Alma Moreno, aatras para kay Anjo Yllana sa 2007 polls

IMAGE 0


Hindi tatakbo para maging vice-mayor ng Parañaque City si Alma kung makakalaban niya si Anjo


Hindi magsasalpukan sa darating na 2007 May election sina Alma Moreno at ang incumbent Parañaque vice mayor na si Anjo Yllana.

Ito ang tiniyak kahapon, November 15, ni Alma sa panayam ng PhilippineEntertainment Portal (PEP) sa kanya sa taping ng morning program ngGMA-7 na Sis sa Studio 3 ng naturang TV station.

Si Alma, na dating first lady ng Parañaque, ay napabalitang tatakbobilang bise-alkalde ng lungsod na ito at running-mate ni former MayorPablo Olivarez. Inamin naman ito ng aktres, subalit nagpasubali siyangna kung magkakatapat sila ni Anjo ay hindi na niya itutuloy ang balakna pagtakbo bilang vice-mayor.

Ayon pa kay Ness (palayaw ni Alma), mag-uusap sila ni Anjo para linawinkung anong posisyon ba talaga ang kanilang tatakbuhin. Mahirap dawkasing maging magkalaban pa sila sa pagiging vice-mayor ng Parañaquedahil bukod sa pareho silang artista ay matalik pa silang magkaibigan.Sina Alma at ang dati nitong asawang si Joey Marquez ay tumayonggodparents sa kasal nina Anjo at Jackie Manzano noong 1998.

“Kung tatakbo siyang vice-mayor uli, magi-give way ako. Posiblengkonsehal na lang ang takbuhin ko,” giit ni Alma. “Pero kung magme-mayorsiya, vice-mayor definitely ang target ko sa next election.”

Nakailang pag-uusap na diumano sina Alma at Dr. Olivarez para ngakumbinsihin ng huli ang aktres na maging running-mate nito sa daratingna halalan. Tumakbo si Ness bilang alkalde ng nasabing lungsod noong2004, subalit hindi siya pinalad na manalo.

Kasamang nag-guest sa Sis, na mapapanood sa Lunes(November 20), ang pamilya ni Anjo kaya naman nagkaharap ang mag-ninangat napagkasunduan nilang mag-uusap para maiwasang magkalaban sadarating na local election.

Nang tanungin naman ng PEP si Anjo kung ano ang komento nito sakalingang tapatan siya ni Alma at kung posibleng siya ang mag-give way attumakbong mayor ng Parañaque, tumawa lamang ito at sinabing “Itanongnatin kay Misis [Jackie],” sabay banat ng malulutong na halakhak.

Hindi pa rin kasi buo ang desisyon ni Anjo kung anong posisyon angtatakbuhin niya sa eleksyon kaya’t ayaw pa nitong magbigay ng komento.

Samantala, nakatakdang bumalik sa Tahanan Village sa Parañaque si Ness,kasama ang kanyang mga anak kay Joey. Matatandaang umalis ang aktres sanaturang bahay nila ni Joey nang magkahiwalay ang dalawa.

Umupa si Ness ng isang condo at kinalaunan, ang naging usap-usapan aykasama niya rito ang boyfriend niyang si Gerald Madrid—na itinatangginaman ng dalawa. Ang pagbabalik kaya ni Ness sa Tahanan Village aynangangahulugan na wala na sila ni Gerald?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN