Say Alonzo nagsalita muli tungkol kay JB Magsaysay

IMAGE 0


Muling nagsalita si Say Alonzo tungkol sa relasyon niya kay JB Magsaysay sa Pinoy Big Brother.


Sumagot ng “yes” si Say Alonzo nang maitanong sa kanya kung hindi niya nagugustuhan ang ala-ala ng pakikipagrelasyon sa housemate niyang si JB Magsaysay noong nasa Pinoy Big Brother (PBB) pa sila.

Sa press conference ng Gigil, na produced ng Regal Entertainment, sa Regal office sa Ortigas Avenue noong November 10, natanong kasi si Say ng point blank question about her relationship with JB. Kung looking back, "pinandidirihan" niya raw na nakipagrelasyon siya in full view of the audience sa PBB. She answered "yes."

Natatakot kasi si Say na baka matira na naman daw siya ng mga kampo ni JB—usually sa Internet. Although friends na sila ngayon ni JB, hindi kasi naging amicable ang split-up nila. Pero ayon kay Say, surprisingly, mas friends sila ngayon ni Angelica Panganiban, ang babaeng na-date ni JB after he left the PBB house na naging rason ng paghihiwalay nila.

Right now, loveless si Say but happy naman daw siya dahil sa kabisihan niya sa trabaho.

One of the busiest products of the first Pinoy Big Brother series si Say, ang pinaka-visible sa showbiz ngayon sa mga babaeng housemates—now eclipsing even the main winner na si Nene Tamayo. Bukod kasi sa kanyang Wazzup Wazzup sa Studio 23 at Super Inggo sa ABS-CBN 2, may dalawang upcoming movies pa si Say, both for Regal Entertainment.

Sa Gigil, Say plays Denoy, ang best friend ni Katrina who plays China, the former conservative call center agent girl who went wild sa Boracay nang na-stood up sa kasal nila ni Boom Antonio who ran away with their best man. Si Alfred Vargas, playing Felix, ang makaka-partner ni Katrina rito. Kasama rin nila sa pelikula sina Bianca King, Ketchup Eusebio, Gabb Drilon and Malou Crisologo.

Bukod dito, kasali rin si Say sa Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh ni director Joel Lamangan kung saan gumaganap si Say bilang isa sa mga Amazonistas ni Pops Fernandez, ang kalaban ni Zsa Zsa Zaturnnah played by Zsa Zsa Padilla.

Asked kung gusto niya pang magka-boyfriend na showbiz, ayaw na raw niya, say ni Say.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN