt dictator of our country to your show benefits no one and pushes back the struggle to gain justice from the atrocities committed by the Marcos regime and against historical revisionism running rampant amongst our people.

"Your show has contributed to the Marcos family’s attempts to whitewash their human rights violations and its proven historical record.

"Marcos is a lying clout chaser, desperate to change public opinion about historical facts as he has neither history nor truth to his side."

Iginiit ng Martial Law Museum na hindi kailanman mapagtatakpan ang anila'y "disastrous effects" sa bansa ng rehimeng Marcos.

Sabi pa rito, mali na ipinta ni Toni sa panayam niya kay Bongbong na ito ay may simpatiya sa taumbayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"No amount of propaganda spewed by the Marcos family and their supporters can erase the factual and proven disastrous effects of the Marcos regime on our country.

"Your show presented Bongbong Marcos as an amiable and approachable figure. This is also an outright attempt at whitewashing.

"Mr. Marcos is not and will never be 'ordinary' or 'one with the people'.

"The Marcos family and their allies continue to benefit from the billions of Pesos stolen from public coffers during his father’s dictatorship and they continue to escape accountability for their actions.

"He continues to push a message and a political agenda that erodes efforts to exact justice from the atrocities committed during that period.

"He has no interest in the betterment of our society. His only interest lies in returning to the halls of power in order to whitewash his family’s disastrous legacy and to perpetuate themselves in power."

Trending sa YouTube ang vlog ni Toni, na mayroong higit 2.5 million views habang isinusulat ang artikulong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hiling ng Martial Law Museum, gamitin ng mga sikat na artista ang kanilang impluwensiya para sa ikabubuti ng bayan.

Hindi raw nakatulong ang panayam ni Toni kay Bongbong dahil sa "misleading information" na ipinalabas sa vlog.

"Celebrities should use their platforms, influence, and privilege in order to aid the progress of the common good.

"Helping build a more just society means that we hold the corrupt and the murderous to account and deprive them of the means and platforms that normalizes and whitewashes these figures and behaviors.

"The propagandistic lies peddled by Marcos on your show, and the lies peddled by those who had orchestrated the current shutdown of your own home network ABS-CBN, are fruits from the same tree.

"These falsehoods are designed to mislead and divide our people so that corruption and lust for power remain rampant and unchecked throughout our country."

ATENEO MARTIAL LAW MUSEUM INVITES TONI TO TALK TO MARTIAL LAW SURVIVORS

Sa huling bahagi ng open letter ng pamunuan ng Ateneo Martial Law Museum, inimbitahin nila si Toni na kapanayamin ang martial law victims and survivors para makumpleto ang istorya ng TV host-actress-singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May we invite you to instead talk to the victims and surviving families of the Martial Law regime? The Ateneo Martial Law Museum stands ready to facilitate your encounter with the victims of Martial Law and with the truth.

"In fact, we think that hearing their stories and struggles will be much more inspirational for your audience than talking to anyone from the Marcos family.

"These are the stories that celebrities and influencers should strive to popularize and disseminate as they are exemplary models of how we can strive to create a better country for everyone.

"In the first place, the only reason why we are able to pursue our creative pursuits in a free society today was because of their sacrifices. We owe a lot to those who sacrificed their lives in order to fight for our freedom and democracy.

"We really do hope that you will take this opportunity to talk and listen to the real heroes who suffered and fought against the Marcoses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Our lines will remain open to you and your team should you choose to initiate this process. If other creators would also like to heed our call, our lines remain open to collaborate with you as well."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
An excerpt from Ateneo Martial Law Museum's open letter to Toni Gonzaga days after her trending YouTube vlog with reported presidential candidate Bongbong Marcos: "Your show has contributed to the Marcos family’s attempts to whitewash their human rights violations and its proven historical record. Marcos is a lying clout chaser, desperate to change public opinion about historical facts as he has neither history nor truth to his side."
PHOTO/S: Toni Gonzaga YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results