Criselda Volks 'ipadudukot' si Cris Villanueva

IMAGE 0


Dalawang buwan na pinaghahanap ni Criselda si Cris para mapirmahan ang custody papers ng anak.


Iritado at nauubos na ang pasensiya ng aktres na si Criselda Volks sakanyang dating live-in partner na si Cris Villanueva, kaya nagbantaitong ‘ipadudukot’ na lang ang aktor. Ito ang sinabi ni Criselda sapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) sa taping ng Magpakailanman niMel Tiangco—na ipalalabas mamayang gabi sa GMA-7 tampok din sina GinaAlajar at Tirso Cruz III—sa Provident Village, Marikina City lastSunday, November 19.

For ten years ay nag-live in sina Criselda at at ang That’s Entertainment graduatena si Cris. Last year ay naghiwalay ang dalawa at pagkalipas lamang ngdalawang buwan ay nagpakasal si Cris sa ibang babae.

Ayon kay Criselda, halatang pinagtataguan siya ni Cris upang hindi nitomapirmahan ang dokumentong magbibigay ng total custody sa aktres parasa kanilang anak na si Raffa.

Idinagdag pa ni Criselda na nilapitan na niya ang ama at kapatid niCris upang matunton ang huli, pero wala rin daw nangyari. Halosdalawang buwan na niyang hinahanap si Cris para maayos na ang hinihinginiyang custody sa kanilang anak. Dahil dito ay magse-celebrate siCriselda ng kanyang 25th birthday sa Hong ngayong araw na ito, November23, minus her son.

“Matagal na raw nilang hindi nakakausap si Cris, I don’t know whetherit’s true or not. The best thing to do siguro is to let the lawyerhandle it na lang. I don’t know, siguro it would be pathetic of me kungmanawagan pa ako sa TV para lumabas lang si Cris at mapirmahan niya angmga papeles,” pahayag ni Criselda.

Hindi man ikinasal sina Cris at Criselda, ipinalipat ang last name niRaffa sa ama nitong si Cris mula sa apelyido ng aktres dahil akala rawni Criselda ay panghabambuhay na ang kanilang relasyon. Kaya ngayon aynahihirapan si Criselda na ayusin ang mga travel documents ng kanilanganak dahil without Cris’s signatures, hindi makalalabas ng bansa siRaffa.

Sinabi pa ni Criselda na ang kanyang birthday wish ay ang magkaroon pang maraming trabaho at makasama lagi ang kanyang mahal na anak.

“Heto nga, pupunta ako sa Hong Kong na malungkot kahit magbe-birthdayako. Hindi ko kasi maisama si Raffa,” malungkot na sabi ni Criselda.

Patuloy niya, “My birthday wish is to be blessed with more work. I’mvery eager to work, not for the money as showbusiness is not my breadand butter, but it is my passion. I love the hype, I love acting,performing and everything that goes with it. I think I was born and mypath is to be with this kind of business. And I’m very happy how mycareer is going right now.

“Kasama siyempre sa birthday wish ko ang good health ng aking anak,maging mabuti lagi ang kalagayan niya. Too bad, hindi ko siya maisama,madalas pa naman akong nagta-travel abroad. Ang pamilya ko kasi ay nasaAmerika lahat e. Kaya wish ko lang na maayos na ang mga dokumento niRaffa, isang pirma lang ni Cris ay maaayos na iyon. Para makapunta siRaffa sa Amerika at makilala ang mga pinsan niya, mga kamag-anak niya.I want him to grow-up sa magandang surroundings which is imposible saside ni Cris, dapat ay sa side ko.”

Pinaghalong pagkadesperado at pagkadismaya ang himig ng hulingpananalita ni Criselda dahil sa pagkabigo niyang makuha ang fullcustody sa kanyang anak, hindi lang namin matiyak kung seryoso siya sakanyang banta kay Cris.

“The last time we talked, walang balak si Cris na pumirma, kaya kumbagapara sa akin kung hindi siya makuha sa santong dasalan, kunin na langsa santong paspasan, ipapadukot ko na lang siya,” wika pa ni Criselda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN