Jennylyn Mercado denies sex video with Mark Herras

IMAGE 0


Jennylyn, hiyang-hiya sa GMA-7 dahil sa kumakalat ng balitang sila nina Mark Herras ang nasa isang sex video.


Halatang pinipigilan lang ni Jennylyn Mercado ang mapikon sa isyung maykumakalat silang sex video ng ex-boyfriend niyang si Mark Herras. Itoang naobserbahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conng pelikulang Super Noypi kahapon, December 1, sa condo-hotel ni Lily Monteverde na Imperial Palace Suites.

Ayon kasi sa balita, kalat na raw sa mga cell phones at maging saInternet ang diumano'y nude photos ni Jennylyn, pati na ang sex videonu'ng mag-on pa sila ni Mark.

Kung si Mark ay aminadong napipikon na sa nasabing issue, si Jennylynnaman ay cool lang at naghahamon na ipakita sa kanya ang nasabing sexvideo scandal nila ni Mark.

"Gusto kong mapanood yan," sabi ni Jennylyn. "Curious ako and I'm sure,curious din si Mark. Gusto ko ngang makita e. So sana lang, mai-producenila---kung sino man ang nagkakalat no'n."

Nang hingan ng komento ang young actress sa alegasyong ang nagpakalatnito ay taga-ABS-CBN, kakumpitensiyang istasyon ng GMA-7 na home studionina Jennylyn at Mark, minabuti niyang huwag na magsalita tungkol dito.

"Ayoko na lang mag-comment tungkol diyan," pakiusap pa ni Jen. "Siguronga, may mga taong hindi nakukuntento hangga't hindi sila makapanira ngibang tao. Basta ako, wala akong ginagawang masama. Wala kamingginagawang masama ni Mark."

Dagdag pa niya: "Ayokong gumawa ng kasalanan para sa sarili ko. Ayokong gumawa ng kasalanan na ikakasira ng pagkatao ko."

Idinagdag pa ni Jennylyn na hiyang-hiya siya sa GMA-7 management dahilsa mga ganitong malisyosong tsismis sa kanila ng dating boyfriend na siMark.

"Nakakahiya talaga sa GMA," seryosong sabi ng young actress. "Bastaako, sa sarili ko, malinis ang konsensiya ko dahil hindi totoo yun!

"Baka mamaya niyan, ang sumunod nang intriga e may sex video na rin kami ni John Prats [co-star niya sa Super Noypi] o kung sino pa man ang maisip nila!" pagbibiro ng young actress.

"Siguro, may mga tao lang talagang walang magawa sa buhay nila. Pleaselang, sana lang ay tigilan na nila, kasi hindi na healthy ito,"pakiusap niyang muli.

"Hindi naman sa apektado ako. Kung hindi naman totoo ay talagang hindiako maaapektuhan. Tigilan lang sana nila ang paninira nang walangbasehan!" bulalas ng StarStruck 1 female ultimate survivor.

Samantala, tigas pa rin si Jen sa pagtangging sila na nga ni PatrickGarcia, kahit halos "ibuking" na ito ni Bianca King (dating girlfriendni Patrick) sa kanyang interviews.

"Wala naman po akong aaminin dahil talagang friends lang kami ni Patrick," diretso niyang pahayag.

Hindi kaya ang dahilan ng hindi niya pag-amin ay dahil pinoprotektahan niya ang loveteam nila ni Mark?

"Hindi po dahil doon," pagtanggi niya. "Talagang magkaibigan lang kamini Patrick. Kung ano man ang nababalitaan nila, sana sa akin silamaniwala. Ayokong sirain ang tiwala sa akin ng GMA and sa loveteamnamin ni Mark."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Magkasama sina Jennylyn at Mark sa Super Noypi, isa sa official entries ng Regal Entertainment sa 2006 Metro Manila Film Festival.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN