Aiko at Martin Jickain: All the best para kay Marthena

IMAGE 0


Matagumpay ang binyag ni Marthena Jickain, anak ni Aiko at Martin Jickain.


Matagumpay na naidaos ang binyag ng three-month-old baby girl nina Aiko Melendez at Martin Jickain na si Marthena Jickain noong October 28 sa Christ The King Parish sa Green Meadows, Quezon City.

Naging cooperative naman si baby Marthena dahil hindi siya umiyak ng mga sandaling ‘yon kaya tuloy-tuloy ang ginanap na binyagan officiated by Most Reverend Raul Q. Martinez.

Pagkatapos ng seremonyas sa simbahan ay tumuloy naman ang lahat sa Multi-Purpose Hall ng Green Meadows Chapel para sa reception. Ang nag-cater ng nasabing reception ay ang VS&F Classic Food International.

Ipinanganak si Marthena noong July 28, 2006 sa Saint Luke's Hospital, Quezon City at nang araw ng kanyang binyag ay halos kumpleto ang pamilya nina Aiko at Martin.

Karamihan sa mga godparents ay mga artista tulad nina Assunta de Rossi, Gelli de Belen, Carmina Villarroel, Marjorie Barretto kasama ang mister na si Dennis Padilla, Maricar de Mesa, Candy Pangilinan, Bayani Agbayani, Angelo Castañeda, JM Rodriguez at si Dr. Manny Calayan na kasama ang kanyang asawa na si Pie.

Ang mga hindi nakarating na godparents ay sina Ruffa Gutierrez-Bektas na nasa Turkey, Dawn Zulueta, Tuesday Vargas, song composer Lito Camo, Smokey Manaloto, Vhong Navarro, at Kris Aquino-Yap.

Sa isang panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kay Martin, sinabi niyang very proud siya sa kanyang baby lalo na't sobrang pinagkakaguluhan si Marthena dahil sa naiibang kulay ng kanyang mga mata.

"Greenish-gray [ang kulay ng mata niya]. [Galing sa] side ng daddy ko po. Sa kanilang magkakapatid, ganoon po ang mata—hazel, brown, green," paliwanag ni Martin.

Nang tanungin namin si Martin kung sa tingin niya ay di na magbabago ang kulay ng mga mata ng anak nila ni Aiko, sinabi nitong: "Hindi na po. Actually, nandiyan ang doktora niya e. Ang sabi niya, kung ano na daw ang kulay [ng mga mata] niya, ‘yon na daw ‘yon."

Ano naman ang mga plano nila ni Aiko para kay Marthena? "Papag-aralin namin siya sa isang exclusive school for girls," sabi ni Martin.

Papayagan ba nilang mag-artista rin si Marthena gaya ng kanyang mommy? "Why not? Whatever she wants when she grows up, susuportahan namin siya," ani Martin.

Magiging strict ba siyang father sa kanyang anak na babae? "Ah hindi, cool dad. We'll see. It's too early to say."

Tuwang-tuwa rin si Aiko sa pagdating ni Marthena sa kanyang buhay. "Masayang-masaya ako dahil may baby girl na ako. Partner sila ni Andre [anak niya kay Jomari Yllana], a boy and a girl. Siyempre, magka-level ang pagmamahal ko sa kanila pero sa ngayon, mas binibigyan namin ng proteksyon si Marthena dahil baby pa siya at babae pa.

Dagdag pa niya: "All the best para sa mga anak namin. Yan naman talaga ang hangad ng mga magulang sa kanilang mga anak."

Tinanong din namin si Andre kung gaano niya kamahal ang kanyang bunsong kapatid, ang sagot nito ay: "Infinity!"

Samantala, ang ina ni Quezon City councilor Aiko na si Mommy Elsie ay hindi pumasok sa simbahan dahil sa relihiyon nito. Ayon kay Mommy Elsie, "Jehovah's Witness kasi ako. Ito ang religion ko kaya di ako pumasok kanina sa loob. Di kami pinapayagan na pumasok sa ibang simbahan. ‘Yan ang nakalagay sa doktrina ng aming simbahan kaya dapat lang namin sundin."

Ayon naman sa ina ng model na si Martin, Mrs. Cecile Jickain, "Masuwerte ang anak ko dahil si Aiko ang napangasawa niya. Napakabait ng daughter in-law ko, ang balae [Mommy Elsie] ko napakabait din at ang mga kapatid niya [Aiko], napakagalang. Wala akong masasabi, suwerte ang anak ko."

Inamin ni Mrs. Jickain na noon ay di niya agad natanggap ang pag-aasawa ng anak dahil nabigla siya sa pangyayari. "It was too soon," aniya. "Nagulat lang ako nang sabihin ni Martin na mag-aasawa na siya. Di ko akalain na in love ang aking si Martin [kay Aiko]. Pero ngayon, I'm very happy for them and their baby na napakaganda.

Nilinaw rin ni Mrs. Jickain ang lumabas na balita noon na hindi siya boto kay Aiko para kay Martin. "No," giit niya. "Di ko lang natanggap agad ang pangyayari at nagkasakit nga ako noong kasal nila kaya di ako nakasipot. Alam ko naman na separated [from Jomari] na si Aiko at may anak pero for me past is past. Walang perfect na tao e. Lahat ng ito ay will ng Panginoon, taga-sunod lang tayo lahat. She [Aiko] has to move on and I'm happy for them. Kung may konting tampo man ako sa maagang pag-aasawa ng aking anak ay nawala na ‘yon. Bigla kong nakalimutan nang isilang si Marthena."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN