Tanya Garcia denies marriage plans with Mark Lapid

IMAGE 0


'We're happy,' Tanya Garcia describes her relationship with Pampanga Governor Mark Lapid.


Ikinasal ang sexy actress na si Maricar de Mesa at ang basketball player na si Don Allado kahapon, December 1, sa Our Lady of Consolation Parish Church. Isa sa tumayong bridesmaid sa kasal ang aktres na si Tanya Garcia, matalik na kaibigan ng bride.

During the pictorial session following the church wedding, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Tanya. Ayon kay Tanya, maayos naman ang wedding nina Maricar at Don. Mabuti na lang daw at lumihis ang bagyong Reming dahil sigurado raw maaapektuhan ang kasal.

Walang escort that night si Tanya kaya tinanong ng PEP kung bakit hindi niya kasama ang napapabalitang boyfriend niyang si Pampanga Governor Mark Lapid.

"Sobrang busy kasi si ‘fafa'!" natatawang sagot ni Tanya.

Ayon pa sa aktres, malamang na sa December 5 pa sila magkikitang muli ni Mark dahil doon lang makakaluwas ng Maynila ang Pampanga governor.

Dahil nasa kasalan na rin naman siya that time, hindi na rin pinalagpas ng PEP ang pagkakataon na itanong kay Tanya ang mga nababalitang plano na rin niyang lumagay sa tahimik. Ayon nga sa balitang kumakalat, posibleng next year ay magpakasal na sila ni Mark.

"Naku, that's not true!" mabilis niyang tugon. "At saka, sobrang aga pa talaga para pag-usapan yung mga ganyan kaseryosong bagay."

Patuloy niya, "Wala pa talaga sa isip ko yan. Hindi pa talaga namin napag-uusapan ang anumang bagay like marriage. Basta kami ni Mark, we're happy. Kung tatanungin n'yo pa rin ako kung ano ang meron sa aming dalawa, we're both happy together. Yun lang!"

Kung kakalkulahin ang itinatagal na ng relationship nila, or their being "happy together" as Tanya likes to call it, more than six months na rin sila. Pero pinakadiin-diin nga niya na wala pa siyang inggit na napi-feel sa mga kaibigang ikinakasal at masaya raw siya na nakita na ng mga ito ang ka-match nila.

Sa part niya raw kasi, marami pa siyang gustong gawin sa kanyang buhay. Isa na raw rito ang pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral. Pansamantala kasi siyang tumigil sa kanyang Mass Communication course sa Dominican College.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung schooling ko, isang sem na lang halos matatapos na ako kaya gusto ko munang makatapos," sabi niya. "Gusto ko ring magamit ang course ko. If not naman, I'm also interested in teaching. I love kids at natsa-challenge ako to teach yung prep kids."

Kasama si Tanya sa pelikulang Matakot Ka Sa Karma, ang official entry ng Canary Films sa 2006 Metro Manila Film Festival. Sa TV naman ay regular siyang napapanood sa sitcom na Ay Robot! sa QTV 11.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN