Movie of Senator Lapid and his sons banned in Makati?

IMAGE 0


Senator Lapid stars with his sons Mark and Maynard in the 2006 MMFF official entry "Tatlong Baraha"


Mga bida sa Tatlong Baraha ng Violett Films Productions at MTL Films ang mag-aamang Lito, Mark, at Maynard Lapid.



Ang Tatlong Baraha ang isa sa siyam na pelikulang official entry sa 2006 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Araw ng Pasko, December 25.



Umaasa ang senador at ang kanyang mga anak na maipalalabas sa mga sinehan sa Makati City ang kanilang pelikula.



Sa presscon ng Tatlong Baraha na ginanap kagabi, December 5, sa Annabel's restaurant sa Quezon City, ipinahayag ni Senator Lapid na kalimutan muna sana ni Makati City Mayor Jojo Binay ang pulitika at payagan nitong maipalabas sa naturang siyudad ang kanilang pelikula.



Dalawang pelikula kasi ng anak niyang si Pampanga Governor Mark Lapid ang hindi ipinalabas noon sa mga sinehan sa Makati City—Batas Militar at Apoy sa Dibdib ng Samar.



Reportedly, banned ang mga pelikula ng mga Lapid sa Makati City mula nang kumpirmahin ni Senator Lapid na siya ang itatapat kay Mayor Binay ng Arroyo administration sa susunod na eleksiyon.



Noong hindi maipalabas sa Makati City movie houses ang Batas Militar, agad na nagbigay ng pahayag si Mayor Binay.



Ayon kay Mayor Binay, wala siyang kinalaman sa hindi pagpapalabas sa mga sinehan sa Makati ng pelikula ng anak ng kanyang would-be political opponent at masyado siyang busy sa trabaho niya para pakialaman ang nabanggit na isyu. Desisyon daw ‘yon ng mga theater owners.



Naniniwala naman ang Violett Films producer na si Mrs. Violet Sevilla na papayagan ni Mayor Binay na maipalabas sa mga sinehan sa Makati City ang Tatlong Baraha.

May mga nagtatanong ngayon kung gimik lang ng Tatlong Baraha ang ikinakalat na ban ng pelikula. Kung iisipin nga naman kasi, mas mapag-uusapan ang pelikula, na sa ngayon ay hindi mainit, kapag ito ay pigilang lumabas.

Liban dito, ano naman ang papel ng isang mayor---o anupamang opisyal---sa pag-censor ng isang pelikula? Malamang, bilang abugado, naisip na ito ni Mayor Binay, at kung gusto man nitong pahirapan ang kalaban sa pulitika, ay naisip na rin niyang magba-backfire ang ganitong move.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ganoon, saan kaya nanggagaling ang ingay na ito?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN