Alyssa Alano denies rumor linking her to Joey de Leon

IMAGE 0


Alyssa Alano is part of "StarTalk" where Joey de Leon is one of the main hosts.


Natawa na lang si Alyssa Alano nang tanungin siya kung sino ang sikat na komedyanteng nanliligaw sa kanya ngayon sa press con ng Enteng Kabisote 3: The Legend Goes On and On and On, noong December 1, sa Virgin Café, Tomas Morato, Quezon City.



Wala raw matandaan si Alyssa na nanliligaw sa kanyang komedyante. Pero nang ibulong sa kanya ng isang entertainment reporter ang pangalan ni Joey de Leon, na kasama niya sa Startalk, doon natawa ang sexy comedienne.



"Ah, mabait lang siya sa akin," nakangiting sabi niya tungkol kay Joey. "Kasi para raw niya akong anak. Hindi naman siya nanliligaw sa akin. Nabibigyan lang ng malisya ng iba kasi close nga kami. Pero wala ‘yon. Para ko lang siyang daddy ko at hindi papa!"

Isa pa ay alam sa industriya na masaya si Joey sa piling ng asawa nitong si Eileen Macapagal. Alam din sa industriya na devoted husband and father ang komedyante.


Samantala, ngayong Pasko ay marami raw reregaluhan si Alyssa—na sumikat dahil sa nakatutuwang version niya ng kantang "Kiss Me" at mali-maling Inggles nito. Since dumami ang mga raket niya ngayong taon, nararapat lang daw na mag-share siya ng blessings sa kanyang mga kamag-anak.



"Noon kasi wala talaga akong pera," sabi ni Alyssa. "Wala akong trabaho na maayos. Ngayong taon, sinuwerte ako. Marami akong raket, tapos may pelikula pa ako sa Metro Manila Film Festival [Enteng Kabisote 3]. Kaya marami na akong pambili ng regalo para sa pamilya at mga kamag-anak ko."



Ayon pa kay Alyssa, hindi raw siya makakauwi sa home province niyang Tarlac dahil bukod sa sunud-sunod ang shows niya, at promo period pa raw ito para sa Enteng Kabisote na pinagbibidahan ni Vic Sotto.



"Nami-miss ko na nga ang relatives at mga kaibigan ko sa province," banggit niya. "Matagal na akong ‘di nakauwi since naging busy ako. Sana sa New Year, makauwi ako para makasama ko sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN