Lovi Poe, aminadong mas magaling umarte si Yasmien Kurdi

IMAGE 0


Itinanggi ni Lovi Poe ang mga balitang nag-iiringan sila ni Yasmien Kurdi sa set ng Bakekeng.


Itinanggi ng young singer-actress na si Lovi ang balitang hindi raw sila nagkakasundo ng co-star niyang si Yasmien Kurdi sa Bakekang.May lumabas kasing balita na nag-iisanaban ang dalawa sa set dahil maspinupuri ang acting ni Yasmien bilang Charming kesa kay Lovi bilangKristal—magkapatid ang role nila sa GMA-7 primetime drama series.

"That's not true po kasi good friends kami talaga ni Yasmien,"nakangiting sabi ni Lovi sa SOP Music Awards last Sunday, November 26,sa Mall of Asia. "Noong time na nagge-guest pa lang ako sa mga TV shows[ng GMA-7], si Yasmien ang parati kong nakakasama sa dressing room.



"Tapos kapag may shows," patuloy niya, "si Yasmien din ang nakakasamako kaya naging friends na kami. Kaya it's not true na hindi kamimagkasundo. Si Yasmien pa naman, makuwento siya and I love to listen toher stories."

Tungkol naman sa obserbasyon ng iba na mas magaling umarte si Yasmien kesa sa kanya, hindi raw nababahala si Lovi rito.

"That's not a problem for me kasi totoo naman," pag-amin ng anak ngyumaong si Fernando Poe, Jr. "Yasmien is a very good actress. Mahirapyung role niya as Charming. Mas demanding ang role niya sa Bakekang kaya she deserves all the good reviews.



"Ako naman, I am trying to give out my best. Nakakaiyak na nga ako nangmaayos unlike before na nahihirapan ako. Pagiging singer naman talagaang gusto ko, pero I also like to explore acting. I know na marami paakong dapat matutunan sa pag-arte and Yasmien is there naman to help meout."

Samantala, proud si Lovi dahil nagwagi siya as BreakthroughRecording (Solo) Artist of the Year sa SOP Music Awards 2006. Ito angkanyang kauna-unahang award mula nang pasukin niya ang showbiz industry.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN